Chapter 18

22.9K 676 10
                                    

"Letizia..." I called her name kahit magkaharap lang kami

Nakahiga na kami sa kama at ayaw niya akong patulugin sa guest room. Kahit naman ako ay ayoko rin.

"Hmm?"

"Paano ka naging bodyguard kung mayaman ka naman?" Okay, that question ang gumugulo sa akin ngayon lalo na't halatang galing talaga sa mayamang ankan ang babaeng 'to.

"Maddy asked me a favor to take care of you..."

"Wait.. Maddy?"

Familiar sa akin ang pangalan na yan but hindi ko maalala

"Secretary Cruz..."

"Ah..."

kaya pala familiar pero hindi eh, basta narinig ko na somewhere ang pangalan na yun dati pa nung bata ako.

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang.."

Humarap ako sa kisame at ginugulo pa rin ako ng tanong ko kanina. Feeling ko hindi ko pa kilala ang babaeng kasama at katabi ko ngayon. She honestly answered my question earlier but something still bugging me.

Naramdaman ko ang mainit niyang palad na dumapo sa kaliwang pisngi ko. Iniharap niya ang mukha ko sa kanya at kita ko na ang maganda niyang mukha.

"No matter what happened... sa akin pa rin ang magiging bagsak mo.."

I felt butterflies in my stomach when she said that and my cheeks reddened.  Nagtataka ko naman siyang pinagmamasdan. Sobrang seryoso niya at anong ibig niyang sabihin na sa kanya pa rin ang bagsak ko?

"What do you mean?"

"Cause je t'aime.."

Sinamaan ko siya ng tingin "Ewan ko sayo!"

Tumalikod ako sa kanya dahil ayan na naman ang alien words niya hmp! Pumikit na ako dahil dinadalaw na ako ng antok pero naramdaman ko pa ang pagyakap niya sa akin kaya nakangiti akong nakatulog.

Kinabukasan ay maaga niya akong ginising at dinala niya ako sa basement, nung una ayoko pang sumama dahil baka may kalokohan na namang gagawin ang babaeng 'to.

"My training room..." tipid na sagot niya at naglakad patungo sa kulay itim na nakalatag sa sahig "come here.."

Pumunta ako at pagtapak ko ay foam pala. Ano naman kaya ang gagawin namin dito?

"Lemme train you how to do self-defense.."

"Okay.. I guess, I need to learn how to"

Pumwesto ako at naghanda sa pag-atake niya. Lumapit siya sa akin at sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakahiga na ako at nakangisi niya akong pinagmamasdan. Ohmygod!! How did she do that within a fcking second! Tumayo ako at naguguluhan pa rin sa nangyari.

"C'mon weak.. smack me"

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang lakas ng loob niya na tawagin akong weak!! Tumakbo ako palapit sa kanya at binalak kong suntukin siya sa mukha pero nahawakan niya ang kamay ko at inilagay sa likod ko.

"Ouch! Masakit ha!" reklamo ko, ang sakit-sakit kaya! "Oh fck!" Pinatid niya ako para matumba ako paharap habang hawak niya ang kamay ko sa likod.

Nakaupo siya sa butt ko habang hawak ang kamay ko.

"Hoy Letizia! Masakit na talaga!" Sigaw ko dahil parang wala na siyang balak na bitawan ako!

Binitiwan na niya ako at umalis na siya sa pagkakaupo sa akin. Umupo ako at hinawakan ang braso ko.

"Pagod ka na?"

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon