21.1 - Her Rage (Part 1)

2.1K 29 2
                                    

ALENA's POV


Nagising ako na wala si Chase sa tabi ko. Tumayo ako ng kama upang hanapin siya. Wala siya sa sarili niyang bahay. Bumalik ako ng kwarto. May sulat na nakapatong sa may maliit na mesa roon.

Parang nitong mga nakaraang mga araw, parang may iba sa mga ikinikilos niya. Mabuti na lang at maayos na ang pakiramdam niya pagkatapos ng nangyari.

Bigla kong naalala ang nangyari noong isang araw. Nagising ako noon na nakahiga na siya sa kama sa loob ng isang ospital.

"Anong nangyari? Bakit nandito ka?" tanong ko.

"Wala kang natatandaan? Pati iyong sinabi ng doktor sa akin, hindi mo natatandaan?"

Ang pagkakaalam ko ay natutulog ako sa bahay niya at nang magising ako ay nandito na ako. Mukhang alam ko na ang dahilan niyon. Naagaw muli ni Maria ang kontrol. "Bakit ano bang nangyari? Bakit ka nandito? At anong sinabi ng doktor?"

"Kung ganoon, hindi ako nagkamali. Si Maria nga ang nakasama ko kanina. Good news, Alena. Mukhang nagugustuhan na rin niya ako at handa akong gawin ang lahat para mas mahulog pa siya sa akin."

Nginitian ko siya at niyakap matapos ang ilang sandali.

Nahuli ko ang sarili kong nakangiti habang inaalala ang mga nangyari.

Kinuha ko ang sulat na nakapatong sa may maliit na mesa at binasa:

Pasensya na, Alena, kung hindi na kita maihahatid. May lakad kasi ako ngayon. Pasensya na. Mag-iingat ka lagi.

Itinago ko na ang sulat at nagsimula na akong mag-impake ng mga damit. Nagdala na rin ako ng damit at gamit para sa roleplay mamaya. Nang matapos, nag-ayos Maria na naman ako. Nagpasundo ako kay Duke pero drayber niya lang ang nasa kotse na sumundo sa akin. Inihatid naman ako ng maayos nito sa bahay nila Duke. Mamaya pa raw darating ang boss niya. Sakto lang pala ang pagdating ko roon. May oras pa ako para mag-ayos. Sosorpresahin ko siya.

"Sisiguraduhin kong magugulat ka sa tatambad sa'yo, Duke. Kung submissive ka, sisiguraduhin ko sa'yo ngayong gabi na pagsisihan mong naging isa ka," saad ko sa sarili.

Mga alas-sais ng gabi, nag-teks siya na darating na siya pagkatapos ng isang oras at may importante lang na inaasikaso. Pumasok ako sa kwarto kung saan niya ako dinala noong isang gabing pumunta rin ako rito.

Ginuhitan ko ng maitim na linya ang mata ko parang maging kahawig ito ng mata ng isang pusa. Nagpahid rin ako ng pulang kolorete sa bibig. Naka-bra't panty na lang ako nang ipasok ko ang katawan ko sa loob ng isang full leather suit. Limang pulgada ang idinagdag sa tangkad ko ng isinuot kong takong. At nagsuot din ako ng maskara kung saan mata, ilong at bibig lang ang nakalitaw sa buo kong mukha. Kinuha ko ang dala kong latigo at pagkatapos ay bumaba na upang abangan na siya.

Nang matanaw ko ang kotse ni Duke sa labas, naghanda na ako. Nagtago ako sa likod ng malalaking pinto ng bahay nila.

"Maria, nandito ka na ba?" saad niya nang sandaling makapasok.

Hinampas ko siya ng latigo sa likod paglagpas niya sa pinto. Magkahalong sakit at gulat ang tunog ng naging sigaw niya nang sandaling maramdaman niya itong tumama sa likod niya.

"Dapa!" bulalas ko.

"Huh? Ano bang nangyari sa'yo, Maria? Bakit ganiyan ang ayos mo?"

Hinampas ko siyang muli. Nagsisimula nang maging musika sa tainga ko ang bawat atungal niya. "Ang sabi ko. Dapa!"

Sa pagkakataong iyon, sinunod na niya ang gusto ko.

"Good boy! Ngayon, ang gusto kong gawin mo. Umakyat ka sa taas ng hagdan na parang aso. Okay? Akyat!"

Hinampas ko sa sahig iyong latigo. Mabilis naman siyang umakyat sa taas na parang aso. Sumunod ako sa kaniya sa taas matapos ikandado ang pinto sa baba.

"Pumasok ka sa kwarto," utos ko sa kaniya. Pumasok naman siya pagkatapos ay sumunod ako.

Ini-lock ko ito nang makapasok ako.

Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin. Kita ko sa mga mata niya na parang naninibago siya.

"Surprise!"

Lumapit ako sa kaniya. Hinubad ko ang pantalon niya. Hinubad ko rin ang brief niya. Sandali akong natigilan nang lumitaw ang ari niya. Sobrang laki! Parang hindi na tao ang may-ari. Ilang sandali rin akong napanganga.

Napatanong ako sa sarili ko. Paano kaya nakaya ni Maria ito? Kaya pala lumuwag. Marami nang kasalanan sa akin iyang Maria na iyan. Kung kaya ko lang talaga sabunutan iyong talipandas na iyon, matagal ko nang ginawa pero alam kong ako lang rin naman ang masasaktan.

Itinulak ko siya sa upuan sa loob ng kwarto na iyon. At nang maupo na siya, naupo rin ako sa hita niya para tanggalin ang suot niyang polo. Pagkatapos ay hinila ko iyon papunta sa likod niya para tuluyang mawalan ng balot ang katawan niya. Napakagat ako ng labi nang makita ang magandang hubog ng katawan niya na sa tingin ko'y ilang taon na niyang napanatili.

"Alam kong gusto mo ito, Duke."

"Oo, pero hindi ko maintindihan. Bakit ginagawa mo ito ngayon? Ano bang nangyayari sa'yo? Ikaw ba talaga iyan, Maria?"

Hindi ako sumagot at tumayo na lang para kumuha ng short na gawa sa balat at pinasuot ito sa kaniya. Kumuha rin ako ng lubid at pinatayo na siya sa upuan. Itinulak ko naman siya sa kama niya. Nakaluhod siya roon nang itali ko iyong mga kamay at paa niya sa bawat sulok ng four poster bed niya.

"Sigurado ka lang ba na ayos ka, Maria?" tanong niya. "Sumagot ka naman, please."

Sumampa ako sa kama sa bandang likuran niya. Humanda ka na sa hagupit ng bagyong Alena, Duke.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon