13.2 - Their Vacation (Part 2)

2.4K 23 0
                                    

Nagsimula akong magposing-posing doon. Kuha naman ng kuha ng litrato ko si Chase.

“Okay, try naman natin iyon galing ka sa malayo. Then, lalakad ka papalapit.”

Sinunod ko siya. Tumakbo ako sa malayo at sinimulan ang pang-modelo na rampa. Tuloy-tuloy ang pagtunog ng kamera. Nang nasa gitna na ako papunta sa kaniya, tinanggal ko ang swimsuit cover up ko para ipakita sa kamara niya ang magandang hubog ng katawan ko na natatakpan lang ng kapirasong mga tela.

Sandaling tumigil si Chase sa pagkuha ng litrato. Parang biglang napako ang mata niya sa akin. Bumuka ng bahagya ang kaninang magkadikit niyang labi.

Muli niya akong kinuhanan ng litrato. Napansin kong parang inilalapit niya ng sobra ang lente ng kamera niya sa akin.

“Bakit sa bandang ibaba ka naka-pokus?” reklamo ko.

“Huh?” gulat na gulat niyang sabi na animo'y kiniliti ng boltahe. “Ah, may ano kasi doon sa...“

“Okay lang, tuloy mo na."

Nagpatuloy ako sa pagposing-posing. Pero hindi na ang mga magagandang litrato ang habol ko kundi ang mas maakit siya sa akin.

Sunod nu’n, sa may tubig naman ako nagpa-pictorial.

“Mermaid shot tayo. Kaya mo?”

“Ako pa,” sambit niya habang tumataas-taas ang kilay. “Kayang-kaya ‘yan ng camera ko.”

Inilubog ko na sa tubig ang buhok ko bago nagbilang. “One...two...ready...Go!”

Nagsimula akong hilain ang buhok ko na nasa harap ko nakalubog sa tubig padaan sa ibabaw ng ulo ko at pabagsak sa likod ko. Pinatulo ko muna nang kaunti ang buhok ko bago tumayo.

“Patingin.” Tumakbo ako sa kaniya upang tingnan. “Ang galing. Pero tama na ‘yan. Tara, swimming na tayo. Baba mo muna iyan.”

Tinanggal ko iyong camera sa leeg niya. Binalot ko ito ng damit na hinubad ko at inilapag sa may sand. Nagtanggal naman siya ng sando. Napalunok ako dahil sa harap ko niya ginawa. Isinama niya iyong hinubad niyang damit sa damit ko. Tumakbo kami papunta sa tubig at nagsimulang lumangoy.

Bukod sa napakalinis at linaw ng tubig nito, mayroon ring mga hayop sa ilalim ng dagat na lalong nagpaganda rito.

Talagang kahanga-hanga ang lugar na ito. Kung ganito lang sana ang lugar sa mga panaginip ko, hindi na ako matatakot.

Nang malapit nang magdilim, naglakad na kami pabalik sa nirentahan naming kwarto. Dahil sa pagod, nahiga kami agad. Isa lang ang kama. Magkatalikuran kami.

“Chase?”

“Ano ‘yun? Pagod ako. Pasensya na.”

“Hindi kita yayain, ano ka ba.”

“Ah, ano ‘yun?”

“Salamat.”

“Saan?”

“Dito. Ang saya.” Humarap ako sa likod niya. "Saka isa pa, hindi lumabas ngayon si Maria. At mayroon pa pala, kahit nasa iisang kwarto tayo, hindi pumasok sa isip ko na mag-roleplay tayo. Pakiramdam ko unti-unti akong binabago ng trip na ‘to. Unti-unti mo akong binabago.”

Lumingon siya sa akin. “Sana magtuloy-tuloy na.”

“Sana nga. Sige. Tulog na tayo. Goodnight.” Tumalikod na rin ako sa kaniya sabay natulog na.

“Goodnight.”

Kinaumagahan, nagyaya si Chase na tumakbo-takbo sa labas para magpapawis. Pumayag naman ako dahil mukhang magandang mag-dyaging dito. Magandang pangsimula ng umaga. Nag ikot-ikot kami. Nanuod kami ng sunrise na napakagandang panuorin sa ganitong klase ng lugar. Pagkatapos, naghanap kami ng makakainan. Isang restawrant na gawa sa mga kahoy ang mesa at silya at matatanaw rin ang dagat mula roon ang pinasukan namin.

“Ang daming in-order, ah. Sayang ang jogging,” aniya.

“Sus. Hindi naman ako mabilis tumataba. Saka, minsan lang naman 'to."

“Sabagay.”

“Kailangan ko kasing maging sexy para palagi kang maakit sa akin at palagi kang pumayag mag-roleplay.”

“Ano nga ba ‘yong order ko?”

“Good idea, Chase. Dahil sa sinabi mo, naisip ko na sa susunod na roleplay, ang gagawin natin ay costumer and waiter roleplay. Alam mo na kung sino waiter. Taga-sunod ng order,” bulong ko.

“Order ka pa. Banyo lang ako.”

Sinubukan kong pigilin ang tawa ko nang sandaling tumayo siya papuntang banyo. Panigurado naihi siya sa kaba. Masyado niyang siniseryoso ang mga biro ko.

Pagbalik niya dumating na rin ang pagkain namin.

Pagkatapos kumain, nagpahinga lang kami sandali at muli kaming bumalik sa paglalakad-lakad. May nakita kaming nagpapatong-patong ng mga makikinis na bato. Humanga kami ni Chase kaya nilapitan namin sila. Mukhang nagpapataasan sila kaya sinubukan din namin ni Chase.

“Anong consequence kapag natalo?” tanong ko. “Sa akin, aakyat tayo ng rock formations. Pagkatapos doon sa taas, tatanawin natin itong lugar na ‘to.”

“Okay sige sa akin, magsi-swimming tayo sa Tanke lagoon.”

“Game!”

“Set ko lang ‘yong timer ko ng one minute.” May pinindot-pindot siya sa orasan niya. “Okay, ready, set, go!”

Nagsimula kaming magpatong-patong ng mga bato. Pabilisan. Mas mataas na sana ang nagawa ko kaso nga lang ay bumagsak. Hindi ko nabalanse ng tama. Naunahan niya ako pero hindi ako sumuko. At nang tumunog ang timer, mas mataas ang nagawa niya.

“Yes, panalo ako!” sigaw niya. Nakataas ang parehong kamay.

“Ang yabang.” Nagturo ako ng kung ano sa likod niya. “Ano ‘yun?”

Nang lumingon siya roon, tinumba ko iyong itaas na bahagi ng itinayo niya.

“Okay, talo ka na! Wooh! Panalo ako!”

“Tinumba mo, e.”

“Kusa kaya siyang natumba.”

“Wala na. Kanina pa ako nanalo. By timer naman tayo. Hindi by the rocks that stand still.”

“Napakayadaya.” Naghalukipkip ako.

“Ganito na lang. Pareho na lang nating gawin iyong gusto ng isa’t-isa.”

Napangiti ako. “Sure?"

"Oo na! Para hindi ka na magtampo."

"Sige. Basta. Unahin na natin iyong akin.”

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon