*Chapter 2-3

839 18 3
                                    

TINATAMAD AKO =((

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*Chapter 2

"Uh-huh? Anong Ikaw??" Sabi ni Adrian na halong may pagtataka.

Alam mo ba yung feeling na, konti na lang, pwede mo ng masabi na, nakamove-on ka na. Yun bang, 99% na ka move on ka na, 1% na lang para buo na... Tas biglang..

"Girlfriend mo ba talaga siya, Ian?" Ian kasi palayaw niya. Minsan Yan-Yan. Kaso parang ang pangit lang ng Yan-Yan. Parang pagkain lang. Hahaha!

"Uh, yes.. Bry. May problema ba dun?"

"Ah.. Nothing. Just checkin'. I'm Bryan.. And you must be Ms. Ashley Gayle Santos, right?" Sabi niya habang nakalahad ang kamay niya sa akin. Kinuha ko naman to saka nikapagshakehands. Hindi ako makapagsalita. Kasi naman. Kamukhang, kamukha niya si... Yes, si Ryan. Si Kent. Ang mahal kong nawala sa akin. Sa araw ng kasal namin.

"So, ano nga palang meron at nandito ka, Bry?" Sabi ni Adrian.

"Pwede naman siguro tayong umupo, di ba?" Sabi nitong mayabang na nilalang na to na nagngangalang Bryan. Psh. Kala mo kung sino... at teka,

bat ba niya ako tinititigan. Nakakainis.

"Well, tatanong ko lang sana kung gusto mong sumama sa lakad nating magbabarkada." Umpisa ni Bryan.

"Ha? Saan naman? At teka, ano bang meron?"

"Birthday ni Raphael. Buong barkada ang pupunta. Sama ka na." Sabi niya pagkatapos tinawag niya yung waitress at umorder. Oonga pala bisita ito ni Hon. Tsh. My bad.

"Babe, sasama ba ako?" Paalam sa akin ni Adrian.

"Ha? Ikaw bahala. Ikaw, gusto mo ba?"

"Uhm.. Yeah?--" Saka niya hinarap si Bryan na umiinom ng wine. "Hey, ilang araw ba?"

The Man In My Dreams [The Unexpected Sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon