14.3 - Her Dominance (Part 3)

3K 27 0
                                    

Medyo natagalan bago nakain ng buo ng aking bukana ang kaniyang ari na parang gusali sa haba at tigas. Isang malakas at mahabang ungol ang pinakawalan ko nang sandaling magkakonekta na ng tuluyan ang aming mga ari-arian.

Nagtaas-baba ako na parang nakasakay sa isang tumatakbong kabayo. Napahawak ako sa matipuno niyang dibdib at nilaro-laro ko ang kaniyang utong. Dumapa ako sa kaniya at ang malulusog kong dibdib ay sumandal sa matipuno niyang dibdib. Hinalikan ko siya sa leeg habang siya na ang tumitirada sa aking hiyas.

Bumaba ako sa paghalik mula sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang dibdib. Muli kong sinipsip ang kaniyang utong. Napapaungol siya nu'n at mas lalong bumilis ang paglabas-pasok niya sa aking hiyas. Parang musika sa tainga ang pagkalansing ng mga posas dahil sa limitado niyang galaw na pinipilit niyang palakihin.

Nakapatong ang mga kamay ko sa kaniyang matigas na kalamnan at ginamit iyon para muli akong bumalik sa nakaupong posisyon.

"Ayan na. Lalabas na!" sigaw niya sabay ungol ng malakas.

Mas binilisan ko ang pagtaas-baba ko sa kaniya na parang kaunti na lang ay mauunahan na ako ng kalaban ko sa isang karera. Mas lumakas pa ang kalansing ng mga posas bukod pa iyon sa mas malakas na tunog ng parang pumapalakpak galing sa aming mga ari.

Maya-maya lamang, tumigil na si Duke. Parang isang bulaklak na biglang nalanta. Nanghihina at hingal na hingal.

Pumikit ako para mas pakiramdaman ang kaniyang pagkalalaki. Ayaw ko pa kasi itong hugutin mula sa loob ko. Nahiga ako sa dibdib niya habang magkakonekta pa rin ang aming mga ari.

Ngayon ko lang naranasan na parang talagang buhay ako. Ngayong gabi lang. Pero hindi ko hahayaan na hanggang ngayong gabi lang iyon. Gusto ko pa. Gusto ko pang mas tumagal dito. Naniniwala akong kaya ko. Sisiguraduhin kong kaya ko. Hindi ko hahayaang si Alena na lang na naman ang makaranas ng mga bagay na ito.

Nang magising ako, kinapa ko si Duke sa tabi ko pero wala akong katawan na nahakawan. Tanging sapin lang at kumot. Napabangon ako.

Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto. Pumasok si Duke na may dalang almusal. Wala siyang suot na shirt. Naka-boxer lang siya. Ako naman nakabihis na ng suot ko kagabi papunta rito. Pero hindi ko naalalang isinuot ko ito pabalik. Siguro siya ang nagsuot nito sa akin.

“Good morning,” nakangiti niyang bati.

“Good morning.”

Ipinatong niya ang tray sa harap naming dalawa bago naupo sa kama.

"How are you feeling?" tanong niya.

"Never been this great."

Hinawi niya ang buhok ko. "Una pa lang iyan. May mas magaganda at masasarap na bagay ka pang mararanasan dahil sa akin."

Ngumiti ako nang nakatutok ang mata ko sa sahig. May kaunting hiya rin kasi kapag naalala ko.

Pinagsaluhan namin ang dala niyang pagkain.

“Magbihis ka pagkatapos. Pupunta tayo kay Dad. Ipapakilala na kita sa kaniya.”

“Talaga? Sige. Mamaya uuwi ako para magpalit.”

“Hindi na kailangan.”

Kumunot ang noo ko. “Huh? Pero kagabi ko pa ito suot.”

Ngumiti siya at tumingin sa gilid. Nang tumingin ako sa kung saan siya nakatingin, mayroong puting cocktail dress ang nakasabit sa bukasan ng aparador niya. Tumayo ako upang lapitan ito. Hinawakan ko ang damit. Maganda ang tela. Madulas. Maging ang itsura nito ay magara.

“Magustuhan kaya ako ng Dad mo kapag suot ko na ‘to?”

Tumayo siya at yumakap sa likod ko. “Kung ako nga nagustuhan kita ng walang suot. Si Dad pa kaya na makikita ka na ganiyan kaganda ang suot.”

Hinampas ko siya ng mahina. “Pilyo ka talaga.”

“Siya nga pala, may gusto akong malaman. Wala kasi akong nakitang marka ng dugo kagabi. Ibig sabihin ba nu'n, hindi ka na virgin? Pero, ayos lang sa akin kung hindi. Gusto ko lang na maging honest ka.”

Napangiti ako. “Virgin pa ako. Si Alena ‘yong hindi na virgin.”

Nagsalubong ang kilay niya. “Alena? Sinong Alena?”

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kong nadulas ako.

“Alena. Si Magdalena. Iyong tao sa bible na alam mo na. Hindi mo ba 'yon kilala?” palusot ko. Bahagyang pinagpapawisan.

“Ah, si Maria Magdalena. O siya, maligo ka na para maisuot mo na iyan.”

Sinunod ko siya. Nagsimula akong mag-ayos pagkatapos maligo. Naligo na rin siya. Nang matapos akong mag-ayos, nanatili akong nakaupo sa harap ng salamin.

Nakita kong pumasok si Duke dahil sa repleksyon niya sa salamin. Kakatapos niya lang maligo. Nakahanda na rin ang isusuot niya kaya naman nagbihis na rin siya. Nang matapos ay tiningnan ko ang ayos niya.

Naka black suit at pants siya na may pulang kurbata. Puti naman ang pang-loob niya. Humarap ako sa kaniya at napatitig sa animo’y isang artista na dumating. Napakagwapo at napakalinis niyang tingnan sa suot niya. Tumayo ako upang ayusin ang kurbata niya. Pero sa totoo lang, gusto ko lang talaga siyang lapitan upang maamoy ko siya. Napakabango niya. Parang ibinabad sa mahalimuyak na tsaa. Bumagay sa damit na suot niya.

Bigla siyang may iniabot na maliit na kahon.

“Ano ito?” tanong ko.

“Isang bagay na ibinibigay sa mga taong ispesyal. Buksan mo na.”

Ngumiti ako sa kaniya bago ko ito binuksan. Isang gintong kwintas. Mas lumapad ang mga ngiti ko nang makita ko iyon.

“Duke, ang ganda.”

“Mas maganda iyan kapag suot mo na.” Kinuha niya iyong necklace mula sa kahon at pumwesto sa likod ko upang isuot niya ito sa akin. “Bagay na bagay.”

"Salamat, Duke."

"Shall we go now, my queen?"

Tumango ako sa kaniya. Inialok niya akong kumapit sa braso niya. Nang kumapit ako, nagsimula na kaming maglakad palabas ng unit niya. Sumakay kami ng elebeytor pababa ng parking lot bago sumakay ng kotse niya.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon