21.3 - Her Rage (Part 3)

2K 30 2
                                    

Pagkatapos niyon, pumasok kami sa loob upang magbihis. Siya lang ang nagbihis. Hindi na ako nagpalit. Nang makita niya akong ganoon, binigyan na lang niya ako ng coat upang siguro'y hindi ako lamigin sa suot ko.

"Salamat," sambit ko nang isuot niya sa akin iyon. "Ngayong alam mo nang isang alter ego lang si Maria. Anong balak mo?"

"Handa akong kuhain ang puso ng totoong may-ari ng katawan. Alam kong ikaw din iyon, Alena. Alam kong iisa lang ang taong nakasama ko. Siguro magkaiba lang kayo ng katauhan. Gayunpaman, naniniwala pa rin ako na may dahilan kung bakit pinatagpo tayong tatlo. Ito na nga siguro iyon."

"May boyfriend na ako," tugon ko.

Nanlaki ang mata niya. Napatingin siya sa baba. Bumaliktad ang kaninang ngiti sa labi niya. "Kung gayon, talo pala ako. Iyong totoong may-ari kasi ng katawan ang nagmamahal sa kaniya."

"Iisa lang ang pwede naming piliin ni Maria para hindi na kami mag-away. At, gusto ko sanang kumbinsihin mo siyang piliin iyong taong gusto ko."

"Desperado na akong tanungin ito sa'yo. Pasensya na. Pero, hindi mo ba ako nagustuhan...kahit kaunti lang? Isa kang Domme at isa akong Sub. Perfect match tayo. May dahilan ang lahat ng bagay." Umusog siya papalapit sa akin. "Huwag mong piliin kung ano ang tamang desisyon dahil sa tingin mo iyon ang tama. Minsan ang maling desisyon ang magdadala sa atin sa tamang daan. Piliin mo kung ano talaga ang gusto mo. At, makakaasa ka na irerespeto ko iyon."

"Ayaw kong masaktan si Chase. Ibinigay niya sa akin iyong pagmamahal na nagpuno sa akin."

"Sa tingin mo ba, hindi iyon ang ginawa ko kay Maria? Pinuno ko siya tulad ng pagpuno niya sa akin."

Tumayo na ako. "Huwag mong guluhin ang isip ko. Pakiusap. Iyon ang kailangan kong gawin. Iyon ang makakabuti para sa aming dalawa."

"Paano mo nasabi na iyon ang—"

"Dahil alam ko lang!" pagputol ko sa sasabihin niya.

Umakyat ako sa taas upang kuhain ang mga gamit ko. Bumaba rin ako agad na dala na ang mga ito.

"Aalis na ako," pagpapaalam ko.

"Ihahatid na kita."

"Huwag na."

Kinuha niya ang gamit ko at dumiretso siya sa kotse niya. Sumunod na lang ako sa kaniya. Hindi ko na siya pinigilan. Inihatid niya ako.

"Dito pala talaga siya nakatira," ani Duke pagdating namin sa tapat ng tinitirhan ko.

"Bakit, saan mo ba siya inihahatid?"

"Doon sa kanto lang na nilagpasan natin."

Kinuha ko na ang mga gamit ko sa kotse niya at ibinaba ang mga iyon. Ilang sandali lang ay bumaba rin siya para tulungan ako.

Papasok na ako nang bigla niya akong tawagin.

"Alena, sandali." Humarap ako sa kaniya. "Gusto ko lang malaman mo na hindi pa rin kita sinusukuan. Handa kitang ipaglaban para kay Maria."

Niyakap niya ako. Biglang may humila sa kaniya at agad siyang sinapak.

Napaupo sa sahig si Duke sa lakas ng suntok sa kaniya.

“Layuan mo siya! “ sigaw ni Chase sa kaniya.

“Tama na yan!” sigaw ko sabay takbo para pumagitan sa kanilang dalawa.

Bumangon si Duke. “Hindi mo siya pag-aari ng buo. Tandaan mo. Si Alena lang ang sa’yo. Akin si Maria. Kaya kahit anong gawin mo, hindi mo siya pwedeng angkinin.”

“Okay ka lang ba?” mataas na tonong tugon ni Chase sa kaniya. “Ang sinasabi mong pag-aari mo ay isang kathang-isip lang! Wala kang tunay na pag-aari!”

