12.2 - His Dad (Part 2)

2.4K 22 0
                                    

“Sir, try to smile,” utos ko.

Sinusubukan niya pero hindi nagkaroon ng pataas na korte ang mga labi niya.

“Now, try to raise your both hands.”

Ginawa niya pero agad bumagsak ang nag-iisang kamay na naitaas niya.

“Try to repeat this sentence, the sun shines.”

Sinabi niya pero hindi malinaw. Humarap ako kay Duke.

“Anong findings mo?” tanong niya.

“Face drooping, Arm weakness. Speech Difficulty. It shows the signs and symptoms of a stroke. Kailangan natin agad siyang madala sa hospital.”

“Dali. Buhatin natin!” sigaw ni Duke. Agad namang kumilos ang mga guards na nandoon. Pinagtulungan nilang madala ang Daddy niya hanggang sa parking. Agad siyang isinakay ng kotse niya. Si Duke naman at ako ay sumakay sa kotse niya. Dumiretso kami sa ospital. Agad namang isinugod sa ER ang Daddy niya.

Habang nag-aantay, lakad nang lakad si Duke.

“Duke, maupo ka muna.”

“Hindi ko kasi maiwasang hindi mag-alala.”

Tumayo ako at hinawakan siya sa balikat.

“Believe me, he will be okay.”

“Pero paano kung hindi?”

“If you believe, then he will be.” Nawala ang mga kunot sa mukha niya. “Magtiwala ka lang. Mabilis natin siyang nadala sa ospital. Iyon pa lang ay malaking factor na para sa kaniyang recovery.”

Napaupo ko rin siya.

“Siya na lang kasi ang mayroon ako. Hindi ko kayang pati siya mawala na rin.”

“Ipagdasal natin siya para mabilis siyang gumaling.”

Hinawakan ko ang kamay niya at isinama ko siya papasok sa maliit na chapel ng ospital na iyon. Ilang oras lang rin ang nakalipas ay nakakuha na kami ng balita sa doctor.

“Stable na ang condition niya,” saad ng doktor.

Napatingin si Duke sa akin nang may malapad na ngiti. Niyakap niya ako sa labis na saya dahil sa magandang balita na narinig niya.

“Salamat, Maria,” sambit niya.

“Sabi ko naman sa’yo, magiging maayos ang lahat.”

Kumalas siya sa pagkakayakap at muling humarap sa doktor. “Doc, ibig sabihin, pwede na namin siyang dalawin?”

“Sa ngayon, unconscious pa siya. But, yes. You can visit your father now.”

“Thank you, Doc.” Kinamayan niya ang doktor.

Pumasok kami sa kwarto ng Dad niya. Nilapitan niya ang ama at pinagmasdan habang nagpapahinga pa. Nilingon ako ni Duke.

“Thank you for being there for me,” aniya. “At salamat din dahil pinagaan mo kanina ang loob ko. Salamat din dahil tinulungan mo siya. Kung hindi dahil sa’yo, hindi ko alam kung mabubuhay pa siya.”

“Mahalaga ka sa akin kaya ko ginawa iyon, Duke. At dahil mahalaga ka sa akin, mahalaga rin para sa akin ang mga taong mahal mo.”

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. “Ngayong stable na si Dad, gusto ko sanang ituloy ang kaninang sasabihin ko sa may rooftop ng mall. Kaso dito na lang, ayos lang ba?”

“Kahit saan, Duke, walang problema.”

Seryoso ang mga tingin niya. “Alam kong masyadong mabilis ang lahat. Pero gusto kong malaman mo na...nahulog na ang loob ko sa’yo. Gusto kong malaman kung ganoon din ba ang nararamdaman mo?”

Mula sa mga mata niya, nakikita ko ang sinseridad niya sa mga sinasabi niya. Hindi na ako dapat mag-alinlangan o hindi ko na dapat pang patagalin pa na kumpirmahin sa kaniya na parehas ang nararamdaman namin. Tumango ako.

“Oo, Duke, nahulog na rin ang loob ko sa’yo.”

Parang araw na biglang nawala ang mga nakatakip na ulap kung magliwanag ang kaniyang mukha. Hinawakan niya ako sa pisngi. Dahan-dahan siyang lumapit sa mukha ko at unti-unting naglapat ang aming mga labi.

Isang koneksyon. Isang matinding koneksyon na sa pamamagitan lamang ng mga labi ay pakiramdam ko’y naging isa kami. Ito ang unang pagkakataon na hinalikan ako ng isang lalaki at hindi ko inaasahan na ganito pala ang pakiramdam.

Nang maglayo ang mga labi namin, tiningnan niya ako na parang hindi namin pwedeng alisin ang mata namin sa isa't-isa.

“Ngayon ko lang natikman ang halik na iyon. Anong halik iyon?” tanong niya. May kalituhan sa mga tingin niya.

Hinawakan ko siya sa pisngi. “Iyon ang halik na may pagmamahal.”

Napatingala ng bahagya si Duke. “Kakaiba siya sa lahat. Natatangi.”

Muli niyang idinampi ang malambot niyang labi sa labi kong matagal hinintay ang pagkakataong ito. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong lumulutang.

Kung may paraan lang sana para hindi na matapos ito. Alam kong wala. Pero may paraan pa para magpatuloy ito. Kailangan kong maagaw ang katawan na ito. Kailangan kong gumawa ng paraan.

Nang may magbabantay na sa Papa niya, inihatid na niya ako pauwi ngunit hanggang kanto lang ulit ako nagpahatid. Mahirap na. Hindi ko pa tuluyang naagaw ang buhay na ito kaya hindi pa pwede. At isa pa, hindi pwedeng magtagpo ang landas nila ni Alena.

"Ingat ka pauwi at ipagdadasal ko ang daddy mo," sambit ko bago bumaba.

"Salamat. I love you."

"I love you too."

Pagbaba ko, iniabot na niya sa akin ang mga shopping bags at nagsimula na akong maglakad pauwi ng bahay. Sinigurado kong hindi niya ako sinundan. Pumapasok kasi ako sa isang eskinita pansamantala habang hindi pa siya nakakaalis.

Pagdating ko ng bahay, humarap ako sa salamin. Habang hawak ang labi ko, hindi ko mapigilan ang kakaibang kuryente sa katawan ko na kanina pa kumikiliti sa akin. Nagtatalon. Nagsisigaw. Nagpaikot-ikot at hinayaan ang sariling bumagsak sa kama. Napakasarap sa pakiramdam. Minsan pala kailangan lang natin hayaan ang sarili nating mahulog.

Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko at hindi ko hahayaang may sumira nito. Wala nang makapipigil pa sa akin. Kahit ang ibig sabihin niyon, agawin ang buhay na ito kay Alena.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon