Chapter 27: The tale of the Healer ( Currently Editing Chapter)

2.4K 74 0
                                    

Dedicated to Hateful_princess... nakakainspire ung message mu. XD d ko nga lng mareplyan kulng sa activation ung account ko eh. Tnx ulit!Hateful_Princess


Jess' POV

Lumabas ako ng gate para puntahan si Henry sa apartment niya.

Halos maggagabi na at malamig ang simoy ng hangin. Niyakap ko ang sarili ko at naglakad papuntang gate ng apartment.

Napahinto ako ng makita kong may nakatayo sa harap ng gate. Nakilala ko siya agad. Dark at makintab na jacket, ang maangas na tindig at greased hair.

''Adriel?'' Tinawag ko siya nang akmang aalis siya.

Huminto siya pero hindi lumingon.

''Hey, what are you doing there?'' Tanong ko ulit.

''Napadaan.'' Hindi pa rin siya lumilingon.

''Ah, sige, anyway pupuntahan ko si Henry. Nga pala, sana magkaayos na kayo.'' Sabi ko at naglakad papuntang pinto ng gate pero hindi agad ako pumasok.

''Yeah.'' Sabi lang niya at naglakad na palayo, without saying goodbye or anything. Pero ganun talaga yun. Kung hindi sasagot eh 1 word lang ang sasabihin.

Pumasok na ko sa loob.

--
''Low!'' Bati ko kay Henry pagkapasok ko ng pinto. Nakahiga siya sa sofa, nakaunan ang kamay at nakataas ang paa. Pang lazy style.

''Mm.'' Maikling sagot niya.

''Oh ano? Dat ikaw nalang pumunta sa bahay eh.''

''Bawal marinig ni Kurt.'' Sabi niya na ganun pa rin ang posisyon at parang walang pake. Naupo ako sa may katabing couch.

''Bakit, anu ba kasi yun?'' May iku-kwento daw siya.

Hindi siya sumagot. Dedma. Nahawa kay Ad? And speaking of Ad, bakit siya nakatitig ng matagal sa apartment kung napadaan lang talaga siya? Balak kaya niyang pasukin si Henry? Eh?

''Nice talking.'' Sabay roll eyes at cross-arms.

Hindi pa rin siya sumagot. Nakatulog na ata. Nakapikit eh.

''Aalis na nga ako.'' Sabay tayo ko.

''Wait.'' Umupo siya mula sa pagkakahiga.

Bwisit eh. Pamuwisit. Nananadya?

Bumalik ako sa couch. Pinatong niya yung dalawang siko niya sa tuhod at pinagsaklob ang dalawang kamay.

Tinitigan niya ko. Okay nagiging awkward na. Tinitigan lang niya ko ng matagal. Anu ba?

Hindi na ko makagalaw. Nahihiya narin ako.

''Uy?'' Ni-wave ko yung kamay ko sa tapat ng mukha niya.

Hindi siya kumibo. Ganun pa rin. Anyare sa kanya? late reaction?

''Henry, ayoko na.'' Sabi ko na naaasar na.

''Ayaw mo nang...?'' Bigla niyang tinanong.

''Ayoko ng makipagbiruan.''

''Nakikipagbiruan ba ko?'' Tanong pa niya na parang nang-aasar.

''Eh umayos ka kasi.''

''ayusin ang alin...?''

Okay naka off yung common sense niya. Naka bopols-mode activated.

''Ala.'' Naaasar na nasusura na ko. para siyang tanga.

Nag-nod lang siya na parang may na-gets siya. Tinignan niya yung oras sa wall clock sa gawing kanan niya.

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Where stories live. Discover now