Twenty Four

3.6K 109 7
                                    

24.


Nagpalit ako ng pink bikini top na pinili para sa akin ni Tita Helga. Paglabas ko, titig na titig na sa akin si Keith.

"M-May mali ba?" Parang gusto ko na lang tuloy bumalik sa kwarto at magpalit ng tshirt. Para kasing napapangitan siya sa suot ko dahil sa paraan ng pagkakahagod niya ng tingin sakin, mula ulo hanggang paa.

"Nothing... It's just... I hope we're alone in this beach so that no one else will see you in that top..." And he let out a deep sigh before looking down at his hands.

"... If only I can hold your hand so that curly bee will no longer talk to you."

Hindi ko napigilan ang matawa. Now he has a nickname for Kurt?! I didn't see that coming. He gave me a confused look.

"Please stop referring him as a bee... He has a name, Keith. It's Kurt."

He frowned. "I don't care about his name. I just don't want him near you. I don't want him to be around."

"You know what, there's really nothing wrong about him talking to me. Magkasundo pa nga sila ni Henry, eh!" Lalong dumilim ang tingin niya na muli kong tinawanan. Ang sarap namang asarin nitong lalaking 'to!

"Tara na nga! Mamaya naghihintay na si Manong dun sa tapat! Mabadtrip ka pa dyan, eh." At nagmartsa na papuntang beach area. Narinig ko pang bumubulong bulong siya sa likod ko pero hindi na naging malinaw ang mga salitang iyon.

Naabutan naming nagsuswimming ang ilan sa mga officemates ni Tito malapit sa bangkang naghihintay sa amin papuntang Diatoy Island. Kinawayan nila kami na sinuklian ko naman ng ngiti.

"Pwede bang magpaalam muna tayo kila Tito? Baka hanapin kasi nila tayo, eh." Sabi ko sa kanya.

Umiling si Keith at naglahad ng kamay para tulungan akong sumampa sa bangka. "No need. I already do that before talking to you. Okay na 'to kay Tito." Sabi niya.

Napatango na lamang ako at inabot ang kanyang kamay na nagbigay na naman sa akin ng kakaibang saya.

So this is the feeling I'll get if I will give him the chance he's asking?

Ngumiti siya at maingat akong inalalayan hanggang sa makaupo ako sa kahoy na upuan ng bangkang de motor. Sinalubong ako ng ngiti ng tour guide naming na nagpakilalang Lance.

Pagkatapos paandarin ni Manong ang bangka ay nagsimula na kaming bumyahe. At ang makita ang napakalawak na dagat na wala man lang kahit isang alon ay nagpamangha sa akin ng sobra, na para bang totoong nasa paraiso ako. Damn that view! I can't stop myself from taking pictures of the majestic sea using my phone. But I stopped when I spotted Keith from the camera, eating with his bare hands.

God, he's too cute for that. I didn't imagine he also knows how to eat using his hands. And from the looks of it, he seems very hungry! Ang lalaki ng subo!

That's when I realized he didn't eat breakfast nor lunch. He didn't make it to eat because of me. And I suddenly felt guilty.

"Slowly Keith, slowly. That's if you don't want to choke yourself." I reminded him.

He immediately looked at me while chewing some grilled fish. His lips formed a grin. "I'm okay! I just got a little hungry!" At wala siyang pakialam kahit medyo madungis na ang paligid ng bibig niya.na para bang isang walang muwang na bata. At kapag ganito ang kilos niya, hindi ako nangingiming sabayan siya. Nakakalimutan kong isa siyang sikat na model at artista.

"A little, huh! Eh parang gusto mo nang kainin ng buo 'yang isda, eh! May tubig ka bang pwedeng inumin?" Narinig ko ang paghalakhak ni Lance na siyang-siya ring nanonood sa kanya.

Carpe DiemWhere stories live. Discover now