Twenty One

3.6K 113 3
                                    

21.


Kinumpirma ni Keith ang sinabi ni Tita Helga. Isang araw bago kami lumipad papuntang Palawan ay nagtext siya na hindi siya gaanong makakapagparamdam dahil sobrang busy sa trabaho at hindi rin siya makakasama sa Palawan. Iyon na rin ang huling text niya sa akin hanggang sa makalipad na ang eroplano namin.

Disappointed man ang puso ko ay pinilit kong maging cheerful lalo na't kasama namin ngayon ang ilan sa mga pinsan ni Tita Helga, ang mga kaibigan nitong hindi maipagkakailang sosyal at mayayaman, at ang kapatid nitong si Tita Joanne, ang nanay ni Keith na kamukhang-kamukha niya.

Maganda ang ngiti sa akin ni Tita nang ipakilala ako ng mag-fiancee sa kanya. Malugod kaming nag-shake hands at nagkaroon kami ng kaunting kwentuhan nang mabanggit ni Tita na ako ang writer ng pelikulang pinagbibidahan ng anak niya.

"Wow! You're so talented! Sure kang gusto mo lang na maging writer? Maganda ka rin naman, hija!" Puri niya na ikinangiti ko lamang. Ayoko kasing mahalata niya na naiilang ako dahil siya ang nanay ng lalaking may gusto sa akin, at nagugustuhan ko na rin.

"You know Maggie, right? Kapag nagpupunta kasi yun sa bahay, nagpapakita sa akin ng mga pictures nila sa taping. And I can't wait for the movie to finish! I'm sure maganda yun!... Pati nga ako kinikilig sa kanilang dalawa, eh! Kung bakit ba kasi hindi pa sila nagbabalikan na dalawa?"

At ang sinabing ito ng mommy ni Keith ay hindi nakasalba sa puso ko. Mas lalo pa itong nalugmok sa disappointment. At sakit.

Halatang pabor siya kay Maggie. Sino ba naman kasi ang hindi papabor kung nasa kanya na ang lahat? Yun nga lang, mapapangiwi ka sa ugali nitong may pagka-bitchy.

Kung pwede lang na sumimangot ay ginawa ko na. Pero araw 'to nila Tito Ronnie at nakikita ko kung gaano kasaya ang bawat isa sa escapade na ito. Ayokong sirain yun. Mabuti na lang at kahit papaano ay kasama ko sila Henry at Yaya Lucing.

Exactly 8 am when we touched down Busuanga Airport in Coron, Palawan. We took a van going to the pier. It took 20 minutes before we reached it and we immediately transferred to a boat that will bring us to Club Paradise Palawan, the resort where we'll all stay for 4 days and 3 nights.

Halos lahat ay nag-uusap tungkol sa mga recent trips and travels nila. Maingay ang mga kaibigan nila Tito at Tita kaya minabuti ko na lang na iappreciate ang sobrang linaw na tubig dagat kung saan literal mong nakikita ang colorful fishes at corals sa ilalim.

Just enjoy everything, Cheyenne. Just enjoy this life.

Hindi lang ako ang na-impress nang dumating kami sa Dimakya Island kung nasaan ang Club Paradise. And for me, it is indeed a paradise with its bright turquoise water and perfect white sand beach. Maski si Henry ay tuwang-tuwa. Ayaw niyang magpabuhat kaya tumalon siya mula sa bangka para makapagtampisaw sa tubig bago tumakbo papuntang buhanginan. Nagtawanan kami sa ginawa niya at hindi na naalis ang ngiti namin nang salubungin kami ng mga staff habang kumakanta at nagseserve ng fresh fruit drinks.

Pwede bang dito na lang ako tumira?

Dahil ang hangin pa lang na malalanghap mo ay sobrang sarap na! Ano pa kaya ang pagkain at mga activities na pwede mong gawin dito?

Tita Helga chose a very perfect place to stay.

"I will definitely go back here!" Sabi ng isang kaibigan ni Tito Ron na hindi mapigilang igala ang paningin sa paligid.

Me too. I want to go back here.

Ang heavenly ng ambiance. Sobrang perfect para sa magfiancee na sila Tito at Tita. Bakit kaya hindi na lang din sila dito magpakasal?

Carpe DiemWhere stories live. Discover now