Thirty Six

3.3K 106 4
                                    

36.


"Nakausap mo na ba si Maggie tungkol dito?" Tanong ko habang nasa byahe kami.

"Not yet... But I'm planning to talk to her about it by tomorrow." Seryoso niyang tugon habang diretsong nakatingin sa daan.

Hindi ko alam kung bakit pero nagyaya si Keith na magpunta sa puntod ng parents ko ngayon. Gusto niya daw kausapin ang mga ito, gusto niyang magpakilala. Gusto kong tawanan ang idea niyang iyon dahil hindi naman sasagot sila Mommy at Daddy but I find it cute and sweet even if it sounds silly.

"What if she doesn't want to?" Posible iyon, lalo na kung may feelings pa rin hanggang ngayon sa kanya si Maggie. Which I think is true.

Nalingon ako ni Keith. "There's nothing she can do but to tell the press that were over a long time ago and what she's trying to show people are all lies."

Usap usapan kasi ngayon sa national tv at social media ang mga larawang nakunan kung saan mag-isang umiinom sa bar si Maggie at nakikipagsayawan pa ito sa isang lalaki doon.

Lasing na lasing ito sa mga pictures at kay Keith ang lahat ng sisi. Mabilis na lumitaw ang katanungan kung hiwalay na silang dalawa.

"Sana'y maging maayos ang lahat." Nag-aalala rin ako dahil baka kung saan pa humantong ang issue nilang dalawa.

"Don't think too much, beauty. I'll take care of everything. For now, let's just seize this day with your parents... What's their favorite food, by the way?"

Napakunot ako ng noo. "Why? You'll going to buy them some?"

Ngumisi siya at tumango. "Yes... Trying to please them." Na tinawanan ko.

Meron bang aayaw sa 'yo? Kung buhay lang sila ay imposibleng hindi ka nila magustuhan.


~~~

Keith gracefully introduced himself to them when we reached their tombs. Ikinuwento niya rin kung paano siya nagkaroon ng feelings sa akin, ang muli naming pagkikita, at ang mga balak niya para sa amin in the future.

Which I should be the one who will do that. But Keith didn't hesitate to tell it to them.

"You and your Mom were like twins." Komento niya habang tinitingnan ang picture na hawak niya. Dinala ko ang photo nilang dalawa ni Daddy noong 2 years old pa lamang ako. And yes, even Tito Ronnie always tells me that I really look like Mom.

Ngumiti ako habang inaalala ang childhood memories ko. Madalas pa nga kaming magkapareho ng outfit ni Mommy sa tuwing namamasyal kaming tatlo.

He also told them that he wants to marry me.

"Naku, mamaya hindi mo yan matupad and since narinig nila Mommy, mumultuhin ka nyan!" Biro ko sa kanya.

Pero ngumiti ang loko at inakbayan ako. "Hindi, no. Kasi gagawin ko yun. That will happen; we'll get married." Kompyansang tugon niya.

Napanguso ako. Siguradong sigurado na siya sa akin. Gusto ko sanang magtanong ng tungkol sa sakit ko at kung ano'ng gagawin niya kung sakaling malasin ang lahat pero ayokong sirain ang masaya niyang mood, ayokong tanggalin ang maganda niyang ngiti.

Kumain kami ng pork buns na favorite ni Daddy, at bacon pizza na paborito naman ni Mommy. Pagdating ng tanghali ay nagpaalam na kami sa kanila.

"Where do you want to go next? We can go to the mall." He asked after holding my hand as we head back to his car.

"Don't you have any appointment today? Parang ang tagal na ng break na hiningi mo sa Manager mo, ah."

Lagpas na ng isang linggo buhat noong premiere night ng pelikula at hanggang ngayon ay lagi ko pa rin siyang kasama. Kulang na lang ay matulog kami ng magkasama. Hindi ko na maramdaman ang pagiging busy ni Keith na ipinagtataka ko. Hindi naman sa ayaw ko siyang kasama ang kaso, parang may mali.

Carpe DiemWhere stories live. Discover now