Chapter 23: Something's Following Us ( Currently Editing Chapter)

2.4K 82 7
                                    

Jess' POV

Pinuntahan ko si Henry sa apartment niya.

Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa at nag do-drawing.

''Oy.'' Bati ko sa kanya.

Inangat lang niya yung mukha niya para tignan ako at bumalik na ulit siya sa ginagawa niya. May band-aid siya sa gilid ng labi.

''Ginagawa mo?'' Tanong ko sabay punta sa likuran niya para silipin yung dino-drawing niya.

Bigla nalang niyang sinara yung sketch pad niya para hindi ko makita.

''Sunget.'' Bulong ko sabay layo.
Umupo nalang ako at humarap sa t.v sabay bukas nito.

Tumayo naman siya at akmang aalis ng tanungin ko siya.

''San ka punta?''

''Taas.'' At umalis na siya.

Sunget. May galit pa ata kay Adriel eh. Hinayaan ko nalang. Kaya nga ako nagpunta dito para i-cheer up manlang siya, pero ayaw naman mamansin. Hay!

Anu ba kasing problema ng dalawang yun? Mukhang mga bata ih!

Ilang oras na kong nanonood ng makaramdam ako ng antok.

Tumayo na ko para umuwi. Nagpaalam muna ako kay Henry.

''Henry! Uwi na ko!'' Sigaw ko.
---
Pagkauwi ko ng bahay. Nawala na yung antok ko. Pumunta ko sa kusina para kumuha ng maiinom.

Magtatanghali palang naman. Nandito ulit si Kevin, at nandun ulit siya sa kwarto ni Kurt.

Pagkabukas ko ng ref, halos wala ng laman. Tsk! Ngayon ko lang napansin. Makapag grocery nga. Habang sinisipag.

Nagpunta ako sa bathroom para mag-cr.
---
''Kurt, sumama ka sakin mag grocery.''

''Eh ate...'' napakamot pa siya sa ulo niya. Nag c-coc sila ni Kevin. walang kasawaan.

''Wag ka na magreklamo!'' asar na sabi ko. Eto nanaman to.

''Si Henry isama mo.'' Sabi pa niya sabay ngiti at puppy eyes. Tsk!

Pero sabagay, para mawala ang init ng ulo.

umalis na ko sa kwarto ni Kurt at nagpunta sa apartment ni Henry.
Pumasok ako agad. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa. Nakasandal at nakatingala ang ulo. Nakapikit siya.

''Henry!'' Masayang bati ko. Dapat jolly.

Hindi siya sumagot pero alam kong gising siya.

''Uy...uy.'' sinundot sundot ko yung tagiliran niya.

Hinablot niya yung kamay ko. O_O, nakapikit pa rin. Binawi ko yung kamay ko, pero di niya binitawan.

''Woy! Samahan mo ko sa mag grocery.'' Sabi ko nalang.

Dinilat niya yung isang mata niya at tumingin sakin.

O_O problema ba nito?

''Dito ka lang.'' Bulong niya.

Ha?? Anu daw???

''B-bakit?'' Tanong ko.

Tumayo siya at tumingin sakin.

''Maupo ka.'' Bulong niya sabay gulp.

''B-bakit ba?'' Kinakabahan na ko sa ikinikilos niya.

''Oh di tumayo ka, ewan ko lang kung di ka mangawit, matagal ako maligo.'' Sabi niya.

''a-ah. Sabi ko nga.'' At umupo na ko. Tsk! Kala ko kung anu na.

---
Henry's POV

Kaylangan ko ng bumalik. Mahanap ko man ang healer oh hindi. Ako na ang lalaban sa mga elves.

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Where stories live. Discover now