Twenty

4.2K 122 3
                                    

20.


Recovering from all the things Keith did for me today is not easy. Today is indeed perfect and a smile tattooed on my lips even after dinner. He said he wants to leave after having our supper but remembering what Tito Ronnie said earlier, he forced himself to go home with Holly at 6pm.

Ako ang dahilan kung bakit siya umuwi ng bansa. Gusto niyang kumuha ng bahay dito sa subdivision para mas mapalapit sa akin. Now tell me, is this all happening in reality? Am I not getting real crazy for knowing and meeting a guy who's so willing to do things like this? Did things just for the sake of love?

"Naku! Halatang ang layo ng iniisip mo, anak! Pero siguro si gwapo yan, ano?" Agad kong nalingon si Yaya na tapos na pala sa session namin ng physiotheraphy.

Napamaang ako. Ilang minuto na ba akong wala sa huwisyo? Matagal na ba akong tulala at parang nasa ibang mundo? Madami na ba siyang sinabi na hindi ko man lang natugunan?

Damn! He's really all over my head now.

"Ano po iyon, 'Ya?" tanong ko.

Pero tinawanan niya ako at napailing. "Umabot na ba sa bahay nila Keith 'yang isip mo?... Alam mo anak, kung ako ang tatanungin, pasadong-pasado sa akin ang batang yun! Complete package na pagdating sa panlabas na anyo, tapos may talent pa sa pagluluto!..."

Kapagdaka'y tinitigan niya ako. "... At napapasaya ka niya, Cheyenne. Nakita ko kung paano kang ngumiti at tumawa habang kasama siya at kausap. Kaya sana bigyan mo ng chance, anak. Bigyan mo dahil ideal siyang asawa!" At muli na naman siyang tumawa.

Asawa agad ang sinabi ni Yaya? Seryoso ba siya? Napanguso ako at naupo sa kama.

"'Ya naman..."

"Anak, kung ang sakit mo ang iniisip mo, please lang. Tanggap yun ni gwapo. Huwag mong gawing dahilan ang sakit mo para hindi ka sumaya... Sayang Cheyenne... Sobrang sayang kapag pinakawalan mo ang gwapong yon... Hindi naman sa bias ako, ha. Pero ang sakin lang naman eh, masaya ka sa kanya. At ang sarap niyong tingnan na dalawa..."

"... At kung sa Tito mo naman, naku! Ako na bahala dun! Pagsasabihan ko yun, nakikinig naman sa akin yun, eh! Protective lang dahil may manliligaw ka na! Aba syempre! Maganda yata ang pamangkin niya, no!" Taas noo pa talaga siya at doon ako natawa.

"Ang bias mo kaya. fan ka kasi niya, eh." Biro ko.

Ngumuso siya. "Uy hindi, no! Mas fan mo pa rin ako! Kaya makinig ka sa akin at dagdagan mo na ng kulay 'yang buhay mo nang hindi puro si Henry ang inaatupag mo! Mauunahan ka pa nga yata niyang magkalove life eh!" At sabay kaming nagtawanan sa sinabi niyang yun.

Nalingon tuloy kami ni Henry na nasa lapag at nakasalampak, bagsak ang mukha at mukhang masungit. Dahil ba umuwi na si Holly?

"Ang bilis niya nga po, eh! Biruin mo, naging playmates agad sila, first meeting pa lang?... Si Holly, hindi man lang nagpakipot." Dagdag ko.

"Kaya nga bago ka pa maunahan ng alaga mo, sagutin mo na si gwapo. Naku! Nakakahiya naman kung maunahan ka ni Henry, di ba?" Udyok ng nangingiting si Yaya.

Nginitian ko lang siya bilang sagot dahil wala ako sa wisyo ngayong pag-usapan ang pwede kong desisyon tungkol kay Keith. Gusto ko munang himay-himayin ulit ang mga nangyari at narinig ko kanina dahil hindi talaga iyon maalis sa isip ko.

Pero naudlot ang pag-iisip ko nang tumunog ang aking cellphone at nakita ang apelyido niya sa caller ID.

Nagkatinginan kami ni Yaya at ngumiti siya sa akin na para bang alam na kung sino ang tumatawag. "Dalhan kitang gatas mamaya. Huwag magbabad sa telepono, ha. Kailangan mong matulog ng maaga." Sabi niya at tumalikod na para lumabas.

Carpe DiemOù les histoires vivent. Découvrez maintenant