21.2 - Her Rage (Part 2)

2K 29 0
                                    

Muli kong hinawakan ang latigo na dala ko.

"Para ito sa pananakit mo sa akin!" Hinampas ko siya ng latigo na iyon sa puwitan. Isang pigil na sigaw ang pinakawalan niya.

"Ah, sige pa. Parusahan mo ako. Sige," biglang sambit niya. "Masama ako. Sinaktan kita. Sige pa."

Nanlaki ang mata ko. Mukhang hindi pa rin gumagana iyong plano ko.

"Para ito sa pagpapabaya mo sa akin kaya namatay ang anak natin!"

Hinampas ko siya dalawang beses sa likod.

"Manloloko ka!"

Hinampas ko siyang muli.

"Wala kang kwentang tao!"

Kasabay ng bawat salita ko ang paghampas ko sa kaniya. Napapasigaw naman siya sa bawat latay na bumabakat sa likod niya pero may sarap pa rin na halo ang halinghing niya.

"Hindi ka dapat minamahal."

Nilakasan ko ang hampas ko sa kaniya sa likod.

"Makasarili ka!"

Wala pa rin epekto ang mga latay ko sa likod niya kahit nilakasan ko pa.

"Makasarili ka!"

Hahampasin ko pa sana siya nang makita kong marami-rami na ang sugat ng likod niya. Bahagya akong nakaramdam ng awa. Inalog ko ang ulo ko. Hindi ako pwedeng makaramdam ng awa. Pipigilan ako ni Maria kapag nagkataon at hindi iyon pwedeng mangyari. Hindi niya ako pwedeng pigilan. Kulang pa ito.

Ipinulupot ko sa leeg niya ang latigo.

"Anong gagawin mo?" tanong niya. Ngumiti lang ako. Mababakas na sa boses niya ang kaba. "Maria, ano ito?"

Sinikipan ko ang pagkapulupot.

"Hindi na ako makahinga," reklamo niya.

"Iyon nga ang gusto ko, e." Sinikipan ko pa lalo.

"Tama na, Maria. Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka ba nagkakaganiyan? Parang hindi na ikaw iyong nakilala kong Maria."

"Bakit? Sino bang nagsabing ako si Maria?"

"Anong ibig mong sabihin?"

Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya habang nanlilisik ang mga mata. "Ako si Alena."

"Hindi ko maintindihan."

"Mayroon akong dissociative disorder at isa sa mga alter ego ko si Maria. Iyon nga lang ang kausap mo ngayon... ay hindi si Maria."

Naramdaman ko ang mabigat niyang paghinga.

"Sino ka?"

Naluwagan ko ang pagkakasakal sa kaniya nang hindi ko namamalayan. "Hindi pa ba nasasabi sa'yo ni Maria. Ako ang totoong may-ari ng katawan na ito. At, sisingilin kita sa naging kasalanan mo sa aming dalawa."

Pinilit niyang magpumiglas kahit nanghihina na siya. "Pakawalan mo ako!"

"Gusto mong pakawalan kita?"

"Please, pakawalan mo na ako. Mag-usap tayo."

"Okay. Madali naman akong kausap." Sinimulan kong tanggalin ang pagkakagapos niya. "Mayroon kang sampung segundo para makatakas. Kapag naabutan kita, lagot ka sakin."

Nang matanggal ang pagkakagapos itinulak niya ako. Agad siyang tumakbo kahit iika-ika na at nanghihina pa dahil sa mga latay sa likod niya.

"Isa! Dalawa!" pagsisimula ko sa pagbilang.

Hinila ko ang zipper ng suit ko upang mailabas na ang bra't panty na suot ko na gawa rin sa balat. Hinubad ko ito bago lumabas ng kwarto.

"Duke, nasaan ka na?" saad ko habang bumababa ng hagdan. Inihampas ko sa hagdan iyong hawak kong latigo. "Duke, lumabas ka!"

Nang makarating ako sa baba, sinubukan ko siyang tanawin. Wala akong makita. Maya maya, may narinig akong gumalaw na plorera sa gilid. Naglakad ako papunta roon. At nang malapit na ako, lumitaw si Duke at binato sa akin ang plorera na iyon. Mabuti na lang at mabilis akong nakailag. Pero ginamit niya ang pagkakataon na iyon para makatakbo sa likod. Balak niyang doon lumabas dahil naisarado ko rin ang pinto sa harap at alam niyang matatagalan siyang tanggalin iyon.

"Bumalik ka rito!" Inihampas ko sa sahig ang latigo.

Naglakad ako sa labas upang hanapin siya. Nakita ko siyang pumasok sa looban na parte ng garden nila.

"Humanda ka sa akin ngayon. Gusto mo pala ng ganitong laro."

Sumunod ako roon.

"Duke, nasaan ka na?" sigaw ko. "Magsalita ka!"

"Itigil mo na 'to. Please!" saad ng isang boses na nagmumula sa kung saan.

"Ngayon pa na nag-eenjoy na ako? Lumabas ka na kasi. May kiss ka sakin 'pag nagpakita ka." Nagpatuloy ako sa paghahanap "Magpakita ka na. May kiss ka, promise."

Maya-maya, lumitaw siya sa harap ko. Nakataas ang mga kamay niya.

May kiss ka galing sa latigo ko.

Balak ko na sanang hampasin siya nang bigla siyang magsalita.

"Suko na ako. Sige, saktan mo na ako. Ayos lang. Kung iyon naman ang magiging daan para mawala 'yung galit mo sakin. Sige. Hampasin mo ako. Sakalin mo ako. Saktan mo ako kung iyon ang makakapagpagaan ng loob mo."

Napakapit ako sa hawak kong latigo. May pumitik na pagsisi sa puso ko na bigla kong naramdaman dahil sa sinabi niya.

"Hindi ko ginustong mamatay ang anak namin. At totoong minahal ko si Maria...kahit isa lang pala siyang alter ego. Basta ang alam ko. Binago niya ang buhay ko. Iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko. Dahil sa kaniya natutunan kong magmahal ng totoo. At dahil doon, naging malaking ang parte niya sa buhay ko. Hindi ko siya kayang mawala."

May malilit na patak ng tubig na bigla na lang dumaloy sa pisngi ko. Ang lalaking ito. Para siyang isang pinakukuluang tubig kung saan parang inilublob ang matigas kong puso.

"Itigil na natin ito, Alena. Mag-usap tayo. Ayusin natin ito," dagdag ni Duke sa sinabi.

"Pasensya ka na kung hinayaan ko iyong sarili kong mabuhay na naman sa galit. Naging makasarili ako. Pakiramdam ko kasi ako lang ang nasaktan. I'm sorry."

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin para yakapin ako.

She's Dominant (SPG/Mature)Where stories live. Discover now