Twenty Nine

3.7K 113 3
                                    

29.


"Keith." Palabas na kami ng kotse nang mag-alinlangan pa rin ako sa gusto niya. Hindi ko maiwasang mag-alala. Hindi naman kasi namin alam kung ano'ng pwedeng mangyari sa loob. At kapag nagkataong maging issue ang pagiging magkasama namin, siguradong uungkatin at uungkatin lang nila ang tungkol sa amin ni Keith; which I really don't want to happen.

Natigilan siya at nalingon ako. Ngumiti ang boyfriend ko at may hinugot na beanie sa backseat saka niya ito isinuot sa aking ulo. Hinawi niya nang kaunti ang aking buhok para iayos ang paglagay nito. Lalong lumaki ang ngiti niya habang pinagmamasdan ako.

"Perfect." Bulong niya at hinalikan ako sa noo.

Nang marating na namin ang entrance ng mall, halos itago ko ang aking mukha gamit ang beanie na bigay niya. Gusto kong bumitaw sa kanyang pagkakahawak dahil sa takot na maaaring may makakilala sa akin, o sa kanya, kahit pa na itinatago ng shades at hoodie jacket ang kanyang pagkatao.

Alangan akong tumuloy sa loob ng mall at mukhang naramdaman niya iyon kung kaya't nilingon niya ako.

"Hey... Don't be scared. I'm here, and I will make sure that you'll enjoy this." Halos ibulong niya iyon sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin ngayon. At kahit pa natatakpan ng shades ang kanyang mga mata, alam ko... Ramdam ko ang saya na meron siya na mababakas sa kanyang boses. Happiness and excitement are mixed together in his tone.

"Keith... I-I'm just..."

Nakita ko kung paano'ng ngumiti ang kanyang mapulang labi. "Don't be... I know what you're thinking... And I'll promise, we will be careful so that nobody can notice us, okay? So take it easy, and just enjoy everything." And he tightens his grip on my hand.

Keith surely knows how to calm me. Because after hearing those words, and after taking a deep breath, I can say that I'm ready to seize this day with him, with the guy who's always sure of everything about me.

And I hope that will never change.


~~~

"Pati ba naman 'to, seryoso ka?" Tanong ko sa kanya nang tumigil kami sa isang wig store. Kamuntikan na akong matawa sa naiimagine kong hitsura ko kapag nakawig pero pinigilan ko lang. At siya? Sigurado akong kahit ano pa sigurong style at kulay ang ilagay sa ulo niya, hindi pa rin magbabago ang katotohanang gwapo siya. Inborn ang kagwapuhan nitong lalaking 'to at kahit pa siguro ipa-wacky ang pagmumukha niya ay hindi mo pa rin masasabing pangit ito.

Nagsimulang tumingin tingin si Keith ng mga wigs na pwede naming gamitin nang hindi niya binibitawan ang kamay ko. Gusto ko sanang bumitaw saglit dahil nahihiya akong maramdaman niya ang pawis sa palad ko bilang pasmado pero nang muli kong maalala ang sinabi niya tungkol sa paghawak niya ng kamay ko ay ipinagkibit balikat ko na lang ang idea na naisip ko.

Bahala ka ngang mamawis din ang palad mo.

Wala ba akong maipipintas sa lalaking 'to? Totoo bang hindi siya maarte o pagdating lang sa akin?

"Try this..." Saglit siyang bumitaw at humarap sa akin para isuot ang isang violet bob cut wig na hawak niya.

"Bakit naman violet?" Kunot-noong tanong ko at napilitang humarap sa salamin para makita ang aking hitsura.

He's still on his shades, but a wide grin is now visible on his face.

"So that others will not easily recognize you. This looks fab on you, Che yenne. Let's have this one..." When I put back the beanie on my head together with the wig, that's when I put a smile on my face because I look like a different person; a much cooler one who doesn't have any genetic disease.

Carpe DiemWhere stories live. Discover now