Three

7.1K 187 4
                                    

3.


Hindi ko na sinubukang tumanggi nung sinabi ni Yaya na sasama siya sa akin papuntang Antipolo para sa taping ng pelikula.

"Hindi pwedeng hindi mo ako papayagan, Cheyenne. Hindi na ako papayag na wala ako sa tabi mo simula ngayon. Hindi na pwedeng maulit yung nangyari sa 'yo noong nakaraang araw, okay?" Litanya niya sa akin habang chinicheck ang laman ng bag na dinala niya. Emergency kit niya, ika nga.

Nagkatinginan kami ni Mang David sa rear view mirror at lihim na lang na napangiti. Kapag ganito si Yaya, hindi ko na siya kinokontra dahil hindi naman ako mananalo sa masyadong nag-aalalang feelings niya.

"Pwede naman kasi sigurong hindi ka magpunta ng taping nila, di ba? Mapapagod ka na naman nito, eh."

Doon ko siya nilingon. "'Ya, I have to. Alam mo naman kung gaano kaimportante sa akin 'tong movie na 'to, 'di ba? I can't miss every single thing about this project." I insist.

She take a deep breath and look at me. "Alam ko, anak. Alam ko kung gaano kaimportante sa 'yo ang pelikula na 'to. Pero sobrang nag-aalala lang ako sa sitwasyon mo. Baka kasi mapadalas na naman ang paglala ng plema sa baga mo. Ayaw na kitang makita sa ospital."

I smile bitterly.

But that's inevitable. The hospital and me, we will always see each other, no matter how I tried not to, no matter how I hate it. I will have this disease until the day I die. The disease that took my parents away from me. The same disease that will be the reason of my death.

No matter how I stop myself from thinking about the day that I'll finally close my eyes because I'm tired fighting it, it's always coming back. The thought never leave my mind and that keeps me wondering the feeling of a dead person, the feeling of finally meeting my parents again.

I know I'll meet them. I know we'll see each other again. 

"Lucing, hayaan mo na ang bata. Magtiwala tayo kay Cheyenne dahil ginagawa naman niya ang lahat para maging malakas at masigla. Pangit din naman kasi na palagi na lang siyang nasa bahay, nasa kwarto at nagkukulong, di ba? Kailangan niya ring makalanghap ng sariwang hangin." Segunda ni Mang David.

I wink at him for telling that and he laughs.

Napailing na lang si Yaya sa reaksyon namin ni Mang David at saka muling bumuntong hininga.

"Sa bagay, sariwa pa naman ang hangin sa Antipolo. Kaya maganda yun para sa 'yo... Maganda din kaya ang location?... Medyo nae-excite na rin ako sa pelikula mo, anak! Siguradong pang blockbuster yun!" at doon na ngumiti ng malaki ang Yaya.

"For sure maganda ang location dahil maganda rin ang description sa libro." sang-ayon ko.

"Pero excited din ako sa mangyayari para kay Ronnie at sa girlfriend niya." Natawa ako noong huling-huli ko ang kilig ni Yaya nang mag-imagine sa magiging reaksyon ng dalawa. Pati si Mang David ay humagalpak sa kakatawa.

"Ano ka ba naman Lucing, ang tanda tanda mo na eh, kinikilig ka pa rin?" at muli itong humalakhak.

"Tse! Huwag ka ngang mangialam!" sabay irap sa matanda.

Napapailing na lang ako sa dalawang 'to pero hindi ko rin maiwasang maexcite kung ano'ng magiging reaksyon nila Tito Ron at Tita Helga sa gagawin namin nila Yaya. Especially Tita Helga's.


~~~

Antipolo is not a long drive that's why we arrived a bit early than the scheduled time of taping. Charlene immediately spot us when I came out of the car and she hurriedly walk toward us.

Carpe DiemWhere stories live. Discover now