1.4 - Her Secret (Part 4)

7.1K 54 0
                                    

Tatlong taon na ang nakalipas nang makilala ko si Jeremy sa isang event ng mga bayaning puyat tulad naming dalawa. Magkaiba man ng kumpaniya pero mabilis pa rin na nagkapalagayan ng loob.

"Jeremy nga pala. Single. Kulot pero hindi salot," aniya.

"Hala ang cute ng hair. Parang poodle."

"Sa aso talaga ako kinumpara?"

At wala na akong naisagot sa kaniya nu'n kundi tawa.

Siya lang ang kaisa-isahang tao na hindi ako tinanong kung bakit ko gusto ang BDSM at kung bakit ko iyon ginagawa. Hinahayaan niya lang akong gawin ang gusto ko. Naiintindihan niya ako.

Pero isang araw, nanlumo na lang ang buo kong pagkatao nang makita ang pangalan niya sa mga namatay sa bumagsak na eroplano. Binisita niya lang nu'n ang mga magulang niya sa Davao. Kung alam ko lang, hindi ko na sana siya pinayagan.

Simula nu'n, naging isang malungkot na musika na ang buhay ko. Walang ibang ginawa na kung hindi ako paiyakin ay ipapaalala naman sa akin ang mga alaala na hindi ko na pwedeng ibalik.

Kasalanan iyon ng kama na ito. Gayunpaman, hindi ko ito papalitan. Ito na lang ang alaala ko sa kaniya. Hahayaan kong ipaalala pa rin siya sa akin ng kama na ito kahit masakit dahil ayaw ko rin siyang makalimutan na lang basta.

Napagod siguro ako dahil napahaba ang tulog ko. Alas-singko na ng hapon ako nagising. Madalas alas kwatro pa lang ay dilat na ang mga mata ko. Nagluto ako ng makakain at inihanda ko iyon sa mesa sa may kusina. Habang kumakain, nakatanggap ako ng tawag mula sa manager namin.

"Yes, boss?" bungad ko nang sagutin ang tawag. Ngumunguya pa ako.

"Mayroon akong bagong tao na ipapasok sa team mo. Pumasok ka ng maaga para ma-orient mo siya."

Nilunok ko ang kinakain ko sabay sabing, "Copy, sir."

Nagmadali na akong kumain at mabilis na naligo. Hindi ko naitanong kung lalaki iyong bago pero malakas ang kutob ko. Kailangan nakaayos ako. Kailangan maakit ko siya dahil siya ang magiging bago kong biktima. Sana this time kumagat naman ang bago. Si Mike na ata ang huling bago na hindi pumalag sa akin pero ayaw na niya ulitin.

Alas-diyes pa ang simula ng shift ko pero alas-otso pa lang ay nakarating na ako sa opisina. Pagdating ko, agad kong hinanap ang manager namin. Sumilip ako sa opisina niya. Mayroon kasing parte roon na hindi tinted sa bandang gitna. Nakita kong may kausap siyang lalaki na nakatalikod sa side ko. Nakahawak sa makapal niyang balbas ang chinese naming manager habang kausap ang lalaki. Hindi ako nagkamali. Mukhang magiging masaya ang gabing ito.

Nag-ipon ako ng maraming hangin bago kumatok at itinulak ang babasaging pinto.

"Boss, good evening." Naupo ako sa bakanteng upuan sa tapat ng lalaking kausap niya. Table naman ang pagitan naming dalawa kay Boss. Tinitigan ko ang lalaki.

Mahaba ang mga hita niya. Sigurado akong matangkad siya kahit nakaupo siya ngayon. Malinis din ang itsura niya. Bagong gupit. Makinis at maputi ang balat. At higit sa lahat, mukha siyang bata pa. May suot din siyang salamin na bumagay sa malaki't bilugan niyang itim na itim na mata.

"Siya nga pala, Alena, this is Chase Aquino. Siya ang bago mong makakasama sa team mo," pagpapakilala ng manager namin sa kaniya.

"Hi I'm Magdalena Salvacion. But I prefer to be called Alena," pagpapakilala ko. Inalok ko siyang makipagkamay.

"Chase." Parang natutulog na mantika ang dugo ko na biglang isinalad nang dumampi ang palad ko sa mainit at malambot niyang kamay. Parang ayaw ko nang alisin ang kamay ko sa pagkakapit niya.

Pero sa tingin ko, mas masarap pa rin hawakan ang mga kamay na ito kung ito'y naka-kadena na.

"O sige, ikaw na ang bahala sa kaniya," sabi ni boss.

Tumayo ako. "Shall we? Ipapakita ko na sa'yo ang production floor natin at magiging production floor mo na rin simula ngayon."

Tumango siya at pinagbuksan na rin ako ng pinto. Tipid na ngiti lang muna ang ibinigay ko para hindi ako mahalata sa maitim kong balak.

Nagsimula akong maglakad papunta sa elevator. Nakasunod lang siya sa likod ko. Sakto naman na agad nagbukas sa amin ang elevator kaya agad kaming nakasakay. Mas mababa kasi ng isang floor ang opisina ng mga executives at nasa taas na ang mga production floors.

Pagtayo ni Chase sa tabi ko sa elevator, nang sandaling sumara ang pinto nito habang nasa loob kami, nag-iinit na ang katawan ko na parang isang baga na pinapaypayan upang maluto ang isang putahe. At ang putahe ay walang iba kundi-siya.

Pagdating namin sa production floor, wala pang monitor na nakabukas at wala pang kahit isa na umuukupa ng upuan. Solong-solo pa namin ni Chase ang lugar na ito.

Hindi ko mapigilan ang ngiti na gustong kumawala sa labi ko. Mabuti na lang at nasa likod ko siya.

Dumiretso ako ng stock room. Binuksan ko ang ilaw na aandap-andap at naghanap ng lubid.

"Chase, patulong naman dito," ani ko.

Agad ko namang narinig ang mga sapatos niyang yumabag mula sa labas ng stock room papalapit sa kinatatayuan ko. Agad kong ini-lock ang pinto nang makapasok siya. Hindi ko na maitago sa kaniya ang mga ngiti na iyon. Mabilis kong hinila pataas ang T-shirt na suot niya mula sa laylayan nito.

"Sandali. Anong gagawin mo?" nag-aalala niyang tanong. Naintindihan ko ang sinabi niya kahit pa nakabalot na sa mukha niya ang T-shirt na suot niya. At nang tuluyan kong matanggal ang pang-itaas niya, napansin ko na tila dumoble ang laki ng bilugan niyang mga mata.

"Relax ka lang. Matutuwa ka sa gagawin ko."

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon