1.5 - Her Secret (Part 5)

6.2K 55 0
                                    

Pinaupo ko siya sa nag-iisang upuan sa loob ng kwarto na iyon. Pumwesto ako sa likod niya at kinuha ang mga kamay niya para igapos.

"Pero, hindi pwede—" Binawi niya pa ang mga kamay niya nang maramdamang pinaiikot ko na roon ang kinuha kong tali.

Hinalikan ko siya sa pisngi. "Hindi ba ang sabi ko'y relax ka lang?"

Marahan kong kinuha muli ang parehong kamay niya at hindi na siya pumalag sa pangalawang pagkakataon na iginapos ko siya. Hinigpitan ko para talagang hindi siya makatakas.

“Alam mo ba ‘yong roleplay?” bulong ko malapit na malapit sa tainga niya.

Nanginginig siya. Sinagot niya ako sa pamamagitan ng pagtango.

"Relax ka lang." Hinaplos ko siya sa balikat niya. “Pwede bang ako ‘yong Dominant tapos ikaw ‘yong submissive ko?”

“Sige lang.” Malalim ang paghinga niya. Nauutal pa siya.

Pinatayo ko siya upang maisukbit ko sa mataas na kalawit ang tali ng nakagapos niyang kamay. Nakaharap siya sa may dingding.

Niyakap ko siya mula sa likod. Pinaggapang ko ang mga kamay ko mula sa tiyan niyang medyo malabot pababa sa butones ng slacks niya. Hindi ko hinayaang naka-lock ang butones na iyon. Isinabay ko na rin ang pagbaba ng zipper niya.

Naka-sinturon pa siya kaya hindi pa bumababa ang slacks niya. At tulad ng butones ng pantalon niya, hindi ko rin hinayaang naka-lock iyon sa beywang niya. At nang hugutin ko iyon, bumaba na parang walang kontrol na elevator ang slacks niya sa kaniyang paanan. Tanging boxer shorts na lang ang naiwan na suot niya.

“Masyadong matigas ang ulo mo! Hindi ka marunong makinig!” sigaw ko.

Ginamit ko ang sinturon niya para hampasin siya ng malakas sa puwit. Isang pigil na sigaw ang hindi niya hinayaang makawala sa bibig niya. Ayaw ko sa mahinang sigaw. Parang hindi ramdam. Gusto ko iyong malakas. Iyong pati kaluluwa niya ay ramdam ang gagawin kong paghambalos sa kaniya.

Matagal ko rin itong hindi nagawa. Nanginginig ang mga kamay ko. Gayunpaman, malapad naman ang mga ngiti sa labi ko at nag-uumapaw sa pagnanasang ito ang mga tingin ko.

"Matagal ko rin itong hinintay na magawa ulit," sabi ko.

Pumikit ako at sa muli kong pagdilat ay ang sunod na nakita kong nakatali ay hindi na si Chase. Kundi, isang lalaki na mas mababa ang height kumpara sa kaniya at mas malaman ang pangangatawan. Lumingon siya sa akin at ang mukha ng tatay ko na ang nakita ko. Ang mukha niyang palaging seryoso at matapang ang hilatsa. Parang palaging may kaaway.

Napaatras pa ako pero hinigpitan ko ang hawak ko sa sinturon.

Inihampas ko sa dingding ang sinturon na ang tunog ay hindi lang umalingawngaw sa kwarto na iyon kundi nagpagitla rin sa kaniya. Kitang-kita ko kung paano mabilis na bahagyang umangat ang balikat niya dahil doon.

"Hindi mo na ako makokontrol ngayon! Humanda ka sa gagawin ko sa'yo!"

Buong lakas kong inihampas ang sinturon na iyon sa likod niya.

"Malaki na ako, Papa! Matanda na ako. Hindi mo na pwedeng gawin ang mga ginawa mo sa akin dati. At isa pa, matanda ka na rin kaya wala ka nang laban sa akin!"

Isa pang malakas na hampas ulit sa likod niya ang pinakawalan ko. Nauntog pa siya sa dingding dahil sa hindi inaasahang lebel ng sakit na matatanggap. Humarap siyang muli sa akin at may luha na ang mga mata niya. Wala ng bakas ng tapang at pagiging seryoso ang mukha niya.

“Please. Tama na. Huwag mo na akong paluin, anak. Nakikiusap ako sa'yo,” aniya.

“Anong huwag?” Hinigit ko ang buhok niya at itinapat ang labi ko sa tainga niya. “Bakit noong ako ba nagmakaawa sa’yo, nakinig ka? ‘Di ba hindi? Kaya dapat lang ito sa’yo!”

Marahas kong binitiwan ang pagkakasabunot ko sa kaniya.

Nagpakawala ako ng sunod-sunod na malalakas na hambalos sa puwitan niya. Hindi na niya mapigilan ang hindi mapasigaw sa sakit habang ako nama’y tawa ng tawa dahil sa labis na ginhawa na nararamdaman ko dahil nakikita ko si Papa na nagdurusa. Para siyang isang arcade game na ayaw kong tigilan dahil tuwang-tuwa ako. Kung makinarya nga lang ako o may makinarya na paluin siya sa puwit ng sinturon bente kwarto oras, sigurado akong nabili ko na o naipagawa ko na.

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Sobrang gaan sa pakiramdam. Habang siya, hindi na alam kung paano pa mamamaluktot dahil sa labis na pamimilipit sa sakit lalo na nang patamain ko na namang muli sa likod niya ang sinturon.

"Tama na, please! Itigil mo na ito!" pakiusap niya.

"Hindi ako titigil hangga't may lakas ako, hangga't hindi ako napapagod!"

Ibang saya ang nararamdaman ko dahil nagagawa ko na naman ito. Para akong kinikiliti ng walang tigil dahil sa aking walang kapaguran na pagtawa. Habang siya, parang bulate naman na inaasinan dahil sa bawat latay na pinababakat ko sa balat niya.

“Ito ang nararapat sa mga walang kwentang ama na katulad mo!” Kasabay niyon ay ang isang malakas na hampas ang ipinasalo ko sa likod niya.

“Maawa ka sa akin! Ayaw ko na! Tulong!” saad niya. Isinandal niya ang mukha niya sa dingding at malakas na ang kaniyang paghikbi.

Nang muli siyang humarap sa akin, mukha na ni Chase ang nakita kong nagmamakaawa. May mga luha nang dumadaloy sa pisngi niya. Napansin ko rin ang pantal ang likod niya. Natigilan ako. Dumulas sa kamay ko ang hawak kong sinturon.

Umiling-iling ako. “Pasensya na. Hindi ko sinasadya. Hindi ko ‘to ginusto. Nagkamali ako ng akala. Sana mapatawad mo ako."

Hinaplos ko siya sa braso. Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng awa sa sinapit ni Chase sa mga kamay ko.

"Hindi ko dapat iyon ginawa. Hindi ko dapat iyon ginawa iyon sa'yo."

Pero iyon lang ang paraan. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang ginhawa na naibigay niyon sa akin.

Pero sumobra ata ako. Nanlaki ang mga mata ko nang mas bumakas na ang mga pantal sa likod niya.

"I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadya."

Biglang sumakit ang ulo ko na parang buko na binibiyak. Napaluhod ako sa sahig habang hawak-hawak ang ulo ko. Mas lalo pa itong sumakit kaya naisandal ko na ang ulo ko sa may sahig habang sumisigaw na parang wala ng bukas.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon