Eleven

5.1K 138 2
                                    

11.


When I can't breathe because of Cystic Fibrosis, my chest hurts while gasping for oxygen.

But when I'm out of breath because of Keith, my heart always skips its beat and the whole environment becomes warm.

Nandito pa rin siya, nakikipag-usap kay Maggie. At mukhang nakikipagtalo na ngayon. Maya-maya pa ay ibang tao na ang kausap niya.

"Sino ka?" Narinig ko ang boses ni Yaya at doon ko narealize na dumating na pala sila galing sa labas. Hindi ko iyon napansin dahil abala pa rin ang utak ko sa pag-recall ng mga sinabi niya, at pag-analyze kung totoo nga ang mga ito o hindi.

Kahit na ayoko siyang isipin dahil kinukunsumi niya ang isip ko na dapat ay ginagamit ko sa pag-iisip ng ibang bagay. Pero hindi. Puro siya na lang yata ang nakarehistro sa utak kong walang sawa sa pag-iisip sa kanya.

Tapos dinagdagan pa niya nang pagpunta dito.

Napailing ako.

"Cheyenne?... Nagpapasok ka nang hindi natin kilala?" At agad kong nalingon si Tito Ronnie na nasa harap ko na pala, katabi si Yaya at si Keith na ngayo'y nakatingin na naman sa akin, with a small smile on his face.

Inabot ko ang cellphone sa bed side table at nagtype.

"He's Keith, Tita Helga's nephew. Siya din yung bida dun sa pelikula."

At muli nilang tiningnan si Keith. Tumango naman ito bilang pagsang-ayon at nginitian sila.

Agad namang ngumiti si Yaya, at nakipagkamay dito. "Talaga?... Naku, pwede bang magpapicture sa 'yo?... Gustong-gusto kong magpapicture sa 'yo, eh! Sinabi ko na 'yon kay Cheyenne noon ang kaso hindi matuloy-tuloy!" Naku! Mukhang giliw na giliw naman si Yaya sa kanya.

Natawa si Keith pero pumayag naman ito at nagselfie silang dalawa with matching akbay pa.

"Helga didn't mention that her nephew will be coming today." Komento ni Tito Ronnie na seryoso ang mukha habang pinagmamasdan ito.

"I asked Tita about the hospital she's staying but I didn't tell her that I'll come here. I informed her about my visit when I arrived here and saw Cheyenne." Paliwanag niya.

Tumango si Tito at nilingon ako saka pinanlakihan ng mata.

What did I do?

"I... Need to go, guys. It's a pleasure meeting you, Tito and Yaya. I'm sorry, I really want to stay longer but my manager said that I'm already late in our taping so I need to leave. I'll go back here as soon as I can." And he immediately turned his attention to me.

Napalunok ako at naalis ang tingin sa kanya.

Bakit parang ang bigat naman sa pakiramdam na aalis siya?

"O sige... Bumalik ka, ha." Tuwang sabi ni Yaya. Napapailing ako sa katuwaan niya kay Keith. Baka isipin nito, feeling close ang Yaya ko.

Mabilis naman itong tumango bilang pagsang-ayon with wide smile pa.

"I'll go ahead." Matagal bago niya binawi ang tingin niya sa akin. Hinintay niya muna akong tumango bago tuluyang lumabas ng kwarto. Narinig pa nga namin ang malakas na tili ng isang babae sa labas.

"Naku! May nakakita pa yata sa kanya, anak!" Sabi ni Yaya.

"Kaya na niya sarili niya, 'Ya." Tugon ko.

"Are the two of you close?" Si Tito, nakahalukipkip ang mga kamay habang nagmamasid sa akin.

"Nope. He's a classmate when I was in grade school. But we're not close."

Carpe DiemWhere stories live. Discover now