18 - Her Hope

2K 23 0
                                    

MARIA's POV

Paglabas ko ng banyo, agad kong hinanap ang telepono ni Alena para ihatid ang magandang balita kay Duke. Sigurado ako na kapag nalaman niya ang tungkol dito ay magkakaroon na siya ng rason para hindi sundin ang ama niya. Magkakaroon na siya ng rason para ako ang piliin niya kaysa sa anak ng Mr. Lee na iyon na si Gretta.

Tinawagan ko agad si Duke nang makita ko ang telepono ni Alena na nakapatong sa maliit na mesa. Ngunit nang sagutin ang tawag, ibang boses ang narinig ko. Boses ng babae.

“Good afternoon. Busy po sa pagkakataong ito si Mr. Duke Kingley. Kung may importante ho kayong gustong ipasabi, pwede po kayong mag-iwan ng message. Ako na lang ang magpapa-abot niyon sa kaniya.”

“Sino ito?”

“Sekretarya ho ako ni Mr. Duke. Sila ho?”

“Ako si Maria, girlfriend niya ako. Pwede bang ibigay mo ang telepono sa kaniya? Sabihin mo, si Maria ito.”

“Pasensya na ho pero hindi po talaga pwede.”

“At bakit?”

“Sino iyan?” biglang singit ng isang boses mula sa kabilang linya. Malalim ang boses na iyon. Parang kilala ko siya.

“Maria daw ho,” tugon ng sekretarya sa kaniya.

“Akin na.”

Narinig kong ipinasa niya ang telepono. “Maria, this Emperor Kingley, ang daddy ni Duke. Napag-usapan niyo na ito, hindi ba? Please, nakikiusap ako sa’yo. Maki-cooperate ka na lang. Isang taon lang iyon at matatapos din ang paghihirap mo. Sige na. Bye.”

“Sandali lang ho.”

“Ano ‘yun?”

“May kailangan hong malaman si Duke. Importante lang ho ito.”

“Ano ‘yun?”

Lumunok ako bago nagbitiw ng salita. “Buntis ho ako. Siya ang ama.”

Walang naging tugon mula sa kabilang linya. Tanging malalim na paghinga lamang ang naririnig ko.

“Kasal na si Duke.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Ano?”

“Ipapa-DNA ko ang bata at kung anak iyan talaga ni Duke. Handa akong suportahan ka. Ibibigay ko lahat ng kailangan mo pati ang mga gusto mo."

“Hindi ko ho kailangan ang suportang pinansyal ninyo. Ang kailangan ko ho ay ang lumaki ang magiging apo niyo nang may ama. Kailangang malaman ito ni Duke! Ipakiusap niyo siya sa akin!”

“Makinig ka, Maria. Kahit sabihin mo iyan sa kaniya, wala ng silbi iyan dahil kasal na sila. At isa pa, kung gagawin mo iyon, sisirain mo lang ang reputasyon niya. Isang lalaking kasal na pero may anak sa iba. Gusto mo ba iyon?”

“Kung kapakanan ng pangalan niyo ang mas importante sa inyo, pwes, mas importante para sa akin ang kapakanan ng magiging anak namin. Hindi niyo ho ako mapipigilan!”

"Maria, sandali!"

Pinatay ko iyong tawag. Nanginginig ang mga kamay ko kaya nabitawan ko iyong telepono.

Talagang itinuloy niya iyon. Talagang nagpakasal siya. Pero hindi ako basta susuko nang ganoon-ganoon na lang. Kailangan kong masabi ito sa kaniya. Kailangan niya akong panindigan.

Lumabas ako ng bahay at sumakay ng taksi papunta sa condo niya. Habang nasa loob pa ako ng taksi, bumuhos na ang malakas na ulan.

Hindi ko akalain na kaya niya iyong gawin sa akin. Paanong ang isang magandang panaginip ay bigla na lang naging isang bangungot? Bakit niya ito nagawa sa akin? Hindi ko kaya ang ganitong sakit. Hindi ko mapigilan ang mga luha na pumatak mula sa mga mata ko. Bigla ko rin naramdaman ang paninikip ng dibdib ko.

“Nandito na po tayo, ma’am,” saad ng drayber.

Nagbayad ako at kahit umuula’y sinuong ko ito mapuntahan lang si Duke sa condo niya. Sana ay nandoon siya. Bahala na. Handa akong maghintay at magbaka-sakali na darating siya roon. Kahit magkasama pa sila ng Gretta na iyon, sasabihin ko sa mga mukha nila ang totoo.

Pagtakbo ko papasok ng gusali kung nasaan naninirahan si Duke ay siya ring pag-alis ng taksi. Masyadong malakas ang pagbagsak ng ulan kaya naman nabasa pa rin ako kahit na binilisan ko ang takbo. Mabuti na lang at hindi ako nadulas.

Saglit kong pinatuyo ang sarili sa labas ng gusali na iyon. Lumapit ako sa tumatao sa lobby.

"Ine-expect po ako ni Duke Kingley. Pakisabi lang na may importante siyang kailangang malaman."

"Sige po, ma'am. Tawagan ko lang ho. Sandali lang."

"Sige lang. Pakisabi importante lang. Pakibanggit ang pangalan ko sa kaniya. Maria."

Nakadiin lang sa tainga niya ang telepono pero wala pa ring sumasagot.

"Sino ang hinahanap po nila?" tanong sa akin ng kakadating lang na babae. Kasama siya ng babae na tumatawag sa telepono ni Duke na tumatao sa lobby.

"Si Mr. Kingley. Tinatawagan ko nga pero walang sumasagot. Nagri-ring lang," sagot ng kasama niya sa kaniya.

"Si Mr. Kingley ba? Kakababa niya lang ng parking. Palabas na ang kotse niya." Naningkit ang mata niya habang nakatanaw sa labas. "Ayun! Paalis na siya."

Hindi na ako nakapagpaalam sa kanila at agad na tumakbo palabas para habulin ang kotse ni Duke. Mabilis ang takbo kaya nahirapan akong habulin. Mas binilisan ko pa hanggang sa lumiko siya at isang motor ang nasalubong ko na siyang bumangga at nagpatalsik sa akin sa gilid ng kalsada.

May malay pa ako nang bumaba ang drayber ng motor na iyon papalapit sa akin.

"Tulong, please! Tumawag kayo ng ambulansya," sigaw niya.

At sa paglapit ng iba pang mga tao sa akin, unti-unti nang sinakop ng dilim ang aking ulirat.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon