5 - Her Desperation

4K 26 0
                                    

ALENA's POV


Napabangon ako na parang gustong tumakas ng hininga ko at hinihila ko sila pabalik. Para akong nagising mula sa isang masamang panaginip ngunit hindi ko alam kung ano ang masamang panaginip na iyon o kung nanaginip nga ba talaga ako.

Agad kong napansin ang shopping bag sa gilid ng kama ko. Tumayo ako para tingnan ang laman nito. Puting dress na may mantsa ang laman. Hindi ko agad nakilala ang dress pero akin ito.

"Bakit nandito ito? Sinong gumalaw nito?"

Humarap ako sa salamin. Nakita ko ang sarili ko na nakatali ang buhok. Walang make-up at nakasuot ako ng puting dress na hindi ko kilala at hindi ko na tipo suotin. Matagal na rin na hindi ako nagsuot ng ganoon.

"Saan ito galing at bakit suot ko? May nagpalit ba ng damit ko?"

Wala akong matandaan. Siguro nagpakalasing na naman ako kagabi. Ganito naman palagi ang nangyayari sa akin tuwing malalasing ako. Halos wala akong matandaan sa mga nangyari. At isa pa, masakit din ang ulo ko.

Hindi ko na gaanong inalintana ang nangyari at pumasok na lang ako sa trabaho. Mas nangibabaw kasi ang pagkasabik ko kay Chase. Medyo inagahan kong umalis ng bahay para sa kaniya. Pero pagdating ko sa opisina, wala siya. Hinintay ko siya pero hindi siya pumasok.

Ipinagtanong ko siya sa manager namin. Nagpaalam raw na hindi papasok kasi masama ang pakiramdam. Pero pakiramdam ko, hindi iyon ang totoong dahilan. Siguro’y iniiwasan na rin niya ako tulad ng ginawa sa akin ng mga lalaking nakalaro ko dati. Ayaw na niyang gawin namin iyong ginagawa namin. Pero hindi iyon pwedeng mangyari. Siya na lang ang mayroon ako. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi siya tuluyang mawala sa akin.

Nagpaalam ako kay boss na biglang sumama ang pakiramdam ko. Pumayag naman siya na maghalf-day na lang ako. Agad akong umuwi ng bahay. Hinanap ko ang iba ko pang laruan para sa gagawin ko kay Chase mamaya. Inilagay ko ang mga iyon sa isang malaking itim na handbag. Nagpalit din ako ng damit na sigurado akong hindi niya ako matatanggihan. Isang sexy outfit na gawa sa leather. May butas ito sa pagitan ng dibdib ko at sa magkabila kong beywang. Paikot lang sa leeg ang upper part nito at ang pribadong parte lang ang natatakpan sa bandang ibaba. Hinablot ko muna sa wardrobe ko ang mahaba kong coat para hindi naman ako agaw atensyon paglabas ko. Saka ko na sosorpresahin si Chase sa suot ko kapag nakarating na ako sa kanila.

Lumabas ako ng bahay at ginamit ang isa kong kamay para pumara ng taxi. Ang isa kong kamay kasi ay may bitbit na bag. Sumakay ako at pinatigil ko iyon sa tapat ng bahay nina Chase. Malayo pa lang ay nararamdaman ko na ang mga paru-paro sa kalamnan ko na pilit kumakawala. Naglakad ako papalapit sa bahay nila.

Nag-doorbell ako. Pagbukas niya, agad ko siyang tinulak papunta sa loob. Natumba siya dahil medyo napalakas ako ng tulak. Nalaglag ang salamin na suot niya.

“Alena, alam kong ikaw ‘yan. Please, itigil na natin ito.”

Isinira ko ang pinto nila sa pamamagitan ng pagsipa rito. Napabungisngis ako. Ibinaba ko ang dala kong bag bago paisa-isang hakbang na umabante papalapit sa kaniya. Kinakapa niya ang salamin niya. At nang sandaling makuha at maisuot niya ito, tinanggal ko ang suot kong coat. Tumambad sa malinaw na niyang paningin ang sexy outfit ko.

“Ayaw mo na ba sa akin, Chase?”

Napanganga at natulala siya bago nakasagot. “Hi-hindi naman sa ganoon.”

“Gusto mo pa ba ako?” Hindi siya sumagot. Ang nagmamakaawa kong labi ay bigla ngumisi. “Okay, silence means yes.”

Binuhat kong muli ang bag ko at naglakad papalapit sa kaniya. Hinila ko siya mula sa damit papasok sa kuwarto niya.

“Te-teka lang. Teka lang.”

Sinubukan niya pang umapila pero hindi ko na siya pinakinggan.

Tinanggalan ko siya ng damit. Pinatalikod ko siya bago kinuha ang unang laruan na dala ko sa bag ko.

Iginapos ko siya gamit ang lubid na siyang unang laruan na dala ko. Iniharap ko siyang muli sa akin bago itinulak pahiga sa kama niya.

Umupo ako banda sa hita niya. Inilapag ko sa gilid niya ang bag ko. Kinuha ko ang sunod na laruan na dala ko—ang ball gag.

“Alena, please, itigil na natin ito,” aniya.

“Shut up.”

Isinuot ko sa ulo niya ang tali bago ipinasak sa bibig niya ang maliit na bola. Nag-iingay pa rin siya pero wala nang malinaw na salita mula sa sinasabi niya.

Sunod na kinuha ko ang pangatlong laruan.

“Ang tawag dito ay nipple clam. Alam mo ba kung saan ito ginagamit?”

Pinilit niyang magsalita pero wala na talaga akong naintindihan sa kahit anong sinasabi niya. Sa tingin ko, ayaw niyang gamitin ko iyon sa kaniya. Iyon kasi ang sinasabi ng itsura niya at ang paggalaw ng katawan niya na gustong kumawala. Diniinan ko ang pag-upo sa ibabaw niya.

Dalawa ang nipple clam na dala ko. Una kong ikinabit ang isa. Pero isa pa lamang ang nakakabit ay todo atungol na siya. Hindi niya mailabas ang nararamdaman niya ng maigi dahil sa nakapasak sa bibig niya.

Nang ikabit ko ang pangalawa, tatay ko na ang nakita kong naluluha sa sakit. Muli akong napabungisngis.

“Anong pakiramdam nang sumisigaw sa sakit pero walang makarinig?” Hinawakan ko siya sa panga. “Hindi ba’t iyan din ang ginawa mo sa akin noon?”

Diniinan ko ang isang clam. Mas lalo siyang umatungol sa sakit.

“Pero nagbingi-bingihan ka! Kaya iyon din ang gagawin ko sa’yo!”

Muli kong diniinan ang isa pang clam habang nanlalaki ang mata ko na parang platito.

Pagtingin ko sa tatay ko. May tumulong luha na sa mata niya. At sa pagkurap ko, si Chase na muli ang nakita ko.

Nagpatuloy sa pagpatak ang luha sa mata niya. Mali ang ginawa ko sa kaniya. Hindi ko na dapat siya dinamay rito. Nanginginig ang mga kamay ko. Umalis ako sa ibabaw niya. Nakayukong dahan-dahan na umaatras.

Biglang sumakit ang ulo ko. Sobrang sakit. Para itong binibiyak sa gitna.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon