7 - Her Past (Part 1)

3.8K 26 0
                                    

ALENA's POV

Nang magising ako, puting dress na naman ang suot ko. Sinubukan kong alalahanin ang nangyari kagabi. Nang makita ko ang bag na dala ko kagabi sa gilid ng pinto ng kwarto ko, naalala ko ang mga nangyari. Nanggaling ako kina Chase. Naglaro kami pagkatapos biglang sumakit ang ulo ko at bigla akong nawalan ng malay. Baka pinalitan niya ang suot ko kagabi pagkahatid niya sa akin dito.

Possibleng siya rin kaya ang nagbihis sa akin noong isang araw?

Naghanda na ako sa pagpasok pagkatapos. Alas-sais na rin kasi nang magising ako. Nang makarating sa opisina, nasalubong ko si Chase. Nagkatitigan kami.

“Salamat nga pala sa pagdala sa akin sa bahay kagabi,” aniko.

Nagsalubong ang kilay niya at sandaling nag-isip. “Ah, ‘yun ba. Walang anuman.

“See you mamayang break. May reward ka sa akin dahil doon.”

Naglakad na ako palayo sa kaniya pagkatapos.

Ilang oras ang lumipas ay dumating na ang break. Bababa na sana siya nang tawagin ko siya upang magpaiwan. Tumigil siya sa paglalakad ngunit nanatili siyang nakatayo sa kung nasaan siya. Isa-isang nagsibaba ang lahat habang ako naman ay dahan-dahang naglakad papalapit sa kaniya. At nang tuluyang makababa ang lahat, hinalikan ko siya sa leeg. Agad ko siyang iniwan ng marka sa leeg bago pa man niya ako itulak.

“Alena, pwede ba tayong mag-usap?” saad niya. Hindi ko masyadong narinig. Nakapokus kasi ako sa marka sa leeg niya na iniwan ko. Nangingilid ang ngiti kong pinagmamasdan iyon.

“You’re my territory.”

“Alena, are you listening?”

Parang bigla akong nagising dahil sa bigla niyang pagtaas ng boses. “What?”

“I said, pwede ba tayong mag-usap?”

“Sure.”

“Pero hindi dito. Kahit saan sa labas, huwag lang dito.”

“Okay,” taas-kilay kong tugon.

Binalot ng katahimikan ang elevator hanggang sa makababa kami. Dumiretso ako sa bar na malapit. Sumunod naman siya. Um-order ako ng dalawang baso ng beer.

“Chase, gusto kong humingi ng pasensya sa nangyari kagabi. Hindi ko nam-“

“Hindi mo kailangan humingi ng pasensya. Ang kailangan mong gawin itigil na ang ginagawa mo," pagputol niya sa akin.

“Pero Chase...”

“Alena, ano ba ako sa’yo?” Nakatitig siya.

“Isang kaibigan. Isang kakilala. Isang katrabaho.”

“Iyon ba ang tingin mo sa akin tuwing inaabuso mo ako? Ni hindi mo nga nasabi na bukod sa kakilala, kaibigan at katrabaho ay gusto mo rin ako. Dahil ang totoo, isang laruan lang naman talaga ang tingin mo sa akin.”

Natulala ako. “Hindi ‘yan totoo.”

“Iyon ang totoo. Ayaw mo lang tanggapin dahil ang totoo ay hindi ka naman talaga matapang. Nagpapanggap ka lang. Pinapaniwala mo lang ang sarili mo na matapang ka sa pamamagitan ng pananakit sa mga lalaki kapag kontrolado mo na sila sa kama. Pero sa labas ng kama, hindi mo naman talaga kaya. Duwag ka naman talaga.”

“Hindi totoo ‘yan!” Napatayo na ako. Hindi ko na pinansin ang ilang atensyon na napukaw ko sa pagsigaw niyon.

“Kung hindi iyon totoo, bakit hindi mo harapin iyong taong totoong kinagagalitan mo? Bakit kinakailangan mo pa ng ibang tao para masaktan siya? Bakit hindi siya mismo ang saktan mo kung matapang ka talaga!”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. At nang i-serve ang dalawang beer na in-order ko, agad kong nilagok ang isang bote. Walang hinto ko iyong inubos.

“Uminom ka muna.” Inilapag ko sa harap niya ang isa pang bote.

“Hindi ako umiinom. Baka magalit pa ang mga magulang ko kapag nalaman nila na uminom ako.”

Natigilan ako sa sinabi niya. “Bakit ilang taon ka na ba?”

“Twenty-two.”

“At sa ganoong edad, hinahayaan mo pa rin ang ibang tao na kontrolin ka?”

“Bakit, nagagalit ka sa kanila? E wala ka rin namang pinagkaiba, hindi ba? Kinokontrol mo rin ako.”

“Hindi mo kasi naiintindihan kung bakit kailangan kong gawin iyon.”

“Sige. Ipaintindi mo sa akin.”

Nilagok ko na rin ang isa pang bote. Hindi ko na kayang ubusin kaya mayroon nang paghinto.

“Kapag hindi ko kasi iyon nagagawa, para akong mababaliw. Walang tigil iyong mga boses, iyong mga masasamang panaginip, iyong nakaraan ko na nakabuntot pa rin sa akin hanggang ngayon. At napapayapa lang ang utak ko tuwing nagagawa ko siya.” Nanatili siyang nakatitig sa akin. “Hindi ko siya kayang pigilan kasi kapag pinipigilan ko siya, mas lalo ko lang siyang hinahanap-hanap.”

“Bakit ka ba nagkaganiyan?”

“Kahit sabihin ko, hindi mo ako maiintindihan.”

“Pangako. Pipilitin kong maintindihan. Kahit ano man iyan. Hayaan mong matulungan kita.”

Tumawag ako ng waiter. "Dalawang beer pa nga po dito," aniko. Humarap akong muli kay Chase. "Gusto mo talagang malaman."

Nakatitig lang siya at nag-antay sa akin na mag-kwento.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon