Chapter 2: Why are we here?

2.4K 73 0
                                    

''Sa totoo lang, hindi ko rin alam Jess. I woke up in tears, with you by my side. Breath of relief, and I realize...''

''Kumakanta ka na eh.'' Sambay hampas ko sa braso niya.

''Hehe. Just trying to cheer you a little. Masayadong kang maraming makikita dito. Maguguluhan ka din.'' Sabi pa niya habang nakahawak sa noo niya.

''So, anu balak?''

''We just need to get to Dandelion Village, then, ako na bahala sa pag-uwi mo.'' He said confidently. He even smiled at me as if telling me that he can do it without a problem.

''Okay. So magtitiwala nalang ako sayo. No choice.'' Nagkibit balikat ako.

''Napipilitan ka lang ba magtiwala sakin?'' Sabay pout.

''Oo.'' Walang ganang sabi ko.

''Okay.'' Lumungkot ang expression niya at tinignan nalang niya yung sapatos niya.

''Joke lang. I trust you.'' Sabay pindot ko sa pisngi niya.

Ngumiti naman siya. Tsk! Parang bata talaga.

Tumayo ako at luminga linga. Nakakita ako ng apple tree na hitik na hitik sa bunga! Wow! Mukhang masarap.

Lumapit ako sa puno. I raised my hand and tried to reach for an apple.

''No! Wag Jess! Carnivorous plant yan!''

Napatigil ako sa pag-abot at agad na tumakbo palapit kay Henry. Natakot ako sa sigaw niya eh.

''Hahaha. Duwag. Tignan mo--'' pumulot siya ng bato at binakal ang isang bunga.

Tinamaan ang apple. The stone dissapeared. San napunta? Biglang bumukas ang dulo ng apple at naglabas ng red liquid. Tumulo iyon, the soil absorbed it quickly.

Biglang may nadagdag na isang apple na bunga.

I gulped. What if sa kamay ko nangyari yun? My ghad! I'm really thankful that Henry had warned me! Tinignan ko yung kamay ko at saka ko iyon ki-niss.

''Tinutunaw niya lahat ng didikit sa bunga niya, then magiging pataba niya yun.'' Paliwanag ni Henry.

''Hoo, buti nalang.''

''Nga pala. Nandito tayo sa Myst Forest.''

''Sounds dangerous.'' Comment ko sa sinabi niya.

''Uhm. To tell you the truth, wala pang napuntang wizards dito ang nakabalik----''

O.O Napahinto ako at na freeze sa kinatatayuan ko.

''--ng buhay.''

---
Adriel's POV

Umakyat ako ng bakod at lumundag papasok ng park.

I saw them here a while ago. Malamang nandito pa rin sila.

Kaylangan ko ng makipag-ayos kay Henry.

I need to tell him the truth. Right away.

Nagpunta ako sa picnic field.
Dumiretso na ko sa ilalim ng malaking puno.

Walang tao.

Inikot ko ang paningin ko. Wala talaga.

Inalis ko ang backpack ko at naupo sa ugat ng puno at sumandal sa magaspang na trunk.

I closed my eyes and tried to think. Ayoko ng pumasok.

Iniisip ko pa rin kung panu ako magpapaliwanag kay Henry.

Pero alam kong malaki ang tsansa na siya nga ang kapatid ko.

Kaya ako may nararamdamang kakaiba pag malapit siya, yun ay dahil nase-sense ng katawan ko na may kapangyarihan siya.

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Where stories live. Discover now