Tinanggal ko ang ilang bakal na nakaharang doon ko naman nakita si Jeric. May nakadagan sa kanyang tiyan na bakal agad ko iyong tinanggal. Sa hindi kalayuan, kita ko rin sila Princess at Nhice. Pero na saan si Gayle?




Nakita ko na nagising si Princess. Nakita ko na nanlaki yung mata niya. Tatayo sana ako.




"Francis!" Sigaw ni Princess.




Hanggang sa may naramdaman akong mabigat na tumama sa ulo ko. Nakaramdam ako ng hilo.




Napabagsak ako sa lupa hanggang sa unti-unting nagdilim ang aking paningin.





End of Flashback




"Ano ba? Pakawalan niyo ko!" Sigaw ni Belle. Nakahanap kami ng tali at itinali namin ang kanyang kamay at paa.




"Sabihin mo yung totoo. Bakit mo ba ginagawa lahat ng to?" Tanong sa kanya ni Princess.




Tila nairita siya lalo sa tanong ni Princess.




"Sinabi ko naman kasi sa'yo Francis, huwag kang maniniwala sa kanya. Hindi totoo yung sinasabi ng babaeng iyan!" Sabi ni Belle sa akin. Tila na pikon si Princess at isang malutong sampal ang natanggap ni Belle mula sa kanya.



Nagulat ako sa ginawa ni Princess. "I'm not lying, bitch" Sabi ni Princess. Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ni Belle.



"See, Francis? Sinasaktan niya ko" Sabi ni Belle. Tila nagpapaawa ito sa akin. Kaibigan ko si Belle. Hindi ko rin gusto makitang magkaganito siya. Napaiwas ako ng tingin.




"Iniwan ka na nila! Ako lang yung nagligtas sayo. Sabi ko kasi sa'yo umalis na tayo e." Sabi ni Belle. Narinig ko naman ang malulutong na mura mula kay Princess.




"How did that happen? Kung iniwan nila ko, bakit nandito pa si Princess? Sa pagkakatanda ko, katabi niya si Nhice bago ako mawalan ng malay. At isa pa malapit lang rin si Jeric sa kanila. Bago ako mawalan ng malay, sila yung nakita ko. Ikaw lang ang nagising non. Sana kung iniwan nila ko, wala na rin dito si Princess. Ngayon, paano mo mapapaliwanag ang lahat ng ito?" Tanong ko.

FIELD TRIPWhere stories live. Discover now