Thirty Three

3.7K 110 5
                                    

33.


The moment Keith opened the door after he swiped the card, he looked at me waiting for me to go inside.

Wala sa look ko ang pumasok sa loob.

Isang executive room ang nakuha namin. Though I'm impressed with the lounge and mini bar, agad kong tinungo ang bed room pagkatapos buksan ang ilaw nito.

Napangiti ako nang makita ang malaking kama na siguradong sosobra para sa aming dalawa. Hindi na ako nag-alalang walang extrang bed o kaya couch kung saan pwedeng tulugan ni Keith. Makakatulog na ako nito ng maayos.

Hopefully.

"Are you going to bed with that dress? Will you be comfortable?"

Nalingon ko siya sa aking likuran na mataman akong tinitingnan.

"I have no choice. And besides, ilang oras lang naman ang itatagal ko dito. Matitiis ko naman 'yon." Sabi ko.

Napabuntong hininga siya at tumango. "Hungry?"

Ngunit umiling ako. "Just want to lie down and rest." Saka pagod na tumingin sa kanya bago sumampa sa kama.

Ipinikit ko na ang aking mga mata. Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi ko pa rin naramdaman ang paglubog ng kama; hudyat na humiga na din siya.

Marahan akong dumilat and there I saw him, still standing in the same position where I left him.

"Aren't you going to sleep? Hindi ka ba napapagod?"

"Uhmm... Am I allowed to lie beside you?" Confused niyang tanong.

"Oo. Basta ba matutulog ka lang, eh." Mahina kong sagot at hinila ang kumot pataas saka muling tumagilid patalikod sa pwestong hihigaan niya. Biglang tumambol ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong kabahan knowing that we'll only be sleeping. Not that he'll do something... Maybe because it will be my first time to sleep with him. At hanggang ngyon hindi pa rin ako makaget over sa receptionist na nakakilala sa akin. Dapat pala'y nagshades din ako.

Napahugot ako ng malalim na hininga nang maramdaman na si Keith sa aking tabi. May distansya kami sa isa't-isa. At lalo akong napakapit sa kumot na tumatakip sa aking katawan dahil mukhang mas nilamig ako ngayon.

"Cheyenne..." Mahina ang kanyang pagtawag sa aking pangalan pero malambing iyon at puno ng sincerity.

"... Do you feel okay? I mean, are there no signs of sickness? I'm just worried."

"I'm fine."

"And are you still mad at me?... Oh, yes. I shouldn't ask you that because who wouldn't be mad with what I did... I wish... I just wish you'll stop seeing him or talking to him. It makes me freaking jealous and I want to punch him every time I see him with you... I didn't expect that. I didn't know that he'll be there." Apologetic ang tono ng boses niya pero may tigas pa rin pagdating kay Kurt.

Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya kay Kurt. Parang gusto ko na tuloy maniwala sa sinabi ni Kurt na threatened siya. Pero hindi, eh. Hindi ang isang kagaya ni Keith ang matatakot lang basta kay Kurt.

"I also don't have any idea that he's coming. Nagulat na lang ako nang magpakita siya sa harap ko asking to take the seat beside me... At bakit kailangan ko namang lumayo sa isang taong wala namang ginagawang masama? Hindi sa hindi ko kinakampihan ko si Kurt but what you did is really wrong. Baka next time masuntok mo na talaga yun ng tuluyan."

"Well, I can definitely punch him..."

Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang nilingon. "Keith!"

Carpe DiemWhere stories live. Discover now