“Pero si Maria ay parte ni Alena. Kaya nga nag-aagawan sila sa katawan nito dahil hindi sila buo.” Hinawakan ako ni Duke sa balikat. “Ang bawat isa sa kanila ay parte ng bawat isa kaya huwag mong tatawaging kathang-isip lang si Maria!”

“Bitawan mo siya!” Marahas niyang inalis ang paghawak ni Duke sa akin.

“Kahit anong gawin mo, sa ‘kin pa rin siya mapupunta. Dahil ang kabuuan nila ay si Alena at ako ang mahal niya.”

“Bakit natanong mo na ba siya kung ikaw pa rin ang mahal niya?”

Napatingin sa akin si Chase. Tila isang mabigat na bato ang bigla na lang ipinasa sa akin ni Duke na kapag binitiwan ko’y isa sa kanila ang madadaganan.

Nakatingin pa rin sa akin si Chase. Napatanong ako sa sarili ko. Ano na nga ba talaga? Naguguluhan na nga ba talaga ako? Hindi maari. Nakatingin siya at nag-aantay ng sagot. Kailangan ko nang magsalita.

“Mahal kita, Chase.”

“Pero mahal mo na rin siya? Tama ba?”

Napatingin ako kay Duke. Wala ang gusto kong isagot. Pero bakit hindi ko maiusal ang salitang iyon. Kinukumbinsi ko nga lang ba ang sarili kong hindi ko siya gusto kahit may nararamdaman na talaga ko sa kaniya. Napakuyom ng kamao si Chase. Nanlilisik ang mga tingin kay Duke. Nararamdaman kong balak niyang magpakawala ulit ng suntok kaya humarang na ako sa harap niya at hinawakan siya sa magkabilang braso.

"Huwag!" Nang ibinaba na ni Chase ang kamay niya, nilingon ko si Duke. "Please, umalis ka muna para wala nang gulo."

Tumingin muna siya direkta sa mata ko bago naglakad palayo. Bakas sa mukha niya ang pagkabigo na nararamdaman.

“Chase, pwede ba tayong pumasok sa loob para makapag-usap?”

Sumunod naman siya. Agad siyang nagtanong pagpasok namin sa loob.

“Bakit hindi mo masagot iyong tanong ko kanina?”

“Chase...” Biglang sumikip ang dibdib ko.

“Oo at hindi lang isasagot mo. Siguro naman deserve ko ng honest na sagot. Nagugustuhan mo na rin ba siya?”

Hindi ako sumagot.

"Alena, ano! Sagutin mo ako!"

“Oo!” Parehas kaming natigilan. Humahangos ako. “Oo, gusto ko na siya, Chase. Gusto siya ni Maria kaya naisip ko na siguro ito na ang makakabuti para sa aming dalawa.”

“Pero handa naman akong kunin ang loob ni Maria.”

“Hindi mo alam kung gaano niya kagusto si Duke. Kaya niyang angkinin ang katawan ko para sa kaniya.”

“Ano bang problema sa ‘kin? Ano bang nagawa ko para saktan mo ko ng ganito? Ano bang nagustuhan mo sa kaniya? Dahil ba submissive siya? Kaya ko rin naman maging submissive. Kaya kong maging kahit ano para sa’yo.”

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napahakbang ako paatras hanggang sa dingding na ang maatrasan ko. Lumapit siya sa akin ng sobrang lapit. Dahan-dahan niya akong ikinulong sa kaniyang mga bisig.

“Hindi mo kailangang gawin ito.” Hinalikan niya ko sa leeg. “Ano ba, Chase!”

Itinulak ko siya.

“Hindi ba ito ang gusto mo? Unang kita mo pa nga lang sa ‘kin gusto mo na akong tikman at paglaruan, hindi ba? Ngayon, tikman mo ako ulit. Pagsawaan mo ako. Hindi ako papalag. Baka sakaling magustuhan mo ako ulit.”

Ibinuka niya ang mga kamay niya na animo’y pakpak ang mga iyon.

“Chase, hindi mo kailangang gawin ito.”

Bigla niyang ikinulong ang mga kamay ko sa mga mapagnasa niyang kamay. Marahas niya akong hinalikan sa leeg. Pababa sa dibdib ko. Pinunit niya ang damit ko. Unti-unting nagdidilim ang paligid. At nang muling humarap sa akin ang lalaking humahalik sa dibdib ko’y mukha na ng tatay ko ang nakita ko. Napasigaw ako ngunit marahas niya akong hinalikan upang patahimikin ako. Sinubukan kong kumawala ngunit mas malakas siya.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon