Chapter 4: Pretending

5K 154 2
                                    

''Saka ang pangit ng pangalan mo, dapat palitan natin,  yung pang tao.''

Nakaupo ako sa sofa, siya nakatayo at nakaharap siya saken. Dito pa rin sa apartment, hindi muna 'ko umuwi.

''Ang ganda kaya ng pangalan ko, kesa naman sayo, Jessica, ang pangit pakinggan.'' Kontra naman niya. Konor daw ang name niya. Ang pangit naman kasi, mukang seasoning.

''Magrereklamo ka oh hindi kita tutulungan? Asar ah?'' Nag sa-suggest ako habang nagrereklamo siya ng todo. Ang papangit daw ng idea ko. Pero tama kayo, papalitan namin ang identity niya temporarily.

''Ok! Anu gusto mong ipalit sa pangalan ko?'' Sumang-ayon na rin siya.

''Hmm…wait, anu ba magandang name---aha! Alam ko na! What about 'Henry'?'' Yun kasi ang name ng paborito kong character sa isang anime show. ''Tapos lagyan natin ng 'James' para may torya. Apelido...uhm...''

Nakatingin lang siya habang inaantay yong desisyon ko.

''Uhmm… teka wag ka kasing maingay…'' Pero sa totoo lang wala naman siyang imik,trip ko lang. And then ting!

''Aha! Alam ko na Henry James De Guzman!'' De Guzman kasi ang apilido nung crush ko dati. Ayan, kumpleto na---

''Ang pangit naman! Ang sakit sa tenga!'' Reklamo niya at ngumiwi pa siya. Shete naman, ayoko ng demanding!

''Magrereklamo ka oh hindi kita tutulungan?''

''Fine!''

''Adi ba-bye alis na ko!'' Tumayo na ko.

''San ka pupunta?''

''Uwi na. Diba sabi mo fine?'' Nakataas ang isa kong kilay habang sinasabi 'yon.

''Sabi ko fine pumapayag na ko sa decision mo.'' Pagpapaliwanag niya.

''Owkey. Nililinaw mo kasi!''

 ''Sus! Common sense!'' Bulong niya pero narinig ko.

''May sinasabi ka?''

''Ah wala wala. Oh sige proceed.'' Ngumiti pa siya.

''Yung suot mo ngayon, papalitan natin yan para magmuka kang normal. Muka kang abnormal. Para ka kasing mag co cosplay ng boy version ni Queen Elsa.''

Tumingin siya sa suot niya. ''Sino si Queen Elsa? Siya ba ang ruler dito?'' Inosenteng tanong niya.

''Ah wala 'yon, kaibigan ko lang yun 'dun nakatira sa kanto.'' Yun nalang ang sinabi ko. For sure hindi niya alam ang movie, at ayoko pa magpaliwanag. Tumingin siya sakin na parang amazed na amazed, anyare?

''Wow! may kaibigan kang reyna? Bakit sa kanto siya nakatira? 'Di ba dapat sa castle?''
       
''Pangalan lang niya yon---''

''Eh bakit---''

''MAGTATANUNG KA PA OH HINDI KITA TUTULUNGAN?!''

''Ou na tatahimik na. Sungit talaga!'' Pabulong na sabi niya.

''Saglet, stay put kalang jan.''

Iniwan ko siya at nagpunta ng second floor, may emergency closet don. Sobrang laki at maraming damit. Dun kumukuha ng mga damit pag minsan bumabagyo oh kaya pag bumaha at walang maisuot ang mga borders. Actually kaka-install lang namin ng closet na yon ever since nung last na bumagyo. Kumuha ko ng isang blue t-shirt na may white na manggas at ng isang denim pants. Tinantsya ko kung kasya kay Henry, basta yun na yung name niya. Ok pwede nato. Bumaba na ulit ako at hinagis yung damit sa kanya.

''Isuot mo.''

Sinapo niya yung damit at tinignan muna niya yun, mukhang nagdalawang isip pa siya.

''San ako magbibihis?'' Tanong niya.

''Sa gitna ng daan try mo!'' Pilosopong sabi ko.

''Ba't ba napaka pilosopo mo?'' Asar na tanong niya. As in asar na asar na talaga siya. Hahaha, kanina 'ko pa kasi pinipilosopo 'to eh.

''Eh kasi gamitin mo yang common sense mo! Adi malamang sa kwarto!''

''Di sana sinabi mo nalang na sa kwarto.'' Asar na  bulong niya, narinig ko din. Pumunta siya sa kwarto at inintay ko siyang makalabas. Mag gagabi na rin pero si Kurt na ang bahalang magluto.

Maya maya lumabas na din siya. Napatulala ako ng makita siya. Hindi ko ine-expect na babagay sa kanya yung binigay kong damit. Parang na highlight pa yung balat niya saka yung buhok niya. Pero napansin ko talaga yung eyes niya, kulay medyo blue. So, oo, mukha siyang tao. I mean, gwapo siya.

''Oh ano, ayus na ba?'' Bigla akong natauhan sa tanong niya.

''Oo, ano bukas nalang? Kakain na ako.''

''Oh sige, basta babalik ka ha? Kung hindi ako ang pupunta sa bahay niyo!'' Banta pa niya.

''Subukan mo lang.'' Yun lang ang sinabi ko at lumabas na ko.

~~~
   
Naabutan ko si Kurt na nagluluto ng sa kusina. Sinilip ko yung niluluto niya. Chicken adobo tapos may lumpia pa sa isang plato. Napangiti naman ako. Libre ako sa gawain ngayon.

''San ka galing?'' Tanong ni Kurt na parang nagsesermon pa.

 ''May bago tayong boarder, inasikaso ko lang.'' Sagot ko habang kumukuha ng mga eating utensils.

'' Babae? Bata pa? Maganda ba?'' sunod sunod na tanung niya. Haist, itong kapatid ko talaga na to napaka playboy. Kaliwa't kanan ang girlfriend. Isa rin siya sa mga hearthrob sa school nila. Tsk!

''Ikaw na bata ka tigil tigilan mo na nga yang pag ge girlfriend mo ng sabay sabay, pag lang hindi ka nakagraduate malalagot ka saken. Sinasabi 'ko sayo kakarmahin ka sa asawa pagtanda mo baka chaka mapangasawa mo.'' Sermon 'ko sa kanya.

''Ate hindi mangyayari yon, sila pa nga nanliligaw sakin eh 'pano ko makakarma eh puro magaganda at sexy nanliligaw saken?'' Kontra niya.

''Hay ewan 'ko sayo, sige pagnasaan mo 'yong boarder naten, lalaki yon.'' Nagpunta na ko sa dining room at nag hain na. Ini-prepare na din ni Kurt yung niluto niya at kumain na rin kami.
~~~~
Nagtataka lang ako kung bakit ganun ako ka-confident tulungan si Henry. Bakit ko nga ba siya tinulungan? Ah, ou nga pala, dahil naawa ako sa kanya. Naisip ko naman kasi na kung ako man yong nagka amnesia, mahihirapan talaga ko. pero may something eh. Parang may nagtutulak sakin kanina natulungan ko siya. Parang may bumubulong sakin. At feeling ko ang bilis kong nagtiwala sa kanya. Ang gulo naman.

Pero nagdududa na ko sa kanya eh. May sinabi siya kanina, yung panu daw kung napunta ko sa ibang mundo tapos hindi alam ang gagawin ko, sa totoo lang, mukha nga siyang nanggaling sa ibang mundo. Pumasok din sa utak ko na parang nanggaling siya sa fairytale. Kasi dun sa hitsura niya, napansin ko din yung suot niya, alam ko na genuine yung mga parts ng suot niya. Hindi gaya ng mga nire-rent na may plastic made na mga parte. Gawa sa metal yung armband niya, pati yung fitted boots, at meron din na mga weird carvings don. Parang mga swirl swirl. Yung cape niya, napansin ko din na genuine silk yon. At ang pumasok sa isip ko, yelo. Pero siguro epekto lang yun ng pag iimagine ko na siya si Jack Frost na nagtatagalog.

About dun sa gold, hindi na uso yon kung mayaman siya. Maniniwala pa ko kung mga bills ang binigay niya. Pero gold bar? Parang sinauna eh.

Pero pinaka naguguluhan ako ay napaka gaan ng loob 'ko sa kanya. Yung feeling na pwede 'ko siyang pagkatiwalaan. At yung feeling na ligtas ako pag kasama 'ko siya. Yun siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit 'ko siya tinulungan, dahil confident ako sa kanya.

Haay tama na nga yan. Nag ra-rumble rumble na yung utak 'ko. After all, masyado akong napagod ngayon, maybe it's just my imagination…

Ate, gising...'' may yumuyugyog sa likuran 'ko. In-ignore 'ko lang.

''Ate! Gumising ka na! May naghahanap sayo.'' Antok pa 'ko.

''I want to sleep…'' mahinang sabi 'ko.

''May bisita ka…nasa baba''
Anu daw? May bis---. May bisita? Waah! Napabalikwas ako ng bangon.

''Sinong bisita ko?'' Natatarantang tanong ko at hinarap ko si Kurt sabay alis ng kumot.

 ''Ewan, lalaki eh, mukhang foreigner. Kulay white yung buhok tapos blue yung mata. Jack Frost ang dating. Hahaha. Kanina pa yun naghihintay...''
   

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Where stories live. Discover now