"Really, huh?" Biglang tumawa si Francis. Pero ramdam mo na peke ito. "Pero after that day, I saw you making out with some guy sa likod ng gym." Sabi ni Francis. Nanlaki ang mata ni Isabel.





Maging ako ay nagulat. Thirteen or fourteen years old pa lang siya nun! She's only an 8th grader for pete's sake!




"F-Francis." Tawag ni Isabel. Hindi pa rin maalis sa kanyang mukha ang bakas ng pagkagulat sa narinig niya.




"I'm sorry I was blinded. Nagsisisi na ako sa mga ginawa ko. Forgive me please. Sinubukan kong itakas ka kanina mula sa kanya. I-I should've not listen to her." Sabi niya at saka humagulgol ng malakas.





Sino ba ang tinutukoy niya?





"Who are you referring to?" Tanong ni Francis.




Mas lalo itong umiyak.




"She's...."



Ella Santos' POV




Nandito pa rin ako sa kwarto kung saan niya ako iniwan.



Marami akong natamong pasa at sugat. Natatakot ako dahil maaari siya muli makasakit. Hindi lang ako, baka pati ang mga estudyante ko maging ang anak ko. Tumulo ang luha sa aking pisngi. Bakit ba kailangang mangyari lahat ng ito?




Narinig kong binubuksan ang pinto. Ginapang ng kaba ang dibdib ko. Ano na naman bang gusto niya?




Nung tuluyang bumukas ang pinto, nakita ko ang isang magandang babae. Madami siyang sugat at pasa ngunit hindi pa rin maitatago ang kanyang ganda. Ang mukhang hindi mo aakalain na gagawa ng masama. Nasa loob lahat ng baho niya. Napaka sama niyang tao.




"Tignan mo yung nangyari sa akin. Wala ito sa plano!" Hinagod niya pakaliwa ang buhok niya upang umayos ito.

FIELD TRIPWhere stories live. Discover now