10.1 - His Surprise (Part 1)

2.7K 31 0
                                    

MARIA's POV


Ang larawan ng tunay at masayang pamilya ay binubuo ng maalalahaning ama, maasikasong ina at mabuting anak. Iyon ang nakikita ko ngayon habang pinagsasaluhan namin ang mga pagkain sa hapag. Nagtatawanan. Nang biglang isang malakas na iyak na naman ang narinig ko.

Tumayo ako upang sumilip sa bintana. Sigurado akong galing na naman iyon doon. Matatanaw kasi sa kalayuan mula sa aming bahay ay isa ring bahay na kamukha ng konstruksyon ng aming bahay. Pareho man ang itsura at parehong damuhan ang paligid, iba naman ang aura na ibinibigay ng bahay na iyon. Kung dito ay maliwanag at palaging umaga, banda roon naman ay walang hangganan ang gabi.

Iyak niya iyon. Nasa loob na naman siya ng bahay na iyon. Muli na naman siyang nagpatalo sa nakaraan niya. Napakahina talaga niya. Walang duda na ganoon ka-miserable ang naging buhay niya. Oras na para ako naman ang lumabas at muling sumalo sa kahinaan niya.

Lumabas ako ng bahay. Pumikit ako nang nakaharap sa bahay na iyon at unti-unting inihiga ang sarili ko sa damuhan. Pagdilat ko, tumambad sa akin ay ang puting kisame na ng kwarto ni Alena. Bumangon ako. Hindi na ako sa damuhan nakahiga kundi sa kama na ni Alena. Agad kong kinuha ang telepono na nakapatong sa maliit na mesa sa tabi ng kama ko. T-in-ext ko si Duke.

To: Duke
Pwede ba tayong magkita ngayon?

Mabilis naman siyang sumagot.

From: Duke
Pasensya na. Busy kasi ako ngayon. Pero mamayang ala singko, magkita tayo sa harap ng Scent Tavos shop at doon kita susunduin. Magsuot ka ng pormal na damit.

Tumingin ako sa orasan. Alas-tres na ng hapon. Ilang oras na lang ay magkikita na kami.

Naglinis ako ng kuko. Naligo ako nang maigi. Nagkuskos pa ako bago ako namili ng damit na susuotin. Mula sa iilan na damit na mayroon ako, pinili ko iyong pinakamaganda. Isang white fashion lace gown bago ko inayos ang buhok ko gamit ang mga gamit ni Alena. Naisipan ko ring gawin sa buhok ko ang waterfall braid na naituro sa akin ni Mama. Nagsuot rin ako ng ilan sa alahas na mayroon si Alena.

Bago mag alas-singko, t-in-ext ko na siya.

To: Duke
Papunta na ako.

Nag-reply naman siya agad.

From: Duke
Papunta na rin ako.

Kumuha ako ng taksi. At nang makasakay, pinadiretso ko ito sa mall kung saan kami dati nagkita ni Duke. Nasa labaas lang ng mall ang Scent Tavos shop kaya hindi ako nahirapang hanapin iyon. Patawid na sana ako papalapit doon nang may isang kotse na biglang tumigil sa harap ko. Bumukas ang bintana ng kotse at tumambad ang gwapong mukha ni Duke. Naka-taksedo siya at may pulang necktie na halos sinasakal na ang leeg niya sa higpit ng pagkakatali.

“Sakay na,” aniya. Binuksan niya ang pinto sa kabilang gilid kaya pumunta ako roon upang makasakay.

Nang makarating kami sa pupuntahan namin, inalalayan niya ako pababa ng kotse niya.

Inalok niya ang braso niya para kapitan ko. “Kailangan mong pumikit. Huwag kang mag-alala. Hangga’t nakakapit ka sa braso ko, you'll be safe.”

Inalog ko ang ulo ko pataas-baba bago pumikit. May tiwala naman ako sa kaniya kaya sinunod ko ang gusto niya.

Nagsimula kaming maglakad. Naramdaman kong pumasok kami sa loob ng kung ano. Parang kulob na lugar dahil biglang nag-eecho na ang boses namin.

“Huwag kang mandadaya,. Pikit ka lang dahil kung hindi'y masisira ‘yong surprise.”

“Para saan ba talaga ito?”

“Basta. Magugustuhan mo ito.”

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Todo alalay naman siya sa akin kaya hinayaan ko na lang siya. Baka naman maganda talaga ang sorpresa niya o pinaghandaan niya ng sobra.

“Pwede ka nang dumilat,” saad niya.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

“Pating!” bulalas ko.

Napaatras ako nang tumambad sa paningin ko ay isang dumaan na pating sa ibabaw namin. Tatakbo sana ako pero pinigilan ako ni Duke. Nang huminahon ako, napagtanto ko na nasa isang underwater restaurant lang pala kami. Umikot ako. Napapaligiran ng makapal na salamin ang mga gilid bilang mga dingding na rin. Sa likod naman ng mga salamin na ito, makikita ang iba’t-ibang uri ng mga hayop sa tubig.

Napatakip ako ng bibig. Hindi ko inaasahang sa ganito kagandang lugar niya ako dadalhin.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon