14.1 - Her Dominance (Part 1)

3.1K 30 0
                                    

MARIA's POV

Pagdilat ko ng mga mata ko, ang ilaw sa kisame ang tumambad sa akin. Biglang pumasok si Chase sa banyo. Nakahiga na pala ako sa sahig.

“Alena, anong nangyayari sa’yo?” Bakas sa mga mata niya ang pagkabahala. “Nadulas ka ba?”

Biglang parang itinatambol ang puso ko sa bilis ng tibok. Baka mahalata niya ako. Sandali akong hindi nakasagot sa tanong niya.

“Ah, oo, ang sakit.” Ininda ko ang pananakit ng beywang ko. Hindi naman sobra ang sakit ngunit nagpanggap akong matindi ang pananakit niyon.

“Huwag ka munang tatayo. Baka magka-fracture ka. Paano ba ito?” Napahawak siya sa ulo niya. “Sige. Ganito na lang. Itatayo kita, ah. Dahan-dahan lang.”

Dahan-dahan niya akong inalalayang makatayo habang ako nama’y nagpatuloy sa pagpapanggap na masakit talaga ang beywang ko. Nang makatayo na, nakita ko ang sarili ko sa salamin. Sandali akong natigilan para pagmasdan ang sarili ko habang ako ang nasa kontrol ng katawan na ito.

"Okay ka lang?"

"Oo."

Nagpatuloy siya sa pag-alalay sa akin palabas ng banyo hanggang sa maiupo niya ako sa may kama.

“Chase, kailangan ko na pa lang umuwi,” pagpapaalam ko.

“Pero hindi ka nga makapaglakad ng maayos. Paano ka uuwi?”

“Hindi. Ayos na. Hindi naman gaanong napuruhan. Sa bahay na lang ako magpapahinga.”

“Hatid na kita.”

“Hindi na, Chase.”

Kumuha siya ng dyaket at mabilisan niyang sinuot. “Hindi. Ihahatid kita.”

Wala na akong nagawa kundi pumayag na lang. Baka mas lalo niya akong mahalata kung tatanggihan ko siya. Nakahawak sa beywang ko ang mga kamay niya habang palabas kami ng bahay niya. Pumara siya ng taksi.

"Kuya, pakibilisan na lang ho."

"Paano iyang beywang mo? Hindi pwede." Humarap si Chase mula sa akin papunta sa drayber. "Kuya, pakidahan-dahan ng andar at may bali itong kasama ko."

Nag-aantay na ‘yun si Duke panigurado. Tumingin ako sa orasan ng taksi. Mag-aalas sais na ng gabi. Kung bakit ba kasi ang ingay ni Alena kanina, nagising pa tuloy ‘tong si Chase. Matatagalan pa tuloy ako. Kinuha ko ang telepono ko. Habang sa bintana nakatingin si Chase, sumimple akong sagutin ang teks ni Duke.

To: Duke
Papunta na ako.

Inalalayan niya ako palabas ng taksi. Inihatid lang ako ni Chase papasok sa loob ng bahay at bumalik na siya sa taksi para iyon din ang sakyan pauwi sa kanila. Parang isang oras kong pinigil ang hininga ko kung humigop ako ng hininga nang sandaling umalis siya. Mabuti na lang at wala na siya. Hirap na hirap na rin kasi akong magpanggap. Mabuti na lang at hindi niya rin nahalata.

Agad kong kinuha ang telepono ko sa bulsa upang basahin ang sagot ni Duke:

From: Duke
Salamat at nag-text ka na. Nandito ako sa condo ko ngayon.

Agad naman akong nagreply.

To: Duke
Sige, diyan na lang ako didiretso. Kamusta na nga pala iyong Dad mo?

Inilapag ko sa kama sandali ang telepono ko at nagpalit ng puting damit. Namili ako mula sa mga binili sa akin nu'n ni Duke na hindi naman tinapon ni Alena. Sa katunayan, nilabhan niya pa ng at isinilid sa aparador niya ng mga damit. Bago lumabas ng bahay, nakatanggap ako ng sagot mula kay Duke.

From: Duke
Okay na siya. Salamat talaga sa’yo.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng taksi papunta sa kaniya. Nang marating ko ang gusali kung nasaan ang condo niya, agad akong umakyat sakay ng elevator papunta sa unit niya. Nasabihan na kasi niya ang tumatao sa lobby ng gusali na iyon kaya naman dumiretso na ako sa pag-akyat.

Nag-doorbell ako. Sinalubong niya ako ng yakap nang sandaling buksan niya ang pinto at nakitang ako ang tumambad sa kaniya.

“Sobrang na-miss kita. Saan ka ba nanggaling?”

“Nagkaroon kasi ng biglaang out-of-town medical mission. Hindi ko inasahan na wala pa lang signal doon. Pasensya na kung hindi kita nasabihan.”

Kumalas siya sa pagkakayakap. “Ayos lang. Ang mahalaga nandito ka na.”

Hinawi niya ang buhok ko. Hinawakan niya ako sa pisngi at hinalikan niya ako sa noo. Napapikit ako sa ginawa niya.

Dumilat ako para sunggaban ang leeg niya at punuin ito ng mga halik. Gusto ko lang sanang gayahin iyong ginawa ni Alena sa leeg ni Chase. Nilagyan niya ng mga marka ngunit hindi ko nalagyan ng marka si Duke. Hindi ko kasi alam kung paano.

“Hala, anong ginawa mo?” saad niya. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Duke. “Panindigan mo iyong ginawa mo. Sinimulan mo. Ngayon, tapusin mo.”

“Tapusin ang alin?”

“Tapusin ang ginawa mong paghalik sa leeg ko. Sakupin mo ako.”

Kung gusto niyang gawin ko sa kaniya ang mga ginagawa ni Alena kay Chase, iyon ang gagawin ko. Kailangan kong maging mas magaling kay Alena. Hindi dapat siya ang magustuhan ni Duke kundi ako.

Hindi lang ikaw, Alena, ang magaling. Kaya kitang tapatan. Kaya ko ring maging dominante sa kama.

Hinila ko siya sa damit papunta sa kwarto niya.  Paglagpas namin sa pintuan ng kwarto niya, tumigil akong nakaharap sa kaniya. Mula sa laylayan ng kaniyang damit, hinila ko iyon pataas hanggang sa matanggal ko iyon sa pagkakatakip sa magandang hubog ng kaniyang katawan.

Lumuhod ako upang tanggalin ang pantalon niya. Ngunit nang tatanggalin ko na ang boxer shorts na suot niya at makitang may napakalaking bukol na bumabakat sa boxer niya, parang biglang nawalan ng kuryente ang katawan ko. Nanghina. Nanlumo. Hindi ko natuloy ibaba ang ang boxer niya para alamin kung ano ang nasa loob niya. Nanginginig ang kamay ko.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon