Thirty Five

3.4K 107 8
                                    

35.


Natigilan ako sa sinabi niya. Hinila na ni Keith ang aking kamay para pumasok kami sa loob ng gate ngunit hindi gumalaw ang mga paa ko.

Is he really serious? I still remember the day when he said he wanted to buy a house in this village just to be near to me but now... Now? Isn't he just joking around? Making fun of me?

Did he really just have a house now and it's only one block away from ours?

"Keith..." I mumbled, already out of words because I'm so surprised of what he did.

He smiled at me and squeezed my hand. "Let's go inside... I can't wait to see your reaction once we're in." Pagyayaya nito at nagpatianod na lamang ako sa kanyang kagustuhan.

Ang linis-linis ng garden nang makapasok kami sa loob ng gate. Parang gusto kong humilata sa bermuda grass dahil wala man lang akong makitang bakas ng kahit ano'ng tuyong dahon o mga ligaw na damo.

Binuksan niya ang main door at ang ilaw. Nang makita ko ang kabuuan ng living room ay napaawang ang labi ko. Damn! Why the hell is my face displayed on his wall?!

The photo in that big wooden picture frame seems familiar. I know, even if he didn't let me see those when were still there, I know that photo was from our trip to Palawan!

Sobra ang pagngiti ko sa litratong iyon. Halatang masaya, na para bang walang problema; walang inaalalang sakit na maaaring kumuha ng sarili kong hininga anumang oras.

"That's my favorite photo of you when were there so I decided to put it here..." Sabi niya matapos yumapos sa aking bewang mula sa likod.

"Is this the reason why you didn't let me see those photos?" Tanong ko nang lingunin siya.

Tumango ang loko at binigyan ako ng mabilis na halik sa aking mga labi. "There's more in my room... But I want you to check the kitchen and dining first and see if you like it." At muli niyang hinila ang kamay ko para lagpasan na namin ang sala at tumungo sa susunod na parte ng bahay niya.

Parang batang maliit si Keith na sobrang saya sa bago niyang bahay. Enjoy na enjoy sa pagtu-tour sa akin ultimo sa kanyang bathroom. Napakalinis at napakaganda. Wala akong masabi sa interior design. And of course, dahil artista siya at sikat na modelo, kayang kaya naman niyang kumuha ng magaling na designer para pagandahin ang bahay niya.

Modern minimalist ang tema ng disenyo. White and black and motiff at masculine talaga ang dating hanggang sa kanyang bedroom; ang kanyang personal space, ang kanyang privacy.

At halos tumigil ang tibok ng puso ko nang makita ang kumpol ng picture frames sa pinakatuktok ng kanyang wooden drawer. Black and white ang lahat ng pictures, at lahat iyon ay kuha mula sa trip namin sa Palawan; lahat ng iyon ay nagpapakita kung gaano siya kalambing sa akin noong mga panahong iyon na kaming dalawa lang sa isla at solo namin ang isa sa magagandang gawa ng Dyos. Makikita doon kung gaano kami kasaya at kung paanong naging normal ang lahat kahit sa maikling panahon lamang.

Ang sarap pagmasdan ng mga ngiti ni Keith. Yung paraan ng pagyakap niya sa akin at paghawak ng kamay ko ay sobrang ikinakabilis ng tibok ng puso ko.

And this kind of guy can only be found in romantic books and movies/shows. I never believe that someone can be perfect when it comes to love; when it comes to showing your significant other your affection and feelings towards her... I never believe since the day my father passed away. For me, they're the epitome of one great love. Yung hindi nagbabago kahit na ilang taon pa ang lumipas; yung hindi napapagod kahit ilang unos na ang dumating sa buhay nila; yung hindi pa rin nagsasawa kahit hindi na kaaya-aya ang hitsura ng bawat isa.

Carpe DiemWhere stories live. Discover now