Thirty Nine

3.3K 136 26
                                    

39.


Seryoso ang mga tinging ibinabato sa akin ni Keith. Pilit kong nilabanan ang mga titig niyang 'yon para lang iparating sa kanya na wala siyang dapat na ipag-alala. Hindi ako pumayag sa pinipilit niyang gustong magstay at huwag nang umalis.

Bahala na daw magfile ng kaso ang management. Bahala na daw magalit ang Mommy niya basta daw kasama niya lang ako.

Hindi ako makapaniwalang magagawa akong mahalin ng ganito ni Keith Simon Lopez. Yung handang ipagwalang bahala ang lahat o ang sinuman para lang sa akin.

Which is scary. Destructive. Bad.

Ilang beses siyang nagpaliwanag, ilang beses din akong tumanggi. Sa huli'y natuloy ang flight ko at nakaalis ako sakay ng eroplano papuntang Cebu. Pumayag siya at maya-maya'y siya naman ang lulan ng eroplanong papunta namang London.

Halos ayaw pa ngang bitawan ni Keith ang kamay ko na mahigpit niyang hawak bago kami tuluyang maghiwalay.

He kissed me a lot and he didn't mind if people saw us. He hugged me so tight I didn't hesitate to hug him back. He told me promises but it will never be an assurance, of course.

At kahit parang lumalala ang pagsakit ng tyan ko'y hindi ko pa rin maiwasang mapangiti habang inaalala ang mga eksena naming dalawa kanina sa airport.

Sa gitna ng kirot at panlalamig, naramdaman ko pa rin ang pag-init ng aking mga pisngi dahil iniisip ko pa rin kung paano'ng ang elementary crush ko noon at ngayo'y kilalang model at artista ay gusto nang magpropose sa akin para pakasalan ako at samahan habang buhay?

I still can't believe up until now that I have Keith in my life. That gorgeous sexy and sweet guy is mine and only mine.

I don't know how but I fell asleep with him clouding my entire mind.

Nang makarating ako sa hotel dito sa Cebu ay agad kong tinawagan si Yaya para ipaalam na nandito na ako. Sunod kong tinext si Keith para i-inform siyang safe akong nakarating. I'm not expecting any reply because I'm sure that he's still travelling right now. At hindi ko na rin gustong magka-usap kami ngayon dahil sa lumalalang sakit ng tyan ko na sinasabayan pa ng pananakit ng ulo at panlalamig.

Kung pancreatitis na naman ito ay ang malas ko naman at dito pa ako inabutan. But I can't back out just because of it. Handang handa na ang lahat at napaka-unprofessional ko naman kung magsasabi pa akong icancel ang event kung kailan nakarating na ako sa hotel. Iniisip ko pa lang ang magiging reaction ng mga readers kung sakaling mangyari iyon ay sobra na akong nadi-disappoint.

That's why I need to finish my business here. There's no backing out, Cheyenne.

Tumunog ang aking cellphone at nakita ko ang pangalan ni Yaya. Saglit ko siyang kinausap at nagpaalam na rin agad dahil sa pagod at sama ng pakiramdam.


~~~

Umasa akong bubuti ang pakiramdam ko kinabukasan. Pero nagkamali ako at parang mas lumala pa yata dahil natuluyan na akong nagkalagnat. Hindi na rin umalis ang sakit ng aking tyan na dagdag pa sa problema. Humugot ako ng malalim na hininga at pinilit na kumilos para uminom ng tubig. Mamayang 3pm ang booksigning at kailangan kong maging maayos.

At least bumuti man lang ang pakiramdam.

Maglalunch na ng biglang tumunog ang cellphone ko. It's a different number and a different country code. Nahulaan ko na agad kung sino iyon.

Niyakap ko ang unan nang sagutin iyon.

"Hello..."

"Hi, beauty..." God, parang pain reliever ang boses niya at biglang sumigla sigla ang pakiramdam ko.

Carpe DiemWhere stories live. Discover now