Chapter 13: TwilightGrove Academy

2.1K 60 0
                                    

(This Chapter is inspired by Harry Potter , lahat mula part 1 hanggang Deathly Hallows XD and also Sky High.)

Adriel's POV

Pinagmasdan ko muna ang portal papuntang TwilightGrove . Isa itong sunog na stump ng puno.

At first iisipin mong isa lang itong bee tree, but this is actually a portal to 3 different dimensions, ang TwilightGrove, Gritcore Shop at Libran Bank.

Hinanap ko ang carvings na simbolo ng School.

Umikot ako sa stump hanggang sa mahanap ko ito. Hinawakan ko iyon at pumikit.

Binukas ko agad ang mga mata ko, and I found myself staring at the front gate of a huge castle...
---
Jess' POV

Naglalakad kami ni Henry sa village sa harap ng palasyo. Actually kanina pa napapa-'tsk' si Henry at napapailing.

Pansin ko kasi, parang alipin lahat ng nakatira dito. Sobrang payat at dungis nila. At parang busy na busy sa kung anung bagay.

May naririnig akong bulungan.

''Hindi ba siya yung prinsipe na pinaalis ng mahal na Hari?''

''Siya yung anak ni King Herion hindi ba?''

''Hindi ba masama siya?''

''Bumalik siya, tutulungan kaya niya tayo, oh nandito siya para maghiganti sa ama niya?''

''Alam ko siya ang pumatay sa mahal na Reyna.''

Grabe naman sila kay Henry! Sa totoo lang naiinis ako sa kanila, nanghuhusga sila agad. Hindi muna nila kinikilala yung tao--- ay yung wizard pala-- bago sila magsabi ng kung anu anu ka ek ekan.

''Anung nangyare dito?'' Malakas na sabi ni Henry. Loud enough for everyone to hear.

Nagsipag luhudan ang mga villager at humarap kay Henry. Ang awkward naman ako nakatayo. Hmm---

Luluhod na sana ko, pakitang tao lang siyempre hanu? Mundo nila to. Hinatak ako ni Henry at pinigilan akong lumuhod. Naka confused look silang lahat.

''Sabihin niyo, anung nangyari sa inyo?''

Natahimik ang mga villager, as if waiting for someone brave enough to speak.

''Sagot!'' Galit na si Henry. May matapang na matanda ang tumayo at nag bow muna bago nagsalita.

''Mahal na P-prinsipe, pagpasensyahan niyo na po na ganito kami sa harap niyo, kagagawan po ito ng mga Elves. Nang dahil sa kanila, lahat ng tagapagsilbi sa palasyo ay nakakulong at lahat po ng mga nakatira dito sa village ay ginawa po nilang alipin.'' Halos nanginginig ang matanda.

Tinignan ko si Henry. Anu bang nakakatakot sa kanya?

Lumuhod ulit ang babaeng matanda.

''Jess.''

''Oh?''

''Be ready, may pupuntahan tayo. We don't have much time, kaylangan ko ng ipagtanggol ang bayan ko.''
----
Halos kanina pa kami lakad ng lakad sa grove na to. pagod na me.

May narinig akong nag-uusap sa hindi ko maintindihang language. Huminto ako at nakinig ng bigla nalang akong hinatak ni Henry at nagtago kami sa ilalim ng isang puno.

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)On viuen les histories. Descobreix ara