Sixteen

4.1K 130 6
                                    

16.


"Ano, nandyan ba yung inhaler mo?" Tanong ni Yaya bago ako bumaba sa sasakyan.

"Don't worry, hindi ko naman yun nakakalimutan, 'Ya. Nandito na po sa bag."

Tumango siya at ngumiti. "Mabuti naman... O, yung fan sign ko, ha. Huwag mong kalimutan. At kailangan kasama ka." Sabay hagikhik niya.

Natawa ako. Pero mas malakas ang kay Mang David. "Hala ka, Lucing! Ano ka, teen ager?" At humagalpak pa ito.

Matalim ang pagkakatingin ni Yaya nang lingunin niya ito kung kaya't napatakip ng bibig ang matandang lalaki. Muling bumaling sa akin si Yaya at ngumiti ng malaki. "Huwag mo nang pansinin yang matandang 'yan, KJ kasi yan, eh."

"Sino kaya ang KJ sa atin at laging pikon?" Sabay sipol nito.

"O, baka naman po iwanan ko kayong nag-aaway dito, ha. Behave lang kayo... Ikaw naman 'Ya, be nice to Mang David. He just wants to lighten up your mood." At humagikhik din ako.

Sumimangot na ito. "Isa ka pa."

Umiling ako at tinapik ang balikat niya. "Hindi po, ah! Alam mo namang kakampi mo ako, eh!... O siya sige po, baba na ako. See you later... Behave lang kayo, ha." Bilin ko at hindi maiwasang mapangiti sa nagpapalitang asaran nila Yaya at Mang David. Ang kulit talaga ng dalawang 'to! Kung bakit ba kasi hindi pa magligawan nang dumoble ang tuwa ko?

Sumalubong sa akin si Charlene nang makalapit ako sa set. Three weeks left at tapos na ang taping. Pagkatapos nun ay maghahanda na ang lahat para maipromote, at maipalabas ito sa mga sinehan. Sana nga ay magustuhan talaga ng mga manonood ang pinaghirapan namin.

"Ang ganda ganda mo naman ngayon! Bagay na bagay sa 'yo ang dress mo!" Puri niya sabay hagod sa aking kabuuan.

Sa isang fancy restaurant sa Quezon City ang location ng taping, at medyo mainit na ang panahon kaya naman napagpasyahan kong magsuot ng pink summer dress kapartner ang nude flat shoes. Pinusod ko lamang ang aking buhok para hindi ito maging sagabal sa mga gagawin ko.

Napailing ako. "Ikaw talaga, puro ka bola sa tuwing nagkikita tayo! Eh mas maganda ka pa nga sa akin!" Naging magkaibigan na kami ni Charlene dahil madalas ang aming pag-uusap lalo na pagdating sa project. Masarap siyang kasama dahil hindi ito nauubusan ng kwento, at may sense of humor pa na lagi akong napapatawa. Yun nga lang, magaling din siyang mang-alaska.

"Wala pa sila Keith! Pero siguradong parating na yun dahil nandito ka na!" May bahid na kilig ang boses niya. Nakaramdam ako ng hiya ng mga sandaling yun dahil may kalakasan ang boses niya, at ang ibang staff ay napatingin sa aming dalawa na para bang gustong magtanong tungkol sa sinabi niya.

"Uy, ano ka ba! Wala namang ganyanan... Mamaya kung ano'ng isipin ng iba, eh! Mahirap yan, Charlene!"

"Oooopps! Sorry, friend! Pero kinikilig talaga ako para sa 'yo, eh! Hayy... Sana may ganyan din akong kasing gwapong admirer! Hindi lang gwapo, ang hot hot pa!" At walang humpay ang ngiti niya sa akin.

Napakunot ako ng noo. Admirer? May alam ba siya? May sinasabi ba sa kanya si Keith?

"Hindi ko siya admirer, Charlene." Tanggi ko kahit tutol pa ang puso ko.

Siya naman ang umiling. "Huwag mo nang ikaila. Nakikita ko sa kanya, Cheyenne... Nakita ko pa nga na ikaw ang wallpaper sa phone niya, eh! Aksidenteng nadungawan ko yung phone niya nung nakatulog siya sa set!" Pigil na pigil nito ang pagtaas ng boses dahil sa tuwa.

At doon bumilis ang tibok ng puso ko. Wallpaper? Ako? Sa cellphone niya?

Eh teka, hindi ba yun nakikita ni Maggie?

Carpe DiemWhere stories live. Discover now