"Whew. Laptrip. Oy, pasalamat ka sakin, nakaalis ka sa boring na klase na yun. Libre mo ko." So now he's acting like a close friend?

"Ah, so close tayo? But anyway, sige, wala na rin naman akong ibang maisip na gawin. Sa Lolly's na lang tayo."

"Ooh, mahal dun ah?"

"Reklamo ka pa, ililibre ka na nga, eh."

"Naks, yaman mo talaga!!"

"Whatever."

Bakeshop/Resto ung Lolly's, konting lakad lang galing school. Hindi ako pwedeng lumayo kasi for sure pababalikin ako kaagad ni Chelu. Favorite ko yung cheesecake dun. Winner.

Nung makarating kami, binati kaagad ako nung owner, regular customer kasi kami ni Chelu rito.

"Hi Dyna!! Ooh, may kasama ka pala, date mo?" Nakita ko namang ngumisi yung lalaki sa tabi ko.

"Asa ka, Ate. Asa ka. Two orders nga pala, usual."

"Got it!" Tapos inasikaso na ni Ate Lolly yung orders namin, este orders ko pala. For sure naman magugustuhan ng okong na 'to yung cheesecake and bubble tea rito. Alam kong sira ang tuktok niya, pero hindi naman soguro pati taste buds.

"Madalas ka rito?" Tanong niya.

"Yup." Ngumiti na lang ako. Sweets are my stress reliever. Lalo na nung break-up namin ni.. Ahh nevermind.

Hindi na kami nagimikan habang inaantay namin yung food. Marunong naman pala siyang tumahimik eh. Kung ganyan siya parati, edi magkaasundo kami!!

Nagsimula nakaming kumain. Gooooosh. Ang sarap talaga!!

Nangangalahati na ako sa cheesecake komnung mapansinnko na tinititigan pala ako ng kaharap ko, na para bang tuwang-tuwa siya sa nakikita niya. Ubos na pala yung kinakain niya. Well pasensya, ganito talaga ako kuman ng fave foods ko, ninanamnam ko kaya matagal!!

"What?? Ayokong tinititigan ako habang kumakain ako!"

"Arte. Haha. Osiya sige na ubusin mo na yan. Magt-time na. Baka hinahanap ka na nung bestfriend mo."

Haaay. Hindi ko tuloy naenjoy yung kalahati ng cheesecake ko. Hm. Balik na lang ako bukas. Hihi.

Pabalik na kami ng campus, nakakapanibago siya, ang tahimik niya talaga eh. Madalas pag titingnan ko siya, nakatingin siya sa'kin tapos iiwas bigla. Mademme feel kinda awkward.

Tumingin na lang ako sa paligid.

Napako yung tingin ko sa isang playground. Napangiti na naman ako, ang saya kasing panuorin ng mga bata na naglalaro dun. Tapos kapag nadadapa sila, aalalayan sila ng Moms nila. Andaming happy families dun.

Namimiss ko na ang pamilya ko. Dati, ganyan din kami eh. Kaso, nakatanggap ng magandang offer sina Mom at Dad sa New Jersey. Kaya ganito ang status namin ngayon, sabihin na nating nakakaangat kami sa buhay. Pero kapalit nun ay yung time namin para sa isa't-isa. Wala pa naman akong kapatid..

"Hey." Nawala ako sa pagiisip ko nung biglang sumulpot sa harap ko yung mukha ni Ivan. Bastoa talaga 'to, kulang na lang halikan ako, eh.

"Sorry. Tara na nga."Then umalis na kami, sumulyap ulit ako sa playground at napangiti.

Nung nasa bandang gate na kami, nagpaalam na si Ivan. Iba yata yung room niya ngayon. Iisang subject lang kasi yung hindi kami magkaklase. Hindi ko alam kung poitive ba yun or negative.

"Sige, salamat ulit sa treat, sa uulitin! Haha!"

"Aba hoy, namimihasa ka na. Layas, shoo."

"Hey, Dynasaur!!" Naningkit ang mata konsa sinabi niya.

"Oh please!! 'Wag mo 'kong itulad kay Barney!!!" Napatawa naman si Ivam sa sinabi ko. Loko, eh.

Lumapit siya ulit sa akin. Anong trip neto?

"You know what? You should always do that."

"Ha? Do what?"

"Ah.. Yung kanina.."He looked away. Ano bang sinasabi nito?

"Diretsahin mo na nga, ano ba?!"

"Yung pag-smile.. Bagay sa'yo.. Swear, 'di kita tinitrip! You look.. Wonderful.. Aish! Sige pala baka ma-late ako. Shoo, Dynasaur!"  Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at itinalikod sa kanya, tapos tumakbo na siya palayo.

Uhm. Weird?

Still, I found myself smiling after that.

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now