Chapter 11: Surprise!

3.1K 101 0
                                    

Jess' POV

Ang sarap sarap ng higa ko sa sala, gabi na, katatapos lang nung program kanina. Pagk---

*Tok* *Tok* *Tok*

Huh? Sino naman kaya to? Istorbo sa pag fe-facebook ko. Halos ang news-feed ko lang eh yung mga  stolen pics ni Henry na nagda-drum kanina nong performance namin. Makapag-post ang mga babae sa campus eh. At umaabot pa ng 150+ likes at 200 comments! Adi siya na.

*Tok!* *tok!*

Ih? Sino ba kasing epal yan! Di makapag-hintay!

''Saglet lang po!'' Sigaw ko sa kung sino man iyon. Tumayo ako at sinuot yung tsinelas na pambahay bago ako lumapit at binuksan yung pinto---

''Jess! Dali may ipapakita ko sayo!''

Aww! Pagkabukas ko ng pinto hinatak agad ako ng impaktong si Henry. Anu nanaman ang trip nito?

''Ay taeng-tae lang Henry? 'San mo ba ko dadalhin? Tignan mo naka tsinelas pambahay pa ko.''
Eh hinatak ba naman akong bigla eh.

Huminto siya at tinignan yung tsinelas na suot ko. ''Magpalit ka na bilis!'' Sabay tulak sakin papasok.

''Ayaw. San mo ba ko dadalhin ha? Anu ba ipapakita mo?''

''Basta!''

''Anu nga?''

''Basta nga!''

''Anu nga kase!''

''Basta nga kase!''

''Eh ayokong sumama.'' Tumalikod na ko.

''Joke lang. May surprise ako sayo. Magpalit ka na!'' Pigil niya. Anu namang surprise kaya?

''Anung surprise?'' Tanong ko.

''Huh? Edi surpresa.'' Sagot naman niya. Shete! Tss! Duh? Alam ko namang surpresa ang surprise noh? As if naman hindi ako marunong mag-english?

''Lam ko noh! Anung surpresa?''

''Edi surprise! Bobo ba Jess?''

''Argh! Ikaw ang bobo, napaka slow mo! Ang ibig sabihin ko eh anu yung surprise mo? Slow!'' Inirapan ko pa siya.

''Aist!'' Napasapo siya sa noo niya.

''Haha! Slow!'' Pang aasar ko pa.

''Tungengeks! Ikaw ang slow! Surprise nga eh? 'Di pag sinabi ko hindi na surprise yon!'' Asar na sabi niya. At yung word na ''tungengeks'' kanino niya natutunan yon? Nako ayan na kung anu anu na napupulot niyang salita. Pati yung mga ''kanto words'' ginagamit na niya.

''Ah slow pala ah? Pumunta ka mag isa mo.'' Tumalikod na ulit ako.

''Uy joke lang. Di ka mabiro. di ka slow, joke lang yun. Magpalit ka na bili.'' Pigil ulit niya. Ts! Takot naman pala.

''Now na?'' Malamang, kaya nga niya ko pinuntahan eh, naninigurado lang.

''Oo now na.''  Ngumiti pa siya.

''Ngayon na talaga?'' Tanung ko ulit.

''Ou nga! Unli ?'' Asar na siya.

Ayan nanaman yang ''kanto words na yan''. Kanino ba niya natutunan yan?

Nagpalit na ko ng tsinelas. Pagbigyan na. Mag aalas siyete naman kasi ng gabi. Binalikan ko na siya matapos akong makapag palit.

''Tara!'' Hinatak na niya ko at lumabas na kami ng gate. Akala ko didiretso kami sa apartment pero nilagpasan namin yon at naglakad kami sa sidewalk. Naku-curious na ko.

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Where stories live. Discover now