Chapter 5: Pretending 2

4.4K 135 5
                                    

 ''Ewan, lalaki eh, mukhang foreigner. Kulay white yung buhok tapos blue yung mata. Jack Frost ang dating. Hahaha. Kanina pa yun naghihintay...''
 
Uh-oh, si Henry! Dali dali akong bumaba kahit mukha akong ewan. Dumiretso ako sa sala. Nakita ko syang nakaupo sa sala. Elbows on spread knees, yun yung pose niya. Nanlaki yung mata niya nong nakita niya ko.

''Ang pangit mo naman!'' Yun yung sabi niya. Ang kapal ng mukha! Yun talaga ang bungad saken? Shocks!

''Impakto ka! Anung ginagawa mo dito?'' Asar na sabi ko.

''Ala lang, hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko eh.'' Yun talaga ang dahilan? Tsk!

''Wala kang magawa? Pakamatay ka na!''

 ''Wag! Mawawalan ng gwapo!'' What the pak? Anung---!?

''Hindi ko kaylangan ng mahangin,'' ganti ko sa kanya.

 ''Mag ayos ka kaya muna? Tignan mo oh may muta ka pa.''

Bwisit na toh! nang aasar agad! Nag walk-out na ko at nagpunta ng banyo para mag ayos. Nakakabadtrip siya! Sabihan ba naman ako ng panget? Arrrgh! Bwiset! Ang aga aga! Naghilamos ako nag-toothbrush. Nag punas na ko ng twalya at umakyat sa kwarto para magbihis, 'di ko pinasin si Henry ng madaan ako sala. Pagkapalit ko ng damit ay nagpunta ko sa kwarto ni Kurt para sabihing kumuha nalang ng pagkain sa ref dahil tinatamad akong magluto. Naabutan ko siyang naka face down at nakataas yong mga paa habang nag ga-gadget.

''Uy ate di mo manlang sinabi saken may boyfriend ka na pala, pero ayos lang walang sekretong di nabubunyag! Hahaha!'' Pang aasar niya, diyusko lang Kurt, dumagdag ka pa! Kainis!

''Hindi ko siya boyfriend! Kutusan kaya kita jan! Kung kakain ka, kumuha ka nalang ng kung ano sa ref, hindi ako magluluto ngayon.'' Umalis na ko ng kwarto niya.

''GOOD LUCK SA INYONG DALAWA!'' Narinig kong sigaw niya. Hindi ko nalang pinansin at tumuloy na sa sala para harapin ang impakto.

''Oh? Problema mo? Ba't ganyan hitsura mo?'' Tanong sakin ni Henry.

''Ikaw!'' Asar na sabi ko at itinuro siya.

''Ako? Anung meron sakin?''

''Uwi na!''

''Ang hospitable mo naman!''

''Uwi na. Shoo!'' Sumensyas pa ko na umuwi na siya.

''A-yo-ko!'' Pagmamatigas pa niya at inisa-isa yung syllable ng word.

''Di pe'de. Shoo! Alis! Chupi!''
 
''Ayaw!''

''AALIS KA OH HINDI KITA TUTULUNGAN?''

''Grabe ka naman.'' Nag-pout pa siya. Aba't kelan pa siya natutong mag-pout? Mygad!

''BAHALA KA!'' Sigaw ko. Sa totoo lang nakakaasar na siya.

''Uy ang sweet niyo naman.'' Nakita kong pababa si Kurt sa hagdan. Hindi ko siya pinansin. Parang nagtaka naman si Henry sa sinabi ni Kurt. Kumunot yung noo niya at parang nag isip ng malalim. Tinignan niya yong thumb niya at saka iyon tinikman!

''Hindi naman ah?'' Bigla niyang sinabi.

''Alin?'' Tanong ko.

''Hindi naman sweet. Ang alat nga ng daliri ko eh.''

 ''AHAHAHAHA,'' napatawa niya 'ko. Ganyan ba 'pag nagkaka-amnesia? ''Gags! Ibig sabihin ng sweet ay..." Bigla kong narealize yong sinasabi ko.

''Ay?'' Hinihintay niya yong kasunod.

''Ah wala wala. Anu ba kasing kaylangan mo ngayon?'' Tanong ko kay Henry. Naaasar pa rin ako.

''Wala naman, wala nga 'kong magawa sa apartment.''

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Where stories live. Discover now