CHAPTER 2: Three Points

Start from the beginning
                                    

Inilabas niya ang camera mula sa bag and starts to take pictures. And from time to time, she can't help but admire him even more... The way he moves and runs... The way he defends and shoots... The way his muscles flex showing his strength and agility... and to think that those same arms had cradled her so comfortably for the rest of the night... He's just gorgeous... At hindi lang miminsan na lumilingon ito sa mga bleachers and seems to be looking for someone... She can't help but smile…

Nasa kasagsagan pa rin ng laro ang koponan nila nang may dalawang magagandang babae na umupo sa may bandang harap niya. Ang isa ay morena. Ang isa naman ay mestisa.

"Nakakainis naman eh! Wala ng space sa baba. Gusto ko pa man din makita yung mga cute boys!"

Sabi ng morena.

"Naku, hayaan mo sila! Mamaya rin naman eh magkakaroon ako ng chance na makilala sila."

Narinig niyang sagot ng mestisa.

"Oo na noh! Uy! pakilala mo naman ako mamaya ha!"

"Sure! Ano pang silbi at executive assistant ako ng foundation..."

Bahagyang napataas ang kilay niya.

"OMG! Thank you talaga ha!.... Pero teka nga pala, nasan pala jan 'yung may ari ng company? Daming nagsasabi pogi daw eh! Masyado lang kasing mailap sa media..."

Sa sinabi ng morena ay nakita niya ang pagtaas ng kilay ng mestisa.

"That one... with the number 26 on his shirt."

"Oh. My. Gosh!!! They're so right! He's so cute!!!"

"I know, right?... But don't get your hopes up, girl..."

"Bakit?! May gf na? Sus! girlfriend pa lang naman eh."

"Not that I know of. Kaka-sign ko pa lang ng contract kahapon eh. I haven't fully done my research yet especially about the owner."

"Eh kung ganon, bakit mo sinabing don't get my hopes up?"

Mukhang pareho sila ng katanungan ng morena...

"Because he's going to be mine..."

Kulang na lang ay sugurin niya ang tisay at pagsasabunutan dahil sa sinabi nito. But she tries her very best to control herself...

"Wow! Ambitious much? How can you be so sure?"

"Well I just know... Hindi naman imposible di ba?... Obviously, I'm the most beautiful girl here... With my looks and charm, he can easily fall in love with me... And do you know how rich he is? I may not know much about him. But seriously, he's big time rich!"

"Well, whatever you say, girl... as long as pakilala mo ako sa kanila mamaya. Why don't we cheer para mapansin nila tayo?"

Before she has any time to prepare ay sumigaw na agad ang morena...

"Go! Team Vincent!"

Sakto namang walang ibang mga sumisigaw nung time na sumigaw ang bruha. Kaya bahagyang napaangat ang mukha ni DJ sa kinaroroonan nila. Halatang nagulat ito ng matanawan siya. Pero agad din itong ngumiti at mukhang nagniningning na ang mga mata. Kumindat muna ito bago nagpatuloy sa paglalaro.

"What the?!!! Did you see that?! Did you see that?! He winked at me!"

Sabi ng mestisa. Well, obviously, hindi siya napapansin ng mga ito. At dahil sa halos magkalapit lang sila ay mukhang may maling akala pa ito.

A Fairytale's MishapWhere stories live. Discover now