Chapter 29: Mapanuksong Tadhana

Magsimula sa umpisa
                                    

From: Sungit >:(

"Mayroon kang kasalanan sakin."

Huh?! Ano nanaman kasalanan ko sakanya? Ang huling pagkikita namin ay nung nasa bay kami ni Syrel. Wala naman akong ginawang masama o mali sakanya noon. Siya pa nga ung may ginawang mali nun eh! Pinagsalitaan nya ako ng masasakit na salita. 

Bahala siya! Kung may problema siya sa buhay, wag nya akong idamay! Tapos na! Tinapos na ni Mr. Concepcion ang role ko sa buhay nya! Pero bakit siya ganyan? Parang ayaw nyang patapusin ang role ko sa buhay nya o sadyang iniinis nya lang ako? 

Patago lang akong nagtetext. Actually kahapon pa ung text nyang "Why are you doing this to me?" na ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog ng gabi at kaya ngayon lang ako nakapagreply, dahil hindi makapagsink in sa utak ko. Kaya ayan sobrang laki ng eyebags ko. Nakakainis!

"Ms. Bleza. Why are you looking down?" 

Napatingin ako bigla sa harap at napaayos ng upo. Nakasilent kaya ung phone ko?! Ano ba yan! Hindi ko pa ata nalolock, baka makita nyang may ilaw! "U-uh. Sir, something just fell down." palusot ko. Napakagat ako ng labi, sana kumagat ung palusot ko. Sana.. 

"Then, you're still deciding if you'll pick it up or not?"

Sa susunod hindi na ako gagamit ng cellphone sa klase na 'to. Grabe kasi, ang pagkakaalam ko buong mag-araw lang siya nakaharap sa board habang sinusulat ang lesson. Parang blackboard yung studyante nya. Haharap lang siya samin pag magtatanong siya kung naiintindihan ba naman, at syempre kami naman na kunwaring naiintindihan talaga namin. Kahit hindi naman.

"U-uh." He snapped his fingers. "Wag ka ng magpalusot, Ms. Bleza. Give me your phone."

Tignan mo alam na pala nya na gumagamit ako ng cellphone tapos itatanong nya pa?! Pero please.. huwag naman sana nya kunin. Huhuhuhuhu.

Nakatingin lang ako sa kanya, ibibigay ko ba o hindi? Huwag na no? Sayang. "Sir, I'm using it today because someone texted me and its an emergency." Kinakabahan kong sagot. Pangalawang palusot ko na to.

"Get out! Scholar ka pa naman din ganyan ka maka-asta sa klase ko! Labas!" sigaw nya habang nakaturo sa pinto. Napapikit nalang ako. First time. First time ko naging outstanding. If you know what I mean, and medyo masakit. Kasi nakakahiya! Scholar ako tas ganito nga pinagagagawa ko. Kesa makinig ako sa klase.

Huminga ako ng malalim at nilisan ang classroom. Tumayo ako katabi ng pinto. Puro malas ata nangayayare sakin ngayon? Unang una, pinaalis ako ni Mr. Concepcion. Pangalawa, hindi ko alam gagawin ko kay Syrel. Pangatlo, hindi ko alam kasalanan ko kay Sungit. Pang-apat, bagsak pa mga exams ko. Tapos ganito pa ng nangyare. Pwede na ba ako magsend ng letter kay Charo? Dear Charo.. Pero wag na, sainyo nalang ako ulet magdradrama. Kahit hindi ko bagay.

Napatingin ako sa dalawang magkasamang babae at lalaki. Hinahampas ng libro ni Girl si Boy, at si Boy naman poker face padin. Parang may shield sa balikat. Tapos si Girl, inis na inis na. 

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon