Fifteen

4.1K 131 4
                                    

15.


Abala kami ni Henry sa pagkain ng almusal nang marinig ko ang papalapit na mga yabag. Nalingon ko at nakita ko si Yaya, nakangiti pa rin at hawak ang cellphone kong malayo pa lamang ay inaabot na sa akin.

"Naku, sayang at pinutol na ang tawag! Siguro'y natagalan yun sa pagsagot mo... Nakarami na yata sa missed calls!"

Napakunot ako ng noo pero inabot ko iyon at agad na tiningnan. Five missed calls; two messages. Ang sipag niya talaga sa mga ganitong bagay. May missed calls na, may messages pa. Wala sa loob ko ang napangiti.

"Good morning beauty. Slept well?"

That 'beauty' thing again.

"Got the flowers?"

"O ano daw sabi?" At nalingon ko si Yaya na nakikiusyuso na pala sa binabasa kong mensahe.

Agad kong inilayo sa kanya ang cellphone at napanguso. "Yaya naman! Wala po, no!"

"Sus! Wala daw! Eh bakit ngiting-ngiti ka dyan? Tapos ayaw mo pang bitawan yang boquet mo? Naadik ka na, no?"

Saan, sa kanya?

"Hindi po, no! Nakakaadik lang yung amoy! Sobrang bango, kaya po ako ngiting-ngiti!" But I should stop fooling myself because I only look stupid. It's obvious; he's making me happy with these little things.

Hindi natinag ang Yaya Lucing. "Yes! May love life na ang alaga ko! Naku, ubod ng gwapo! Model at artista pa, saan pa sila nyan, ha!... Pakisabi nga kay gwapo, pa-fan sign ulit ako. Pero kasama ka na, ha. Tapos aakbayan ka niya." At halos mangisay na sa kilig ang ginang na 'to. Hindi ko na napigilang matawa. Kung makikita lang siya ni Mang David ngayon, siguradong katakot takot na naman ang asar nito sa kanya. Mabuti't maswerte siya na wala ito ngayon ditto.

"I bet umalis na si Tito." Pag-iiba ko ng usapan.

"Kanina pa. Kahit late nang umuwi, pumasok pa rin talaga ng maaga."

Mukhang napasarap ang pagdidate nila ni Tita Helga.

Pagkatapos kong kumain ay agad ko nang ininom ang mga oral meds na naghihintay sa akin. Nagstretching din ako nang kaunti bago muling umakyat sa kwarto at naligo, para umpisahan ang gawain ko sa harap ng computer.

Inayos rin ni Yaya ang mga bagong rosas at inilagay sa vase sa aking bed side table na madali kong matatanaw habang nasa computer table ako.

At kahit ano'ng gawin kong pagpipigil sa aking sarili, hindi ko magawang hindi sulyapan ang mga roses na 'yon. Bakit kaya hinaluan niya ng red roses? Para ba 'yon sa feelings niya sa akin?

Matagal tagal na yata akong nagmumuni-muni dahil hindi na pala gumagalaw ang mga kamay ko para magtype at natulala na lamang ako sa mga bulaklak. Makailang beses akong umiling at sinubukang magconcentrate pero wala talaga sa isip ko ang pagsusulat ngayon. Na kay Keith. Nasa kanya lamang.

Muling ninamnam ng utak ko ang mga sinabi niya kagabi. At ramdam kong pigil na naman ang paghinga ko habang naiisip ang lahat ng 'yon. Nagpakawala ako ng malalim na hininga sabay tingin sa aking cellphone.

Wala siyang text. Busy siguro masyado.

Nagtype ako ng message. "Salamat sa mga bulaklak. Sobrang bango!" At least maiparating ko man lang na thankful ako sa ipinadala niya.

"Thank God you texted me! I thought you're not feeling well again I'm thinking of seeing you right now."

Nanlaki ang mga mata ko. "What? Yun agad ang naisip mo?"

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon