Chapter 28

19.8K 593 45
                                    


"Ginawa niya yun?" Gulat na tanong ng dalawa at kulang na lang ay lumabas ang mata nila sa gulat

"Tapos wala lang sayo?" Tanong pa ni Ashley

"Oo.." kinuha ko yung baso at inamoy muna ang juice. In case lang naman na may nakahalo na naman sa iinumin ko.

Nakwento ko kasi sa dalawang 'to ang ginawa ni Jeiden kanina. Gusto ko lang sabihin dahil bawal ang secrets sa aming tatlo.

"Edi kapag kiniss ko ang gilid ng labi mo ay okay lang sayo?"

Napataas ang kilay ko sa itinanong ni Ash "baka gusto mong ibuhos ko 'tong hawak ko sa mata mo?" Itinaas ko ang hawak ko

Umayos naman siya ng upo "No need, takot ko lang kay Letizia" bulong niya

"May sinasabi ka ba?"

"Wala po, ang sabi ko ano naramdaman mo nung ginawa niya yun?"

"Wala.." sagot ko

"Walang sparks at butterflies?" Curious na tanong ni Jem

"Wala nga, ang kulit"

Tumingin ako sa pool at pinagmasdan ang kumikinang na tubig nito dahil sa sikat ng araw. Nasa pool side kasi kaming tatlo at may malaking umbrella naman kaya hindi masusunog ang balat namin.

"Nasaan si Letizia?"

"May pupuntahan daw siya saglit" sagot ko sa tanong ni Jem

Napapadalas na talaga ang pag-alis niya at kung minsan pa nga ay napapansin kong kausap niya sina Bea at secretary Cruz sa garden. Na silang tatlo lang... Anong meron sa kanila? At isa pa! Bakit sobrang close si Letizia at Bea? Naiinis ako kapag magkausap silang dalawa.

"Sumasabay pa yang init ng ulo mo sa init ng panahon.." inabot sa akin ni Ash ang juice na iniinom ko kanina kaya agad ko na itong kinuha.

"Ano na naman ang ikinaiinit ng ulo mo? Nagseselos ka?" Natatawang tanong ni Ash at muntik ko pang itapon ang laman ng basong hawak ko sa kanya "ito naman hindi mabiro"

"Tigilan mo ako Ashley ha?" Inis na inilapag ko sa wooden table ang baso

"Nagseselos na naman yan kay Bea" natatawang hinampas ni Jem ang isa kaya tumawa na rin ito.

"Mga leche! Kung itapon ko kaya kayong dalawa sa pool?!"

"Weh? Gawin mo nga? Puro ka lang salita eh, kulang sa gawa" ngisi ni Ash at nagsimulang kumain ng dessert

"Tigilan niyo nga ako.." irap ko sa kanilang dalawa. Nakakainis! Hindi naman ako nagseselos eh.

"Ang ganda naman nung pendant mo, Laur"

Napansin kong napaubo si Ash at sumenyas na okay lang daw siya. Tumingin ako sa chest ko at nandon ang pendant na feather na ibinigay sa akin ni Letizia.

"Bigay sa akin ito ni Letizia.." naalala ko naman nung gabing ibinigay niya ito at nung kumanta siya

"Ah... halata nga.." napaangat naman ako ng tingin kay Jem "you're blushing and smiling.. like you remembered something sweet" tinaas baba niya pa ang kilay niya at hindi pa nakuntento dahil tumawa pa. Leche.

"Anong ginawa mo kay Letizia at na-inlove sayo yun? Ginayuma mo ba?" Natatawang pang-aasar pa ni Ash at nag-apir pa sila ni Jem sa harap ko. Pinagkakaisahan ako ng dalawa!

"Pumunta lang ba kayo dito para mang-asar?" Inis na tanong ko sa kanilang dalawa. Imbis matakot ay tinawanan lang ako ng mga bwisit kong kaibigan "kapag ako nainis lulunurin ko talaga kayong dalawa sa pool!" Banta ko pero wala talaga ipekto dahil mas lalo pa silang tumawa.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Where stories live. Discover now