6.2 - Her Concern (Part 2)

3.7K 30 0
                                    

Tiningnan ko ang iniabot niyang kamay bago ko siya muling tiningnan. Mukha naman siyang disente.

Ano naman kaya ang problema nito bakit kaya gusto niyang sinasaktan? May problema ba siya sa pag-iisip?

Tinanggap ko na lang ang kamay niya.



"Maria. Maria Saez." Tumigil ako sa pagsasalita pero tila nakapako ang mga mata niya sa akin. Kaya napilitan akong magsalita ulit. "I'm twenty three years old at hindi ko rin sasabihin sa'yo ang trabaho ko para fair.

Nagkatitig pa rin siya sa akin. Hindi pa rin siya nagsasalita.



"Duke ka pala. Asan ang palasyo mo niyan?" sambit ko.



"Hindi. Pangalan ko lang 'yun."



Napatango-tango ako sa sinabi niya. "May lahi ka?"



"British iyong lolo ko."



"Kaya pala Kingley apelyido mo."



"Ibig sabihin ba nito, magkakilala na tayo?"



"Oo, pero hindi ibig sabihin nito, sasama na ako sa place mo."

"Apakan mo ako sa mukha, please."

"Ano ba magtigil ka nga!" saway ko sa kaniya.



Bahagyang binalot ng lungkot ang mukha niya at parang usa na nagmamakaawa sa lion na huwag siyang kainin.



"Pasensya na. Nasanay kasi ako na nakukuha ko agad iyong gusto ko. Hindi pala ganoon lahat." Napangiti ako sa sinabi niya. "Pero hindi ibig sabihin nu'n sumusuko na ako."



Napahampas ako sa mukha dahil sa sinabi niya. Grabe ang determinasyon ng isang ito. Pero napansin ko rin, may itsura siya.

Sandali kaming natahimik na dalawa. Biglang tumunog iyong tiyan ko.



"Umutot ka?" diretsong tanong niya.



"Hindi, ah. Gutom lang 'to. Ikaw kasi kakain na sana ako pero ginulo mo ako at gusto mo pang saktan kita."



"Okay, my treat na."



Nagsalubong ang kilay ko. "Para saan naman?"



"Para sa pakikipagkilala." Hindi ako nakasagot. "Ano okay lang sa'yo?"



Pigil-ngiti akong napatango. Mabait din naman pala siya. Hindi maramot.



Dumiretso kami sa isang Italian restaurant. Habang hindi pa dumarating iyong mga in-order namin, nakatitig lang siya sa akin. Sobra akong nako-conscious dahil doon. Hindi ako mapakali. Pilit kong iniiwasan ang tingin niya pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya.



Maya maya, dumating na rin ang mga in-order namin. Una niyang kinain iyong pasta. Nang pumasok sa bibig niya ang huling hibla ng pasta, tumingin siya sa akin na ang mga mata ay tila nang-aakit. Inayos niya ang buhok niya pataas.



Ano bang ginagawa niya? Nang-aakit? Bakit parang epektibo ang ginagawa niya? Mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko.



Ipinagpatuloy niya ang pagkain ng pasta. Nang maubos niya ito, tumingin na naman siya sa akin. Dinilaan niya sa harap ko ang sauce sa bibig niya. Natigilan ako saglit sa pagkain pero agad din naman na ipinagpatuloy iyon.

"Ang init," aniya. Nagtanggal siya ng coat at ilang butones din ang binuksan niya.

"Hindi naman. Malamig nga actually."

"Hindi ka kasi naka-coat at nasasakal na rin kasi ako sa mga butones na ito. Pinapahirapan ako huminga." Sa kakadaldal niya ay halos lahat na pala ng butones ng long sleeve niya ay nabuksan na niya. "Oops. Sorry."

Napanganga ako. Naalala ko tuloy bigla ang hubad niyang pang-itaas noong una ko siyang nakita sa unit niya na sinasaktan.

Inaakit niya ako. Hindi siya pwedeng magtagumpay. Isinara ko agad ang nakaawang kong bibig. Ibinalik ko ang atensyon ko sa hindi ko pa nauubos na pagkain.



Sunod nu'n, uminom siya ng tubig. Mula sa mga nabasang labi niya, sa maganda niyang panga pababa sa nagtaas-baba niyang adam's apple kung saan dumaloy ang iniinom niya ay siya ring pagdaloy doon ng aking tingin. At habang pinapawi niya ang uhaw niya, para naman akong biglang nauhaw sa ginawa niya. Napatingin siya sa akin at biglang nagkaroon ng korte paitaas ang mga labi niya nang makita akong nakatingin rin sa kaniya. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya.



Nang matapos kaming kumain, nagpasalamat ako sa kaniya.



"Salamat nga pala sa treat," nakayuko kong sabi.



"Walang anuman. Sana maulit." Tumango ako bilang tugon at nagpeke ng ngiti. "Pero hindi iyon possible kung hindi mo sa akin ibibigay ang number mo."



Hindi ko alam kung dapat ko bang ibigay o hindi. Pero kung ano man ang balak sa akin ng lalaking ito, hindi ko na gustong intindihin. Ang gusto ko na lang ay makilala pa siya. Kung bakit ganoon siya at bakit gustong-gusto niyang masaktan. Sa isang iglap, bigla akong naging interesado sa kaniya.



"O sige, ibibigay ko pero ako lang tatawag. Hindi ka pwedeng tumawag o magtext."



"Pero bakit?"



"Kung ayaw mo, hindi ko na lang ibibigay 'yong number ko."



"Okay, deal."



Nagpalitan kami ng numero at sinave ko ang number niya sa pangalang "Hallowblocks supplier". Sa ngayon, hindi ko pa pag-aari ang lahat ng pag-aari ni Alena kaya kailangan ko pa rin na mag-ingat.



"Hatid na kita?" alok niya.



"Ako na lang. Kaya ko na 'to. Mamaya idiretso mo pa iyong sasakyan sa unit mo."



"Hindi. I assure you."



"Sorry pero hindi ko pa kayang ipagkatiwala sa'yo ang sarili ko. Kakakilala pa lang natin. And anyway, patience is the key."



"I'll take note of that."



Nginitian ko siya. Pagkatapos nu'n, iniwan ko na siya at dumiretso na ako pauwi. Napagod ako kaya pagdating ko sa bahay ay agad akong natulog.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon