Ngumiti si Aries. "Salamat, Selphira."

Nang makaalis si Aries ay nagpupuyos sa galit si Selphira. Nakita iyon ni Azer. Mayroon itong tinawag na pangalan: Gemini.

"Ano'ng maipaglilingkod ko sa'yo kapatid ko?" nakangising wika nito. Hindi maganda ang aura ng lalaking iyon. Madilim.

"Patayin mo si Aries, kuya. Iyon lang ang kailangan ko." tiim-bagang na sambit ni Selphira.

"Mukhang galit na galit ka talaga sa kanya. Kakambal mo siya, hindi ba?" nakangising wika nito. Inilagay ang dalawang kamay sa likod ng batok.

"Hindi ko sya itinuturing na kakambal. Noong una pa lamang, ako na dapat ang nakinabang sa kapangyarihan ng ating ama. Ngunit, siya ang pinili nito imbes na ako!" galit na wika ng babae. "Kapag namatay sya, ako ang makakakuha sa kapangyarihan niya. Ako ang magtataglay niyon at mapapa-sa'kin si Leo."

"Magandang ideya." sang-ayon ni Gemini. "Kakausapin ko ang iba pa. Sa ngayon, kunin mo muna ang atensyon ni Aries. Mas malapit sya sa'yo, mas makukuha mo ang gusto mo."

Naiinis si Azer. Naikuyom niya ng kamao. Hindi niya mawari kung bakit ganoon na lamang ang pakiramdam niya sa dalawang nilalang na nasa harap niya. Tumakbo siya palayo. Tinungo niya si Aries. Hinanap niya sa buong palasyo.

Ngunit para bang may sariling utak ang mga paa niya at agad niyang nalaman kung nasaan ang babae. Naroon ito sa may hardin at nakaupo sa gitna ng mga puting rosas.

"Leo..." banggit ng babae sa pangalan ng nobyo nito. "Bakit hindi tayo pagsamahin ng tadhana? Bakit palagi na lamang tayong pinaghihiwalay? May nagawa ba akong mali upang parusahan ng ganito ni Bathala?" lumuluhang sambit nito habang hawak ang isang puting rosas.

Nasasaktan si Azer. Nahawakan nanaman niya ang kanyang dibdib. Ayaw niyang makitang umiiyak ang babae.

Sephiel...

Kumirot ang sentido niya. Iyon nanaman ang pangalang nasa isipan niya. Sino ba iyon? Sino si Sephiel? Nasaan ito?

"Narito ka lang pala." wika ng isang baritonong boses mula sa kanyang likuran. Nang lingunin niya ito'y napaatras siya.

Si Leo!

"I-ikaw!" gimbal niyang bulalas.

"Ako 'ikaw', Azer." walang emosyong wika nito. "Alam kong wala kang maalala. Pero, kailangan ka ngayon ng babae'ng 'yon."

"S-sino? At saka...Bakit ka naririto? Hindi ba't u-umalis ka kanina?..."

Tumingin ito sa kanya. "Hindi totoo ang mga nakikita mo."

"Pinagloloko mo ba ako?" nainis na wika ni Azer. "Kitang-kita ko na umalis ka! Iniwan mo si----" napahinto si Azer. Nakita niyang dumilim ang buong paligid. Nabalutan iyon ng mga usok.

"Ala-ala na lamang iyon ng nakaraan mo, Azer. Ala-alang hindi mo na dapat pang balikan...kailanman." tinalikuran siya nito.

Sinundan niya ito. "Sandali lang! Ano'ng ibig mong sabihin?"

Huminto ito. "Gusto mo ba talagang malaman?"

"Oo. Gusto ko." determinadong wika niya.

"Sige. Sasabihin ko sa'yo." wika nito. Itinaas ang isang kamay. Lumabas roon ang isang apoy. Maliwanag iyon kumpara sa ordinaryong apoy lamang.

Kumalat ang apoy patungo sa kanya. Nahintakutan pa si Azer. Ngunit kalauna'y magiliw na niyang pinanonood ang apoy.

"Iyan ang kapangayrihan mo noong nasa panahon kita." umpisa ni Leo. "Ikaw ang nakakuha sa selyadong kapangayrihan ng Leon na si Leo. Ikaw ang nagmana ng apoy ng araw at nagsilbing bituin sa iyong mga kasapi.

Noong mga panahon na naghanap sila ng iaaalay, ikaw ang nai-alay nila. Dapat ay ang kapatid nina Aries ang magmamana sa kapangyarihan mo. Ngunit, namatay ito. Kaya't naghanap ang konseho ng ibang katawan. At ikaw nga iyon.

Ang pamilya nina Aries ay isang monarkiya na patuloy na namumuno sa Celestial World. Ang kanilang angkan lamang ang nagmamana sa kapangyarihan ng labin-dalawang halimaw.

Sa lahat ng magkakapatid, sina Aries at Selphira lamang ang babae. Hindi tumalab kay Selphira ang unang trumpeta na nagsasabing siya ang hihiranging 'Apoy na Tupa'. Napunta iyon kay Aries. At dahil roon, nakilala mo si Aries. Si Seraphiel...

Inggit na inggit si Selphira kay Seraphiel dahil gusto ka nito at may gusto ka rin para kay Seraphiel. Gumawa sya ng paraan upang maghiwalay kayo.

Pinatay ka nya. Pinatay ka ni Selphira. Ninakaw niya ang Book of Life and Death ng Celestial World upang maisalin ang iyong kaluluwa sa ibang katawan. Ngunit, nabigo siya.

Pagkamatay mo ay sumunod sayo si Seraphiel. Nagpakamatay siya at umasang magkikita kayo sa ibang panahon, at ibang mundo. Nagtagumpay sya. Nagsama kayo sa mundong kinagagalawan mo ngayon. Sa labas ng Celestial World. Naging tao kayo pareho.

Ngunit, nasundan kayo ni Selphira. Gumawa sya ng paraan upang mabura sa ala-ala mo si Seraphiel. Pinalitan niya ito ng 'Sephiel'. Hanggang pareho ninyo nang nakalimutan ang nakaraan.

Hanggang dumating ang puntong nahulog ka kay Sephiel. Nagpupuyos ang kalooban ni Selphira dahil ang mismong puso mo ay na kay Sephiel pa rin.

Muli, pinatay ka nya. Pinatay ka nya sa kasalukuyang mundo at ibinalik ang kaluluwa mo sa nakaraang mundo at binago niya ang lahat. Sya ang naging si 'Sephiel'at naging kaibigan mo siya. Ginawa niyang 'Azeya' ang tunay na 'Sephiel' at pinalabas nitong nanay ni Sephiel si Seraphiel. Hanggang lalong gumulo ang lahat.

Nagsimula nang maging kumplikado iyon dahil nasira ang barrier na pumo-protekta sa aming mundo. Sa Celestial World. Lahat ng mga pangyayari ay nagbago.

Ang inaakalang tatay ni Seraphiel ay ang mismong hari. Ang kapatid nito ay naging 'Joseph' at naging magkaaway ang dalawa. Ang mga katiwala ng palasyo na mga babae ay naging mga assassin. At ang mga Celestial Monsters ay nabulabog.

Masasabi kong iisa lamang ang hindi nagbago, at iyon ay ang pagmamahal mo kay Seraphiel. Kahit nagkagulo na ang lahat, ang pag ibig mo sa kanya ay hindi nagbago.

Ang natitirang paraan na lamang upang matapos ang kaguluhang ito ay ang makuha ang Book of Life and Death ng Celestial World. Nakasalalay iyon sa iyo. Ikaw lamang ang pakikinggan ni Selphira. Kailangan mo iyong makuha sa lalong madaling panahon. Dahil kung hindi, mapapatay niya si Seraphiel."

To be continued....

Blade X (Completed) 2016 VersionOnde histórias criam vida. Descubra agora