Chapter 14: First Day of School

2.1K 63 0
                                    

Jess' POV

''Adriel?'' Nagulantang ako sa nakitakd ko. At papano nangyari na napunta siya dito? Kamukha lang ba niya? Pero hindi eh.Naka leather jacket din eh!

''Jess!'' Nagulat din siya ng makita ako.

Ewan ko kung anung nagtulak sakin pero tumakbo ako agad sa kanya at yumakap ako. Siguro dulot na rin ng pagkamiss ko sa mga kaibigan ko. Sila Gen, Chris,Ced, Karen,Kaye at etong si Ad.

Naramdaman kong yumakap din siya.

''Panu ka napunta dito?'' Tanung ko ng nasa ganung posisyon parin.

''I'll explain it to you later.'' Sabi niya.

''Jess!'' Narinig kong tawag sakin ni Henry. Agad naman akong lumayo kay Ad.

Naramdaman kong hinatak ako ni Henry palapit sa kanya. At ang sama ng tingin niya kay Ad. As in ang sama. Yung tipong mangangain na ata.

''Henry--may kaylangan tayong pag-usapan--''

Hindi pintapos ni Henry si Adriel. Agad niyang hinablot ang kwelyo ng jacket ni Ad.

''Panu ka napunta dito? Sagot!''

Hindi umimik si Ad. Kalmado lang siyang nakatingin kay Henry.

''Sumagot ka! Sinasabi ko na nga bang hindi ka tao!'' Sigaw ni Henry kay Ad at lalo pang humigpit ang hawak niya sa kwelyo ng jacket ni Ad.

Ano? Hindi tao si Ad?! Eh? Anu siya? Wizard din? Anu bang nangyayari dito?

Nakita kong umilaw ang mata ni Adriel. His eyes turned red for a split second. Nagulat ako, ganun na ganun ang mata niya noong pinagtanggol niya ko kay Xander!

Mukhan naintindihan agad ni Henry ang ibig sabihin ni Ad. Para silang nag kakaintindihan sa titigan.

Tinulak niya si Adriel ng malakas. But he remained standing.

''Fire huh? Kaya pala... and now what do you want?!'' Galit na sabi ni Henry.

''I want you to listen to me---''

''Asa ka pa? Sinusundan mo ba ko ha? At anu nanamang binabalak mo Ad?''

Kalmado pa rin si Adriel habang galit na galit na si Henry. Wala akong magagawa kaya't nanahimik nalang ako.

''Yeah. Sinusundan nga kita Henry. I have to tell you someth----''

''Wag ka ng magsayang ng oras. Bumalik ka na sa Earth ---''

''BAKIT BA KASI HINDI KA MUNA MAKINIG SAKIN!'' Nagulat ako ng biglang sumigaw si Ad at bigla nalang hinablot ang balikat ni Henry at saka iyon niyugyog. Halata sa mga mata niya na nagagalit na siya.

''EH KUNG AYOKO? PWEDE BA LUMAYO KA NA SAMEN! HINDI KA NAMAN NAKAKATULONG!'' tinulak siya ni Henry palayo.

Mukhang mag aaway nanaman sila at natataranta na ko kung panu ako mag re-referee sa dalawa.

Mukhang nagulat si Ad at nanahimik na lang siya. Dahil ba sa sinabi ni Henry?

''Let's go Jess.'' Hinatak niya ko at malakas niyang binunggo si Adriel na napa usog naman. Sinadya ni Henry. Nilingon pa niya si Adriel at nag fuck-you sign pa sa kanya si Henry.

Wala kong nagawa kundi sumunod at nilingon ko nalang si Adriel. Naglakad na siya palayo habang nag iiba yung suot niya. Naging isang mahabang robe iyon na kulay black at may red trimming.

Nakalabas kami ng room na yun at naglakad sa isang deserted corridor. Nang makalabas kami nung corridor na yun ay may nakita akong pinto.

Lumabas kami ng pinto. And I found myself standing on a yard with lots of students.

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Where stories live. Discover now