Tumango naman si mama. At biglang tumayo sa kinauupuan niya. Ganon rin si Angeli.




"Tara na" Sabi ko.





Ate, hintayin mo kami.





Francis' POV





"Malapit na ba tayo?" Tanong ko kay Belle.





Medyo malayo na yung nilakad namin. Nakakaramdam na rin ako ng pagod pero sa tuwing maaalala ko si Gayle, parang nagkakaroon ako ng lakas. Kailangan ko makita ang barkada. Kailangan ko siya makita.




"Malapit na." Sabi nito sa akin.




Sinundan namin yung riles hanggang sa matanaw ko na yung bus. Napatakbo ako bigla.




"Francis!" Pag tawag ni Belle pero hindi ko ito nilingon.




Ginapang ng kaba ang aking dibdib. Bawat pagtibok nito ay palakas ng palakas. Pagkalapit na pagkalapit ko ay masangsang na amoy agad ang sumalubong sa akin. Tinaasan ako ng balahibo sa nakita ko. Napahawak ako bigla sa aking bibig. Bakit? Bakit ba nangyari sa amin to?





Parang napako sa lupa ang mga paa ko. Hindi ko ito maigalaw. Bigla na lamang nangilid yung luha sa aking mga mata.





"Francis naman! Bakit mo ba ko iniwan agad paano kung napano k--" Napatigil siya sa pagsasalita nung makita niya na umiiyak ako.




"Francis" Nilakasan ko ang loob ko at lumakad papunta doon sa bus. Naiwan si Belle dun na nakatayo lang. Pinapanood ang bawat galaw ko. Iniwas ko ang tingin ko nung makita ko ang nasa loob ng bus. Maraming bangkay. Pinigilan ko na masuka. Inisip ko na lang si Gayle.

FIELD TRIPKde žijí příběhy. Začni objevovat