Chapter 28: Chamber of Illusions

Start from the beginning
                                    

Naiinis siya sa sarili dahil hindi niya napigilang maiyak.

Pumasok siya sa isang room. Nag-angat siya ng tingin para tingnan kung anu ang kwartong pinasok niya.

Huli na ng malaman niya kung anu ang kwarto na kinaroroonan niya. Ito ang kwartong kinatatakutan ng lahat. Ang Chamber of Illusions...
--
Nagsimulang umiikot ang paligid ng kwarto. Nagsisimula na ang kwarto na pasukin ang alaala niya.

Napaatras siya ng magbago ang paligid.

Nagsimulang mag-play ang mga alaala niya.

Nasa loob siya ng palasyo. May isang hari ang nakaupo sa may trono---ang papa niya.

''Papa!'' Nakita niyang may tumakbong bata papalapit sa hari. Siya iyon. Ang 5 taong gulang na si Prince Konor.

Nagpunta ang bata sa paanan ng trono at tiningala ang papa niya.

''Papa, keylan po ako mag-aaral sa school?'' Magalang na tanong ng bata.

Nagalit ang papa niya.

''Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mo kong tatawaging 'papa'? Tandaan mo Konor, hindi ko ginustong maging anak ka! At hindi ka mag-aaral! Alis!'' Tinaboy siya ng hari.

Nakayukong nag-lakad papalayo ang bata at nagpunta sa kwarto niya. Ang buong akala niya ay papasok na siya sa kindergarten. Hinanda na nga niya ang bag niya.

Sinara niya ang pinto at kinuha ang bag niya. Tiningnan niya sa loob ang mga nakaayos na papel at tatlong lapis na wala pang tasa. At isang pirasong wand na hindi niya kayang paganahin.

Birthday niya ngayon. 5 taon na siya at excited pa dahil makakapasok na siya. Pero wala. At hindi manlang naalala ng buong palasyo, pati ng ama niya, na birthday niya.

Nagpunta siya sa bintana at nilagyan niya iyon ng frost. Saka siya nagdrawing ng cake na may limang kandila. Hinipan niya ang frost.

''Happy birthday Konor!'' Bulong niya sa sarili niya. Wala namang nakakaalala sa birthday niya.
---
Umikot ulit ang paligid at nag-iba ang scene.

Nakita niya ang isang batang si Konor. Naka face-down sa kama habang nakataas ang mga binti.

Nagdo-drawing si Konor sa isang papel na nakapatong sa makapal na libro. Gamit pa niya ang mga imbento niyang pangkulay na gawa sa mga berries na dinurog niya at pinaghalo-halo para makabuo ng maraming kulay.

Sinasawsaw niya ang quill sa mga pangkulay, at gamit ang maliliit niyang mga kamay, nagguhit-guhit siya sa papel. Nagdrawing siya ng tatlong tao, ang mama niya sa kanan, ang papa niya sa kaliwa, at siya naman sa gitna. Nilagyan pa niya ito ng mga korona. Nilagyan niya ng pangalan sa ibaba ng mga larawan, at saka niya ito hinipan ng malamig na hangin para matuyo at kumapit ang mga pangkulay sa papel.

Itinaas niya ito sa harap niya para tingnan. Natuwa siya at dali-daling tumayo. Regalo niya ito sa Papa niya dahil kaarawan ng hari ngayon at nagdidiwang ang buong kaharian. Maliban sa kanya na pinagbawalang lumabas ng kwarto.

Pero lalabas lang naman siya para ibigay ito sa Papa niya at babalik din naman siya agad.

Lumabas siya ng kwarto at naglakad. Walang katao-tao dahil nasa labas lahat maliban sa mga tagabantay at mga taga luto.

Nasa kwarto ang papa niya at nag-aayos na para harapin ang buong kaharian.

Pumasok siya sa loob.

''Papa,'' mahinang tawag niya. Nag-aayos ang papa niya sa salamin at nakasuot ito ng magagarang robe at ang korona nito.

''Anung kaylangan mo?'' Humarap ang papa niya.

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Where stories live. Discover now