Twenty Five

3.5K 112 6
                                    

25.


Kung kailan ka naging handa, saka naman umurong ang tadhana.

That's what the exact thought I have until I reached my cottage. Ilang ulit akong napabuntong-hininga hanggang sa bumagsak ako sa malambot na kama.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulala sa kisame, ilang beses pumikit dumilat ang aking mga mata habang naglalaro sa isipan ko sila Keith at Maggie na magkasama.

Maybe she only likes me as a writer. Not for her son.

The disinterest showed in the eyes of Keith's mom didn't leave my mind. I know that she's really a fan of them as I recall how she sounds while telling me some stories about them.

And it brings an unexplainable sad feeling. It makes my heart ache, and it makes me feel sorry for myself.

Muli akong napabuntong-hininga. Hindi ko na tuloy alam ang susunod kong gagawin; kung ano'ng sasabihin sa kanya kapag muli kaming nagkaharap.

Tumunog ang cellphone ko at agad na binasa ang message na galing kay Keith. "Where are you? Nasa bar ka na ba ulit? O nasa cottage mo pa? Pupuntahan kita."

Naibaba ko ang cellphone dahil hindi ko alam ang irereply sa kanya. Tumayo ako para kumuha ng tubig dahil pakiramdam ko'y nanunuyo ang lalamunan ko. Pero agad din akong napaupo nang makaramdam ng matinding pagsakit ng tyan na mabilis umikot papuntang likod.

"Shit!" Napasigaw ako sa biglaang sakit na hindi agad nawala.

Heto na naman ba? Bumalik na naman? Ano bang nangyayari sa akin?

Wala sa loob ko ang namaluktot sa ibabaw ng kama dahil sa tumitinding pananakit nito. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero mabilis na nanghina ang katawan ko at hirap na gawin iyon. Minalas lang na wala akong kasama ngayon dahil inilabas ni Yaya Lucing si Henry dahil nagwawala ito kanina dito sa kwarto.

Tumunog ang aking cellphone at pangalan ni Keith ang lumabas. Ginapang ko pa ng kaunti ang direksyon ng cellphone na nasa bandang headboard ng kama.

"Where are you? Wala ka dito sa Bar. Nasa cottage ka ba?"

Mariin akong napapikit bago sumagot. "O-Oo."

"Pupuntahan kita, ha."

Hindi na ako nakapagsalita at nabitawan ang cellphone. Maya-maya pa'y naputol na ang tawag.

I don't want him to see me like this. But I don't have any choice.

Hindi rin gumagana ang utak ko ngayon dahil kinakain ng pananakit ng aking tyan pati ang pag-function ng utak ko. Hinang-hina ang katawan ko na hindi ko na alam kung paano tumayo.

Ilang beses na katok sa main door ang narinig ko.

Must be him.

Sinundan ito nang pagtawag niya sa pangalan ko. Pero hindi ko magawang palakasin ang boses ko dahil sa walang patid na sakit at mas gugustuhin ko pang mahimatay na lang para hindi na ito maramdaman kahit panandalian lang.

"Cheyenne?! Where are you?... The door is open, why?..." Siguro ay pumasok na lang siya sa loob dahil rinig ko na ang boses niya sa may sala.

"Cheyenne!..."

I want to shout that I'm here in my room and in so much pain I can't even utter a word to steal his attention.

Then the door opened. I saw Keith standing with horror on his face after looking at my direction. He almost jumps on me as he hurriedly approached me on the bed where I'm lying.

Carpe DiemWhere stories live. Discover now