Chapter 2: The stranger

8K 181 7
                                    

Jess' POV

"Hoy tao ka!''

''Ay kabayong potrong tinuka ng manok!'' Napalundag ako at itinigil ang paghahalungkat ng may humarang sakin.

Infairness, kung maka 'hoy tao' ah, para namang hindi siya tao---well, ewan ko.

Pagtingin ko sa kung sinu mang humarang sakin ay literal na napanganga ako. Okay na, kamalasan. Okay na. Okay nang mawalan ako ng phone at maiwan ang wallet, wag mo naman nang idagdag ang makasalubong ng isang cosplayer!

Oo, kaharap ko ang isang ewang 'to. Hindi ko maget's kung bakit may isang lalaking puti ang buhok (as in puting puti parang snow), blue ang mata, nakasuot ng blue na kapa, blue na vest, white na undergarment at blue na fitted boots na may ukit ukit, ang nasa kalagitnaan ng daan at ng haharang. Anu 'to, trick or treat? April fools? Eh?

"Huy! Hello? Naintindihan mo ba yung sinabi ko?" Biglang sabi niya sabay wave ng kamay niya sa harapan ng mukha ko.

Saka palang ako natauhan at nagising sa kabihasnan. Saka palang ako nakaramdam. Kanina pa pala ko nakatunganga! Eh panu naman kase, anung klaseng joke ba ng destiny ito?

At anu ulit yung tanong niya? Naintindihan ko ba daw yung sinabi niya? The pak! Bobo ba siya? Malamang eh puro tagalog ang nakatira dito.

''Oo. Pero kaylangan ko ng umalis. Magandang umaga nalang.'' Sabi ko at kahit gusto ko pang tanungin kung bakit naka costume siya ay naglakad na ko at nilagpasan ko siya...

"Oyoyoyoy! Saglit saglit.'' Hinawakan niya yung braso ko ng hindi pa man ako nakakalayo.

Okay badtrip ako. Nawala phone ko. Naiwan wallet ko. Wala ako sa mood at male-late na ko! Sheteng kabayo, wala na kong oras para dito!

''Mr, bitawan mo ko't late na ko. Kita mo naman diba? Papasok ako sa school, at kung ako sayo pumunta ka na sa costume party niyo. Bye!'' Hinablot ko yung kamay ko bago pa siya makapagsalita at naglakad papalayo...

***
"Uy!" Lumapit ako sa bench sa ilalim ng puno ng neem tree. Kararating ko lang sa University namin, at dito ang diretso ko sa park. Dito kasi ang paborito naming tambayan, ng mga friends ko...

"Jess!" Tawag sakin ni Genevieve. She's one of my friends. Nakasalampak sila sa damuhan sa ilalim ng shadow ng puno, nakapabilog at magkakaharap. Lumapit ako sa kanila at ju-moin sa circle sabay bagsak ng backpack ko at naupo sa damuhan.

''Oh ano? Kamusta kayo?'' Tanong ko sa kanila. Hndi kasi kami nagkakitaan nung nakaraang sabado at linggo.

'' May bagong manliligaw si Gen!'' Sabi ni Karen. Ang pinaka madaldal sa aming lahat. Siya din ang laging updated sa mga ka ek ekan na nangyayari sa Earth. Sinamaan siya ng tingin ni Genevieve na katabi lang niya.

''Kahit keylan tlga ang daldal mo Karen!'' Sabi ni Gen at may inis sa mukha. Siguro badtrip to.

''Talaga sino naman yung new suitor ni Gen?'' Tanong ko habang naka smile.

''Kilala ko,'' biglang nagtaas ng kamay si Christopher! Parang magrerecitation lang. Siya naman ang pinaka hyper at pinaka makulit at pinaka baliw sa amin. Napatingin kami lahat sa kanya.

'' Who's da boy?'' Tanong ko.

''Si Aaron Cruz! Yung 4th year na basketball player! Yung lalaking may dalawang pimple sa kaliwang pisngi.''

Nagtawanan kaming lahat. Pati si Gen. Kahit kelan talaga.

''Chris, wala ka paring kupas,'' sabi ni Cedric habang tumawa. Siya naman yung friend namin na maporma, guwapo at mayaman. Yung tipong ang mga latest trends ay alam, kahit yung bagong labas lang na pamporma, alam na niya bago pa mauso. RK e.

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora