Chapter 18 Superman

Začít od začátku
                                    

"Sisigaw ka na naman eh, paano kapag nalalaman ni Lola ang pinag gagagawa natin. Malaman nilang hindi tayo nagkakasundo na kulang na lang ang magpatayan tayong dalawa. Hindi mo na ba natatandaan ang ginawa nila sa atin noon? Kapag nalaman nilang ganito ang sitwasyon natin, gagawin nila ang lahat magkalapit lang tayong dalawa."




Pagalit syang tumayo at padabog na ibinato ang unan at naglakad papuntang banyo.



Mas mabuti pa ang kalagayan ng unan na 'to kaysa sa buhay ko kasama sya. Araw-araw akong nakakarinig ng sermon mula sa kanya psh!




Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na rin kami at naabutan namin sila sa salas, iniinit lang daw ang mga pagkain dahil napatagal kami sa pag-aayos. Nakakahiya tuloy!



"How's your vacation apo? Ang aga 'yata pati ng pag-uwi nyo. Nagka problema ba?"



"Nagkasakit po kasi si Leaf kaya umuwi na lang kami agad." Nagkasakit ba ako? Ang alam ko hindi, "Diba?" Ang diin nung pagkakasabi nya nun.



"OPO LOLA!" Nagparinig rin ako. Bwisit talaga sya sa buhay ko. Napaka tagal ng dalawang taon! Parang hindi na ako makakatiis pa na palaging ganito ang sitwasyon namin. -____-




"Kawawa ka naman ija! Gusto mo tawagan ko yung private nurse mo?"



"Nako hindi na po--- okay na naman po ako."



"Ako ang fiancee nya, kaya ako po ang mag-aalaga sa kanya."




Nagulat naman ako sa sinabi nya pati na rin sila Lola at Mama. Napatingin naman ako sa kanya na parang anong-ginagawa-mo-look pero patuloy lang sya sa pagkain na parang inaasar pa ako.




"Hahahahahaha--- tama ka na nga naman apo, bakit pa ako kukuha ng nurse na titingin sa kanya kung nandito ka naman bilang mapapangasawa nya para alagaan sya diba? Hindi ko alam na may pagka romantiko ka din pala. Ipagpatuloy mo lang 'yan apo." Yung ngiti ni Lola. ^_____^ "Anyway, let's eat!" Pansin ko naman kay Lola na hindi sya pala ingles hindi katulad ng demonyong kasama ko dito, mas madalas syang magsalita ng mga malalalim na salita na hindi ko madalas naririnig o nakikita sa panahon ngayon.



Pumunta na kami sa dinning area magkatabi pa kami ni Pierce, hindi ako sanay. Palagi kasi kaming magkatapat sa pwesto dahil na rin sa hirap kami kumain, kaliwete kasi sya at kanan naman ang ginagamit ko, nagkakabunggo ang mga siko namin kapag kakain. "Move." Bulong nya.




"Aba! Ikaw ang mag move, anong gusto mo? Ako palagi ang mag aadjust." Bulong ko rin.



"Leaf, just move!" Kaya umisod na ako, ma pride sya eh hindi sya ang mag aadjust.



"Ijo?"


"Bakit po?" Mabulunan ka sana.



"Hindi ka muna papasok sa trabaho ngayon, alagaan mo ang mapapangasawa mo dahil halos isang linggo na lang at ikakasal na kayo." Oo nga pala halos wala ng dalawang linggo at ikakasal na kami. Nawala na 'yun sa isip ko ah!




"Opo Lola." Pagkatapos namin kumain, yung kasama na nila Lola ang nagligpit ng mga pinagkainan.



Nandito kami ngayon sa garden ni Lola. May gagawin lang daw si Pierce sa taas.


"Ija? Can I ask you for a favor?"



"Opo Lola, ano po ba 'yun?"



Hinawakan naman nya yung mga kamay ko, naramdaman kong madibdibang usapan 'yata ang pag-uusapan namin ngagyon.



Wanted Babymaker (Editing)Kde žijí příběhy. Začni objevovat