Chapter Forty-One

Start from the beginning
                                    

Iniirapan ko na nga lang siya tuwing nagmamayabang ng kung anu-ano mang galaw habang nagdi-dribble ng bola, habang nahihirapan akong agawin iyon sa kanya. Pinapamukha niya sa akin na maning-mani lang ang naging laro namin dahil ako lang ang kalaban niya.

Sinusubukan ko naman talagang agawin iyon sa kanya para maramdaman niya man lang kahit papaano ang hirap. Kaso naman, kapag nadidikit sandali ang kamay ko sa bola o kahit parang nasisiko ko na siya makuha lang iyon, sisigaw agad siya ng "Foul!"

O edi foul na kung foul. Akala mo naman ang sakit-sakit ng ginawa ko. Siguro kung siya ang gagawa no'n sa akin, maaari pa akong magreklamo.


Ngayon naman, iniwanan niya ako sa isang gilid para maipasok na ang bola.


Wala bang rules tungkol sa pag-iwan ng kalaban? Yo'ng bigla ka na lang aalis sa harapan ng humaharang sa'yo para lang sa puntos?



"15-6" Konklusyon niya. "Ano, suko ka na ba?"

Matalim lang ang naging titig ko sa kanya.


Hinihingal na ako, pagod na ako kaya naman napaupo muna ako sa may upuan. Nauuhaw na rin ako.

Wala ba siyang dalang tubig? Sa bagay, wala naman akong nakitang dala niya kanina bukod sa bola. Pero, ano, magpapakamatay kami sa dehydration? Ganito ba siya kapag naglalaro mag-isa? And where is he planning to get his water if he's not bringing then? Wala nang bukas na tindahan dito, lalo na sa ganitong oras. Medyo malayo pa naman ang isang convenient store.


"Anong iniisip mo?"

Napabalikwas ako nang bigla siyang umupo sa tabi ko at nagtanong.

"Wala..."

Tumahimik siya sandali at nag-iwas ng tingin. "Wala daw, siguro pinag-iisipan mo nang mag-concede ano? Ako na ba ang panalo?" Muli siyang humarap sa akin, kasama ang isang nakakaasar niyang ngisi.

Kumunot ako ng noo. "Asa ka! Hindi pa tayo tapos, ano! Makakahabol pa ako." Umupo ako ng maayos at saka nagpatuloy. "Napapagod na ako kaya umupo muna ako saglit. At hindi ka pa ba nauuhaw? Wala ka man lang tubig na dala. Tsaka isa pa, isang oras na tayo naglalaro, anong oras na po kaya. Ayaw mo pang umuwi? Hindi ka pa ba napapagod o kahit inaantok na?"

Humalakhak siya. Ano naman kayang nakakatawa sa mga sinabi ko? "Wala daw iniisip pero bakit ang dami mong nasabi ngayon?"

Tinarayan ko ulit siya. Ang ayos-ayos ng mga tanong ko tapos ganyan ang isasagot niya. Hay naku!


"Mukhang inaantok ka na ata. Tara na!" Hinablot niya ang kamay ko at saka kami lumabas ng court.

"Pero--"

"We'll finish the game soon, sa ngayon uminom na muna tayo ng tubig. At dahil inaantok ka na, uuwi na rin tayo. Maaga pa ata ang alis niyo bukas."

Sumunod na lang ako sa kanya.


Pumunta kami sa isang convenient store.

"May bago nang bukas?" Manghang tanong ko. Dati wala pa yo'n dito ahh, di ko rin naman iyon napapansin kapag nag-iikot ako sa kabuuan nitong lugar namin.

"Kahapon lang 'to nagbukas." Talaga? Parang wala naman akong nadadaanang under construction lately. "Tara, baka maka-discount pa tayo!"


BEST-Friend-Zoned (Book 2)Where stories live. Discover now