1.2 - Her Secret (Part 2)

10.2K 94 7
                                    

Napatingin ako banda sa mukha niya. Hindi siya kagwapuhan. Pero noong tingnan kong muli ang braso't dibdib niya, bigla siyang naging gwapo sa paningin ko. Mahalaga pa ba ang mukha kung katawan pa lang panalo na?

Nang matapos siyang makipag-usap sa kliyente niya, ni-lock na niya ang kompyuter. Bahagya siyang napahakbang palikod nang tumayo at makita ako.

"Ma'am Alena, andyan pa po pala kayo. Hindi po ba kayo bababa para kumain?" tanong niya.

"Bakit pa ako bababa kung nandito naman na ang pagkain ko?" Hindi ko napigilang ngumisi. "May baon kasi ako."

"Ganoon po ba. O sige, ma'am. Bababa na ho ako." Tipid siyang ngumiti at nakaturo ang kamay niya sa kaniyang daraanan.

"Sandali." Hinawakan ko siya sa braso upang pigilan siyang humakbang palayo. Parang apoy sa desyerto ng niyebe ang init ng kaniyang braso. Kumalat ang init na iyon na parang makamandag na lason sa buong katawan ko. Hinigpitan ko ang kapit.

"Bago ka, right?"

"Yes po, ma'am," karaka niyang tugon.

"Dito kasi sa department namin ay mayroon akong initiation na tinatawag para sa mga bago sa team ko."

"Pasensya na po kung tatanggi ako."

"Ginagawa ko ito para patibayin ang mga samahan nila, lalo na ng mga bagong empleyado, sa akin."

"Ma'am, pasensya na talaga. Sa ibang araw na lang ho siguro. Mauuna na ako."

Aalis na sana siya at handa na ang paa niyang humakbang nang mas lalo kong higpitan ang pagkapit sa braso niya. Sobrang higpit na para na iyong posas at isa siyang kriminal.

"And where do you think you're going?" Nakataas ang kilay kong tanong.

Ginamit ko ang dalawa kong kamay para ilublob ang mukha niya sa umaapaw kong dibdib. Diniinan ko lalo para manghina siya hanggang sa makalapit kami sa stock room sa unti-unti kong pag-atras.

"Iyan. Sige. Magsawa ka!" malakas ang boses ko.

At nang malapit na kami sa pinto ng stock room, hinila ko ang buhok niya at itinulak siya pasandal sa may dingding. Para siyang tumakbo ng ilang kilometro sa hingal.

Mula sa matigas niyang kalamnan ay inihagod ko ang mga palad ko na parang masahista mula sa dibdib niya paakyat sa balikat niya. Idiniin ko ang mga ngipin ko sa aking labi.

"You want more?" tanong ko.

Kumorte naman pataas ang magkabilang dulo ng kaniyang labi. Ang mga mata niya ay kulay kape at nanlilisik sa pagnanasa. I swing my index finger in favor to my direction in front of him habang nakatupi ang ibang daliri ko. Ginagawa ko iyon habang papasok ng stock room.

Binuksan ko ang ilaw na may maputlang liwanag. Sumalubong sa paningin ko ang isang lumang office chair, mga lumang gamit, lumang parte ng mga kompyuter at mga hindi mahahalagang bagay na parang bundok dahil patong-patong ang pagkakaayos. May kaunting espasyo ito na sapat para kami ay makapag-ulayaw at malayang makagalaw.

Marahan naman siyang sumunod sabay isinara ang pinto. Ilang segundo na tinginan lang ang labanan. Hanggang sa, mabilis kong tinanggal ang mga butones ng suot niyang polo. Marahas ko iyong hinubad paalis sa katawan niya. Iniharap ko ang likod niya sa akin pagkatapos ay iginapos ko siya gamit ang polo na iyon.

"Gusto kong sundin mo lahat ng gusto ko. Alipin kita. Alipin lang kita," bulong ko sa tapat ng tainga niya bago ko iyon kinagat. Napasigaw siya. Para siyang isang tupa na humihingi ng tulong dahil nahuli siya ng isang mabangis at malanding lobo.

"Sandali lang," sambit niya. Nilingon niya ako. "Are you into BDSM?"

"You'll like it."

"I'm not into it."

"Ano?" Pinandilatan ko siya.

"At ayaw ko maging sub. Are you switch?"

Tinanggal niya ang polo niya sa pagkakagapos nito sa kamay niya.

"Anong switch?" kunot-noo kong itinanong.

"Iyong pwedeng maging Dominant. Pwede ring maging submissive."

Inirapan ko siya. "Sorry. Hindi ako pwede maging submissive."

"Bakit naman?"

"Baka hindi mo magustuhan ang magagawa ko."

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang braso ko. "Baka iyong gagawin ko 'yong magustuhan mo."

"Hindi nga pwede." I shrug my shoulder para ialis ang kamay niya sa braso ko.

"You brought me here thinking it is your home court. But now, let's see who's the real dominant here.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at mula roon niya ako itinulak sa may ding ding. Hinarang niya ang braso sa magkabilang gilid ko. Para akong preso at ang mga bisig niya ang rehas ko.

"Isa!" Hinampas ko pa siya ng nakakuyom kong kamay sa dibdib niya pero tila pitik lang ang pakiramdam nu'n sa kaniya. Ni hindi ko nakitang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Ang mga mata niya ay hindi nawala ang lisik. Punong-puno ng pagnanasa.

"You started this. Don't pretend to be the victim here," aniya.

Bigla niya akong hinalikan sa leeg. At habang pababa na siya sa paghalik sa dibdib ko, biglang unti-unting sinakop ng dilim ang kaninang maputlang liwanag. Hindi naman ako tumatakbo pero para akong naghihingalo. Hindi ko na siya napigilan. Pakiramdam ko'y sandaling humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko.

Hindi ito pwede. Ayaw ko ng ganito. Ayaw ko dito.

Nang makakuha akong muli ng lakas, agad kong tinuhod ang maselang bahagi niya bago pa man ako muling sakupin ng nakaraan ko. Namaluktot siya sa sakit na parang isang babaeng nakakaranas ng matinding cramps dahil sa buwanang dalaw.

"Binalaan na kita. Hindi nga ako pwedeng maging submissive. Hindi pwede!"

Napatiim-bagang siya at wala ng pangnanasa sa nanlilisik niyang tingin sa akin. Umatras siya mula sa akin. Inayos niya ang lukot niyang damit at pinagpag ito bago niya muling isinuot. Lumabas siya ng stock room nang hindi pa nakabutones ang polo niya. Gusot-gusot na rin ito. Habang ako, iniwan rin niya nang hindi nakabutones ang pagnanasa at gusot-gusot ang pagkatao dahil sa ginawa niyang iyon.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon